Chapter 20

462 34 2
                                    

Ang Wet and Wild ay isang general fiction na libro. Si Charity kasi yung tipo ng reader na walang pinipili na genre. Adventure para sakanya ang mga libro na binabasa niya, hindi naman iyon masama. Para sakanya ay libro pa din iyon, pinaghirapan pa din ng writer kahit na sabihin mong may sex scenes na parte.

Hindi siya mapili sa mga binabasa niya, para sakanya hindi porket may sex scenes na ang isang libro ay masama na. Sa katunayan, doon pa nga mas lalong hahanga ang mga mababasa dahil hindi nila alam kung paano naiisip iyon ng writer, matinding research ang kailangan sa mga ganitong genre.

Nagising na lang siya na nasa isang condo siya, siguro ay kasya na tumira dito ang dalawa o hanggang limang katao. Nasa sala siya ngayon pero walang katao-tao kaya naman naglibot-libot muna siya doon hanggang sa may narinig siyang isang ingay ng isang babae.

Nagmula yata iyon sa kwarto kaya agad-agad siyang pumunta kung saan niya narinig ang ingay na iyon at nagulat siya nang biglang nung binuksan niya ang pinto ay tumambad sakanya ang isang lalaki at isang babae. Nagmamake-love ang dalawa kaya naman walang nagawa si Charity kundi ang sumigaw dahil sa kanyang nakita.

Gulat na gulat naman ang magkasintahan sa sigaw na narinig nila. Lalo silang nagulat nang malaman na nasa loob lang pala ng kwarto nila ang babaeng sumigaw. Agad na nagbihis ang dalawa, habang si Charity ay hindi pa rin makapaniwala sa nakita niya.

"Sino kang babae ka? Bakit ka nandito? Paano ka nakapasok? Greg Marcux, kailangan mong magpaliwanag sa akin! Sino iyan? Babae mo ba ito?!" pagwawala nung babae 

"Hindi. Maniwala ka sa akin, hindi ko babae iyan. Hindi ko nga kilala iyan eh. Saka tingnan mo naman, sobrang bata pa niyan. Sa tingin mo, papatol ako dyan?!" sagot naman ni Greg Marcux

"Kung hindi mo iyan babae, paano nakapasok iyan dito? Ano iyon? Parang kabute na bigla na lang susulpot?! Magpaliwanag ka sa akin, sabihin mo na ang totoo! Sino iyan?!" sabi ulit nung babae kay Greg Marcux

"Hindi ko nga kilala iyan. Teka, sino ka nga ba kasi at paano ka nakapasok dito sa condo ko?! Panira ka ng moment eh, hindi lang pala moment kundi relasyon na din." sabi ni Greg Marcux kay Charity

"A-ako po si Charity, hindi ko naman po alam na ganyan po pala ang ginagawa ninyo. Maniwala po kayo sa akin, hindi ko rin po alam kung paano ako napunta dito. P-pasenya na po talaga." sabi ni Charity kay Greg Marcux

"Pasensya?! Eh nasira mo nga itong ginagawa namin. Umalis ka na dito, ikaw na bata ka!  BAbe, pasensya ka na ha? Hindi ko kasi nasara ang pinto, wala naman kasing tao kanina kaya kampante ako na walang papasok na iba." sabi ni Greg Marcux sa girlfriend niya

"Ewan ko sa iyo, Greg. Hindi ko na alam kung maniniwala pa ako sa iyo. Ilang beses na kitang nahuli na may babae ka pero ginagawa mo pa rin pala. Binigay ko na ang lahat sa'yo hindi ba?" sabi ni Carmina

"Carmina naman, kahit ito na lang. Maniwala ka na dito. Hindi ko talaga kilala ang bata na iyan. Wala talaga, kung babae ko iyan edi sana nanginginig na ako sa iyo at umamin na ako na siya nga ang babae ko." sabi ni Greg Marcux

Hindi na nagsalita pa si Charity, bagkus ay sinarado na niya ang pinto at umupo na lang sa sala ng condo. Hindi siya makaalis dahil alam niyang may misyon pa siya at hindi pa siya nagtatagal sa loob ng libro. Ngunit ngayon pa lang ay parang gusto na niyang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan na nadulot niya doon sa magkasintahan.

Ilang minuto pa ay nagpakita na si Estella sakanya, agad-agad niya itong kinausap at tinanong kung bakit dito siya dinala ng potion. Bakit ba ganoon? Lagi na lang na sa alanganin na sitwasyon ang mga napupuntahan niya. Yung manyakis sa bar, yung ahas sa isla at ngayon magkasintahan na nagsesex? Ano pa ang kasunod?

"Bakit ba dito pa ako nailagay? Ang lala naman nito eh, nagsesex sila nung nakita ko. Nakakahiya, ano na lang ang sasabihin ko sakanila mamaya eh mukhang maghihiwalay pa ang dalawang ito." sabi ni Charity kay Estella

"Wala akong magagawa Charity, ikaw ang pumili ng librong papasukan mo hindi ba? Hindi ko naman alam na sa pahinang ito mo pala itinapat ang potion." sagot naman ni Estella kay Charity

"Hindi ba pwedeng bumalik tayo sa realidad pagkatapos ay palitan natin ang librong napili ko? Wala naman sa rules iyon hindi ba?" sagot naman ni Charity kay Estella

"Hindi na pwede, hindi mo ba tanda na isang beses lang sa isang araw pwedeng gamitin ang potion? Ito na iyon, sa ayaw mo o sa gusto eh dito ka muna sa librong ito. Pasensya ka, nasa patakaran iyon at bawal na baliin." sabi ni Estella kay Charity

Wala na nagawa si Charity kundi ang huminga ng malalim at maghintay na lang na makaalis siya sa loob ng libro. Ilang minuto pa ay lumabas na ang magkasintahan sa loob ng kwarto nila. Labis na nag-alala si Charity sapagkat akala niya ay nandoon pa din si Estella pero buti na lang at wala na, kundi ay patay siya.

"Bahala ka na sa buhay mo, dyan ka na sa babae mo. Mas masarap siguro ang bata ano kaya pinagpalit mo na lang ako bigla dyan?! Alagaan niyo ang isa't isa, tingnan ko kung kayanin niyo." sabi ni Carmina kay Greg Marcux

"Huwag ka naman magselos. Promise! Aayusin ko ito. Papatunayan ko na hindi ko babae iyan. Maniwala ka sa akin, hindi ko babae iyan." pagmamakaawa ni Greg Marcux kay Carmina

Hindi na nagsalita pa ang girlfriend ni Greg Marcux, umalis na lang ito at galit na galit pa din kay Charity at sakanyang nobyo. Hindi tuloy maipinta ang mukha ni Charity, hindi niya alam ngayon kung ano ang gagawin niya. Anong magagawa niya para matulungan si Greg Marcux na mapabalik ang kanyang nobya? Kayanin kaya niya?

Dyrev's Wish (Completed)Where stories live. Discover now