Rain.Boys Chapter: 16.2

4.3K 131 13

        Hingal na hingal at tagaktak ang pawis ko nang makarating ako sa gym, tama si Francis ang daming tao, ang laking kaguluhan ang ginawa nila Arwin at Von, pilit akong sumingit sa mga tao para mapigilan ang dalawa.

        "Tama na yan!" ang sigaw ko na ubod ng lakas, biglang tumahimik ang lahat, tumingin ako sa buong paligid, lahat ng tao sa akin nakatingin, ibinaling ko ang tingin ko kila Arwin at Von, si Arwin at Von natulala din sa akin, anak ng tofu hindi naman pala sila naglalaban na tulad ng nasa isip ko, naglalaban sila oo pero sa basketball.

        "Drip?" ang tanging nasabi ni Arwin dahil sa gulat at pagtataka kung bakit ako wagas na makasigaw.

            Sa halip na magpaliwanag ay isang mabilis na pagtakbo palabas ng gym ang ginawa ko, mabilis ako tumakbo gusto ko lumayo sa lugar na iyon, gusto ko magtago dahil sa hiya, naririnig ko sila Arwin at Von na tinatawag ako, lumingon ako pero sa halip na huminto ay mas binilisan ko pa ang takbo ewan ko ba pati sa kanila nakaramdam ako ng sobrang pagkahiya.

        "Girl!" ang sigaw ni Francis ng makita niya ako pero di pa din ako huminto hanggang sa, BOOM BANGGA! Hanggang sa bumangga ako kay Russel na hinarangan na pala ang daan, natumba kaming dalawa si Russel ang nasa ilalim habang ako naman ang nakapaibabaw sa kanya. anak ng kikiam bakit ba ang clumsy ko ngayon? My gas anong nangyayari sa akin.

           "Ayos ka lang ba?" ang tanong sa akin ni Luke, agad akong bumangon para makatayo siya at ng makatayo na kami ay magsisimula na naman sana akong mag-ala Flash pero hinawakan agad ako ni Russel sa kamay.

      "Hoy bitawan mo ang kamay ni Drip asungot ka." ang sigaw ni Arwin ng makita niyang magkahawak kami ng kamay.

         Agad naman na binitawan ako ni Russel, nang makalapit na sa amin sila Von at Arwin ay agad akong niyakap ni Arwin, at doon ko naramdaman ang pagod sa pinaggagagawa ko.

          "Ikaw ha wag na wag mong hahawakan ang kamay ni Drip kundi patay ka sa akin." ang sabi ni Arwin sabay pagpag sa kamay ko na animoy madumi ang mga ito.

            "Teka Luke bakit bigla ka sumigaw kanina sa gym?" ang biglang tanong sa akin ni Von.

         "Eh kasi, eh kasi itong si Francis eh ang sabi naglalaban daw kayo, akala ko basag ulo na naman, hindi ko naman alam na basketball pala." ang sabi ko na hinihingalhingal pa.

            "Eh kaw naman kasi girl di pa ako tapos magsalita nagtatakbo ka na agad, tinatawag kita dedmakels ka lang." ang sabi ni Francis.

              "Eh bakit naman kasi ganon ang reaksiyon mo akala ko tuloy kung ano na." ang sabi ko

          "Ha-ha sorry naman girl naexcite lang kasi ako ng masagap ko ang chismakels sa mga baklitang kaklase nila Yummy Papable Arwin at Cutie Papable Von na ikaw ang pinaglalabanan nila." ang sagot ni Francis.

             "Pinaglalabanan? Anong pinaglalabanan? Para saan?" ang tanong ko sa kanila.

          "Alam naman namin kasi na si Arwin ang date mo sa acquaintance party na gaganapin sa isang linggo, pero hindi ako makakapayag na siya ang maging last dance mo, kaya hinamon ko siya na kung sino sa amin ang manalo sa basketball siya ang magiging last dance mo." ang sagot ni Von.

         "At pumayag naman ako dahil alam ko naman na ako ang mananalo." ang dagdag na sagot ni Arwin.

         "Eh di sasali ako diyan." ang biglang sabi ni Russel, napatingin kaming lahat sa kanya lalo na sila Von at Arwin.

          "Ano? Magsitigil nga kayo." ang sabi ko.

         "Lakas ng loob mo ah, pero sige sumali ka gusto mo magtulong pa kayo ni Von." ang sabi ni Arwin na parang walang narinig.

Rain.BoysBasahin ang storyang ito ng LIBRE!