Rain.Boys Chapter: 7.2

7.6K 266 11

        Humina na ang ulan at nang matapos kami sa kakesohan na ginawa namin ay nag-umpisa na kaming maglakad pauwi kila  Arwin, pagdating namin sa bahay nila ay kumatok kami at agad naman itong binukasan ng mommy ni Arwin.

        "Naku, anak ng mga basang sisiw, bakit kayo nagpaulan, kayo talagang dalawa, hala sige pumasok na kayo dito at ng makapagpalit na kayo." at agad nga kaming pumasok ni Arwin, "Kayo talaga, sige na maghubad na kayo ng mga pang itaas niyo, kukuha lang ako ng tuwalya at pamalit niyo." ang dagdag ng mommy ni Arwin.

        Naghubad na kami ng damit pang itaas ni Arwin, natulala ako sa ganda ng katawan ng mokong lakas makatulo laway pero siyempre si Luke David yata 'to kaya pademure ako haha pano demure? pero kahit ano pang pagkademure ang gawin ko ay napansin pa din ako ni Arwin.

        "Oy ano yan baka matunaw ako niyan ah, super titig ah." ang biro niya sa akin.

        "Feeler, kala mo kung sinong kaganda ang katawan, hindi kita pagnanasahan 'no." ang depensa ko.

        "Weh hindi daw haha kung makatingin ka wagas haha, at kung makapagsabi ka parang napakaganda ng katawan mo eh ang payat payat mo dagdag mo pa ang height mong matangkad pa ata ang asong nakaupo." ang pang-aasar ni Arwin.

        "Excuse me! Hindi ako payat, slim ako slim, eh ano naman kung maliit ako masyado kang mapang-api porke matangkad ka gusto mo patikimin kita ng Elf punch and kick?" ang sabi ko at pinagtawanan lang ako ng mokong.

        "Ayoko nga makatikim ng Elf Kick and punch, gusto ko Elf kiss." ang sabi ni Arwin at hinalikan niya ako bigla sa labi, at isang sampal naman ang binigay ko. "Aray!" ang sigaw niya.

        "Elf slap? gusto mo pa ng isa. Magnanakaw ka ng halik." ang sabi ko ng nakangisi.

        "Grabe ka talaga Drip, ang sakit ng pisngi ko." ang sabi niya at medyo nakonsensiya naman ako mukang napalakas nga ang sampal ko.

        "Sorry na sige bigyan na lang kita ng isa pang elf kiss." ang sabi ko ng sinabi ko anak ng duwende ang ngiting tagumpay ni Arwin abot hanggang tenga, at hinalikan ko nga siya pero mabilis lang baka kasi makita kami ng mommy niya sabihin pa ng mokong ako ang may gusto magaling pa naman mag story tell 'to.

        Bumalik ang mommy ni Arwin pagkalipas pa ng ilang sandali dala nito ang dalawang tuwalya at ang mga damit na pamalit namin.

        "Sabi ko na nga ba at babagay sa'yo iyang kwintas na iyan." ang sabi ng mommy ni Arwin ng mapansin nito ang suot ko na kwintas.

        "Oo nga mommy, guess what engage na kami." ang dagdag ni Arwin, wow ah engagement na pala yun akala ko as partner pa lang galing talaga nito manlamang pero ayos lang gusto ko yan push Arwin.

        "Engagement, engagement ka pa nalalaman diyan itong batang 'to." ang nakangiting sabi ng mommy ni Arwin.

        "Maraming salamat po dito sa kwintas, pangako po iingatan ko po ito at mamahalin ko po si Arwin ng tapat." ang sabi ko at nginitian ako ng mommy ni Arwin at si Arwin naman ay napatingin sa akin at hinawakan ang kamay ko.

        "Wala 'yon Luke, masaya ako na marinig yan sa'yo, at least alam ko na bukod sa akin may isa pang tao ang nagmamahal ng tapat dito kay Win, ang mahalaga mahalin niyo ang isa't isa at maging masaya kayo at doon pa lang masaya na ako." ang sabi ng mommy ni Arwin, "Oh siya heto ang tuwalya at mga pamalit niyong damit, magbanlawa kayo doon sa banyo sa may kusina para hindi kayo magkasakit." ang dagdag ng mommy ni Arwin sabay abot sa amin ng mga gamit namin.

        Napansin ng mommy ni Arwin na napatingin ako sa damit dahil sa underwear,"Kay Win 'yang underwear, pero dahil engage naman kayo okay lang naman siguro na gamitin mo 'yan." ang sabi ng mommy ni Arwin ng pabiro.

Rain.BoysBasahin ang storyang ito ng LIBRE!