Chapter 37

339 33 2
                                    

  Pagkatapos noon ay bigla tuloy tumigil ang mundo nilang dalawa. Hindi na namalayan ni Charity na iyon na pala ang nasabi niya kaya ang ending ay gulat na gulat sila parehas. Agad-agad tuloy na iniba ni Charity ang usapan para hindi mailang si Dyrev sakanya.
"Oh, joke lang naman. Huwag masyadong seryoso ang mukha mo. Joke lang iyon, alam ko naman na ai Alice pa din ang pipiliin mo. Malinaw pa sa liwanag ng buwan iyon." sabi ni Charity kay Dyrev

"Buti naman at malinaw sayo iyon. Saka kahit naman ano ang mangyari ay hindi kita magugustuhan. Hindi ka naman maganda eh, cute ka lang. Ang liit mo kasi eh."sagot naman ni Dyrev kay Charity

"Hmp, halika na nga. Umuwi na tayo sa inyo at baka ano pa ang masabi o magawa ko sayo. Umayos ka ah, baka masapoka kita ng wala sa oras eh." sagot naman ni Charity kay Dyrev

Natawa na lang tuloy si Dyrev sa reaksyon ni Charity. Sa totoo lang ay medyo napagaan naman ng dalaga ang sakit na nararamdaman ni Dyrev. Kaya nga lang ay hindi naman niya maiwasan na hindi ito maisip.

Pag-uwi nila Charity at Dyrev ay nagpahinga muna sila. Nang magising ay agad na pinag timpla ni Charity ng kape si Dyrev dahil naalala niya na mahilig ito rito lalo na ngayon na problemado ito. Kaso ang problema ay hindi siya marunong magtimpla ng kape.

"Oh ayan, magkape ka muna dahil alam kong problemado ka kahit na nakapahinga na tayo. Alam kong mahilig ka sa kape, galing ko 'no?" pagmamayabang pa ni Charity kay Dyrev

"Sige nga, tingnan natin kung masarap kang magtimpla ng kape kaysa kay Alice. Sinasabi ko sayo kapag nakuha mo ang timpla ko, sasagutin na kita." pang-aasar ni Dyrev kay Charity

"Excuse me, pwede ba huwag mo nang banggitin pa ang pangalan na iyon. Sinaktan ka na nga noon, ipagkukumpara mo pa kami. Eh kung hindi ko kaya itimpla ang kape mo?" sagot ni Charity kay Dyrev

"Ang taray mo naman, ito na nga eh. Iinumin ko na yung tinimpla mong kape. Huwag ka na magtampo dyan, hindi ko na babanggitin pa ang pangalan noon. Promise!" sagot naman ni Dyrev kay Charity

"Siguraduhin mo lang, sisingilin kita sa tuwing sasabihin mo ang pangalan niya. Try me, gagawin ko talaga yung sinasabi ko." sagot naman ni Charity kay Dyrev sa mataray na tono

Pagkatapos noon ay ininom na ni Dyrev ang kape na hinanda ni Charity para sakanya. Napapikit na lang siya sa sobrang pait ng lasa nung kape na ininom niya. Hindi niya alam kung maiinis siya o matatawa kay Charity.

"Oh, anong problema? Hindi ba masarap ang timpla ko kaya ganyan ang mukha mo ngayon? Sabihin mo naman sa akin oh, para malaman ko at baka sakaling mabago ko pa." sagot naman ni Charity kay Dyrev

"Mukhang simula ngayon ay ayaw ko na sa kape. Kakaiba eh, bakit ang pait naman ng lasa nito? Bitter ka ba sa buhay mo? Hindi ka marunong magtimpla ano?" sagot naman ni Dyrev kay Charity

"Bakit naman? Ano bang lasa? Patikim nga. Ikaw naman eh, nilalait mo na agad ang timpla ko. Hindi mo man lang ba i-aappreciate na nagtimpla ako para sayo kahit hindi ako marunong?" sabi ni Charity kay Dyrev pagkatapos ay humigop din siya ng kape na tinimpla niya

Hindi niya alam kung gugustuhin na lang niya na kainin siya ng lupa o ano eh. hiyang-hiya si Charity sa sobrang pait nung kape na tinimpla niya para kay Dyrev. Namumula tuloy ang mukha niya dahil sa hiya. 

"Ang pait nga, nakakainis! Pasensya ka na, sige sa susunod ay hindi na lang ako magtitimpla ng kape mo. Napapahiya ako eh, pasensya na ulit." sabi ni Charity kay Dyrev

Bigla naman natawa si Dyrev dahil sa reaksyon ni Charity. Kinuha niya kay Charity ang kape at tuloy pa ring ininom ito kahit na napapaitan siya. Gulat na gulat naman si Charity dahil sa ginawa ni Dyrev. Hiyang-hiya na siya pero mas lalo pa siyang nahiya dahil sa nangyari.

"Bakit mo naman ininom? Uubusin mo pa, tama na nga. Alam mo na mapait na eh, saka ininuman ko na iyon pero ginamit mo pa rin!" asar na sabi ni Charity kay Dyrev

"Ayaw mo ba noon? Edi parang nag-indirect kiss na tayo dahil dyan." sagot ni Dyrev kay Charity

Nasapak tuloy ni Charity si Dyrev na hindi na nakailag dahil sa bilis ng kamay ni Charity. Inaamin naman niya na kinikilig siya dahil sa sinabi ni Dyrev pero hindi niya napigilan kaya kunwari na lang na inis na inis siya.

"Aray ko naman,  bakit mo ako sinapak ang napakapogi kong mukha? Nakakaasar ha. Ang gwapo ko na, sinapak mo pa ako. Ang baliw mo talaga ano? Hindi ka naman maganda, cute lang." sabi ni Dyrev kay Charity

"Tama na nga iyang pang-aasar mo sa akin ha? Ayos ka na ba dito? Pwede na ba akong umalis?" tanong ni Charity kay Dyrev

"Oo, okay na ako dito. Salamat sa pagsama sa akin, alam mo bang first time ko ito? Wala naman kasing may paki sa akin, lahat sila ay busy." sagot ni Dyrev kay Charity

"Oo, alam ko. Hindi ba't sinabi ko na sa iyo kanina ang mga nalalaman ko? Simula baby ka pa nga lang ay alam ko na eh. Nakalimutan mo na ba agad?" sagot naman ni Charity kay Dyrev

"Ah, oo nga pala. May super powers ka nga pala na hindi ko alam saan galing. Sige na, umalis ka na at baka pigilan pa kita." sagot naman ni Dyrev kay Charity

Pagkatapos naman noon ay nakita na ni Charity si Estella, hudyat na kailangan na niyang umalis at iwan si Dyrev. Palabas na sana siya ng bahay ng binata pero tinawag siya ulit nito. Paglingon niya ay tumingin siya sa mga mata nito, nakikita niya ngayon ang mga mata ni Denver.

"Charity, pwede bang dito ka muna? Kahit ilang araw lang, wala kasi akong kasama dito sa bahay pero kung hindi naman pwede ay huwag na lang. Sanay naman na ako eh." sabi ni Dyrev kay Charity

Dahil nakita ni Charity na nangungusap talaga ang mga mata ni Dyrev sakanya ay napag-isipan niya na mag come-up sa isang desiyon. Ano naman kaya ang desisyon na iyon?


Dyrev's Wish (Completed)Where stories live. Discover now