Chapter 48

351 27 3
                                    

Paggising ni Charity ay kilig na kilig pa rin siya dahil sa sinabi ni Dyrev kagabi. Excited na siya para sa "date" nilang dalawa. Para na tuloy siyang bata na hindi makali sa upuan. Dahil sa labis na saya ay pinagluto niya ng breakfast si Dyrev habang tulog pa ito. She's being sweet this time dahil alam niyang nalalapit na ang pag-alis niya sa poder ni Dyrev.

Pagkatapos niyang magluto ay tiningnan niya kung tulog pa si Dyrev, tulog pa nga ito nang mahimbing kaya nag-stay muna siya sa tabi ng binata at hinintay na magising ito. Kilig na kilig siya habang nakatingin kay Dyrev, para kasi itong anghel habang natutulog.

"Ang gwapo mo talaga kapag tulog, siguro dyan mo talaga nakukuha ang mga babae na nagkakagusto sayo eh. Para kang anghel oh, ang sarap mo tingnan kahit natutulog ka na. Why are you so pogi?" bulong ni Charity kay Dyrev

Ang hindi alam ni Charity ay gising pala si Dyrev, kaya naman ginulat niya si Charity. Napasubsob tuloy siya kay Dyrev, dahilan para aksidente silang maghalikang dalawa. Hiyang-hiya tuloy si Charity na namumula siya habang nakatingin sa mga mata ni Dyrev.

"Ang gwapo ko ba habang tulog? Narinig ko iyon, sinabi mo na para akong anghel na natutulog! Huwag mo na i-deny, narinig ko na eh. Saka alam ko naman na sinadya mo talaga akong halikan, hindi ka naman talaga nagulat eh." pang-aasar pa ni Dyrev kay Charity

"Aaminin ko na gwapo ka talaga pero yung hinalikan kita, nagulat talaga ako noon. Huwag ka ngang assuming, gwapo ka lang pero ayaw kitang halikan ano." sabi ni Charity kay Dyrev

"Ayaw mo akong halikan pero hinalikan mo ako nung nakainom tayong dalawa. Aminin mo na, wala naman na magagalit eh. Hindi ako magagalit, baka nga ikatuwa ko pa eh." hirit pa ni Dyrev kay Charity

Hindi na pinansin ni Charity iyon, sa halip ay kumain na lang siya pagkatapos ay naligo na. Sa totoo lang kasi ay excited na siya sa "date" nilang dalawa. Wala siyang ideya kung saan siya dadalhin ni Dyrev eh, ang gusto niya lang ay mag-relax para maganda siya mamaya kapag aalis na sila.

"Ngayon na yung date natin ha. Wear your best dress, dapat yung mapapa-wow ako sa sobrang ganda mo sa dress na iyon. Okay?" sabi ni Dyrev sakanya

Tuwang-tuwa na ana siya nang biglang naalala niya na  wala nga pala siyang susuotin dahil wala naman siyang dinala nung pumasok siya sa librong ito. Nagulat na lang siya nang makita niya ang limang dress na may iba't ibang kulay, nakita rin niya si Estella na inaayos ang mga ito.

"Akala ko ay hindi mo na ako tutulungan, nahihiya na ako na tawagin ka pero salamat dahil pumunta ka pa rin para tulungan ako sa araw na ito. Ang dami naman nitong damit, ang gaganda nila." sabi ni Charity kay Estella

"Alam kong kailangan mo ako kaya ako pumunta dito, mamili ka na ah. Nandyan na din ang make-up na gagamitin mo, sana ay maging masaya ka sa araw na ito. Basta, huwag mo kakalimutan ang paalala ko, huwag mo sasabihin kay Dyrev ang hindi niya dapat malaman ha?" sabi ni Estella kay Charity

Ngumiti lang si Charity kay Estella, naging instant Cinderella tuloy siya at naging fairy godmother naman si Estella sakanya.Namili na siya ng dress na susuotin, ang napili niya isang peach na kulay. 

Sinukat na niya ito at nagandahan naman siya, pati na rin si Estella kaya iyon na ang pinili niya. Alam niyang magugulat si Dyrev sa transformation niya dahil hindi naman siya madalas na nagmamake-up, kapag may okasyon niya lang ginagawa iyon. Pati na rin siya ay manghang-mangha na ang ganda niya pala kapag naka-make up.

Pagkatapos ng tatlong oras na pag-aayos ay lumabas na si Charity sa kwarto ni Dyrev, habang busy naman si Dyrev na nanunuod ng palabas sa telebisyon. Tinawag na siya ni Charity kaya nung lumingon siya ay napanganga na lang siya dahil sa sobang ganda ni Charity.

"Huy, kanina ka pa nakatingin dyan. Tinatanong kita, bagay ba sa akin ang peach dress na ito or papalitan ko? Yung make-up, okay lang ba? Papalitan ko rin ba?" sabi ni Charity kay Dyrev

"Ha? Ah, oo. Bagay na bagay nga sayo ang ganyan na damit. Ang ganda mo na, hindi ka na pangit katulad noon. Kahit nga wala ka na make up eh ang ganda mo pa rin para sa akin." sabi naman ni Dyrev kay Charity

Hindi tuloy alam ni Charity kung maiinis ba siya o kikiligin dahil sa sinabi ni Dyrev sakanya. Bakit kasi may halong pang-aasar pa ang compliments ni Dyrev. Gusto na lang tuloy na mag-back out ni Charity dahil dito.

"Sinabihan mo nanaman ako ng pangit. Nakakainis na, hindi ko alam kung kikiligin ako o maiinis sa mga sinasabi mo eh. Sige, mang-asar ka pa eh hindi na ako sasama sayo ngayon, kahit pilitin mo pa ako." sabi naman ni Charity kay Dyrev

"Huy, joke lang naman iyon. Alam mo naman na loko-loko ako eh, pasensya ka na ha? Pero seryoso, maganda ka kahit may make up ka o wala. Ang ganda mo pati dyan sa dress mo na peach ang kulay." sagot naman ni Dyrev kay Charity

"Oh, talaga ba? Bagay na sa akin itong sinuot ko ha? Pati yung make up ko? Ito na susuotin ko mamaya." sabi ni Charity kay Dyrev

"Oo, iyan na nga ang suotin mo mamaya. Sige, magbibihis na din ako. Finish your final touch ups na tapos aalis na tayo. Magba-blind fold ka ah?" sabi naman ni Dyrev kay Charity

Nagulat si Charity at napatanong sakanyang sarili kung bakit kailangan pang mag-blind fold pero susundin niya na lang ito. Nagbihis na rin si Dyrev at nag-ayos. Gwapo na gwapo naman siya sa suot niyang polo na kulay mint green.

Pagkatapos noon ay dinala na ni Dyrev si Charity sa rooftop habang naka blindfold, dito niya dinala ang dalaga dahil naisip niya na dito ay nakakakalma ang paligid. Gusto rin kasi niya na sila lang dalawa kaya minabuti niya na dito i-prepare ang lahat.

Mag-aalasais na ng gabi kaya maganda rin ang paligid, malamig ang simoy ng hangin. Presko, siguradong matutuwa si Charity oras na makita niya ang ayos ng rooftop na pinaghandaan talaga ni Dyrev.

Dyrev's Wish (Completed)Where stories live. Discover now