Rain.Boys Chapter: 2

12.5K 359 24

        Sa isang park nakatayo ako kasama si Von, bi na kaibigan ko, pero hindi ko alam kung bakit kami nadoon.

        "Luke, mahal kita, sana pagbigyan mo ako na iparamdam ko sa'yo ang pagmamahal ko. Pakiusap Luke." sabi ni Von habang hawak ang kamay ko.

        "Teka, teka Von, a-a-ano bang sinasabi mo? Teka, teka." sabi ko at hindi ko alam ang gagawin ko mayamaya pa ay may biglang humila sa'kin, at ng tignan ko kung sino, si Arwin pala, mabilis kami naglalakad palayo kay Von habang hawak niya ang kamay ko, makikita sa mukha niya ang inis pero tumatakbo sa isip ko ay ang tanong kung ano ba ang nangyayari?

        "Pwede ba na huwag kang lumalapit kung kanikanino?" sabi ni Arwin na inis ang boses.

        "Huh? Teka nga, teka lang huminto nga muna tayo sandali at bitiwan mo ko, ano bang sinasabi mo? At ano bang nangyayari?" tanong ko na naiinis na din dahil sa pagkalito.

        "Anong ano ba ang nangyayari, partner kita at partner mo ko, kaya hindi ka pwede hawakan ng kung sino-sino. Mahal kita Luke at sana ganoon ka din sa'kin." sagot ni Arwin na mas lalo pang nagpagulo sa isip ko.

        "Arwin, ano ba 'yang sinasabi mo? Si John na bestfriend ko ang partner mo. Teka nabagok ka ba o nauntog kung saan man? O inaasar mo na naman ako? Tsaka bitiwan mo ako Arwin baka makita tayo ni John." sagot ko habang pilit ko pinapakawalan ang kamay ko sa pagkakahawak ni Arwin.

        "Wala na kami ni John, Luke hindi kita bibitiwan dahil ayoko na mawala ka sa'kin, mahal na mahal kita Luke." at niyakap ako ni Arwin ng mahigpit ngunit nagpumiglas ako kaya naman nagawa ko na maitulak siya at ako naman ay natumba at isang malakas na kalabog ang sumunod...

        Pagkadilat ko nasa kwarto ko ako at nasa sahig ako, at doon ko napagtanto na nahulog ako sa kama ko at panaginip lang ang lahat, pero kahit na isang panaginip lang ang lahat hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga eksena, ang lakas kasi maka-pocket book, bumalik ulit ako sa kama ko at tumitig lang sa kisame.

        "Bakit kaya ganoon ka-weird ang panaginip ko na 'yon?" bulong ko at biglang tumunog ang cellphone ko, si Best John tumatawag kaya naman agad ko itong sinagot.

        "Hello Best?" bungad ko at halatang bagong gising ako.

        "Best, sa wakas nagising ka din, gumora ka naman ditey wala kasi sila mudrakels eh, ditey ka na lang magbifie (breakfast)." sabi ni John, medyo sanay siya mag gay lingo kaya naman pag hindi si Arwin ang kausap niya ay itong mga salita ang ginagamit niya.

        "Agang pangangapitbahay ang dating ko ah pero sige mag-ayos lang ako pagkatapos pupunta na ako agad diyan." sabi ko na napahikab pa.

        "Push Best at may chichismakels pa akis sa'yo pag nakagora ka na ditey. Sige na Best mag-cook na akis para sa bifie natin." sabi ni John at ibinaba na din niya ang tawag.

        Nahiga pa ako sandali bago ako bumangon at dumiretso ako sa lababo sa banyo para maghilamos at magsipilyo, napatitig ako sa salamin at biglang pumasok sa isip ko si Arwin.

        Nakarating na ako sa bahay ni John, kumatok ako sa pinto at agad naman itong binuksan ni John.

        "Best pasok ka bilis," pagmamadali na aya ni John sa 'kin.

        Dumiretso kami sa dining area nila at doon nakahain na ang almusal na niluto ni John.

        "Teka, ano bang meron Best? Nasaan sila Tita Liz?" tanong ko kay John.

        "Wala naman Best, pupunta kasi dito si Arwin kaya pinapunta kita, kaya alam mo na. Sila mama naman pumunta ng Pangasinan doon sa mga tita ko, mga one week daw sila doon at iyon din ang dahilan kaya hindi ako nakapunta kagabi." paliwanag ni John.

Rain.BoysBasahin ang storyang ito ng LIBRE!