Chapter 47

339 28 6
                                    

Sinigurado muna ni Dyrev na tulog na talaga si Charity bago niya umpisahan ang pag-gogoodtime dito. Lalagyan lang naman ni Dyrev ng uling ang mukha ni Charity habang natutulog ito ng mahimbing.

"Alam mo, ang ganda mo pa rin kahit tulog eh. Kahit nga yata lagyan kita ng uling sa mukha ay maganda ka pa rin. Haynaku, ayaw na nga kita tingnan. Nagiging marupok lang lalo ako eh, baka hindi ko pa matuloy itong kalokohan ko." bulong ni Dyrev habang hinahanda niya ang uling na ilalagay sa mukha ni Charity

Pagkatapos noon ay inumpisahan na ni Dyrev ang paglagay ng uling sa mukha ni Charity. Hindi mapigilan ni Dyrev na matawa habang ginagawa iyon, nakahawak na siya sakanyang bibig para lang hindi magising si Charity dahil sa ingay.

"Akala mo nakalimutan ko na gantihan ka ha. Akala mo lang iyon, humanda ka na lang paggiisng mo. Alam kong uusok nanaman ang ilong at tenga mo kapag nakita mo ang uling sa mukha mo. Pasensya na, gusto lang kasi kitang inisin at gusto ko ding makita ang cute mong mukha kapag napipikon ka na." bulong ni Dyrev 

Pagkatapos lagyan ni Dyrev si Charity ng uling ay bumalik na ito para maglinis ng bahay. Hihintayin niya na lang na magising si Charity, excited na siya sa magiging reaksyon nito. Panigurado ay laughtrip nanaman siya.

Ilang oras pa ay nagising na si Charity, tahimik lang si Dyrev na nakatingin sa bawat kilos ng dalaga. Pinipigilan niyang tumawa dahil baka mabisto agad siya sa kalokohan niyang ginawa. Alasyete na rin ng gabi kaya magdi-dinner na rin sila.

"Hala, bakit hindi mo man lang ako ginising? Ako na sana ang nagluto. Nakakahiya naman, pasensya ka na ha? Dapat kasi ay ginising mo na ako para ako na ang gumawa niyan para sayo." sabi ni Charity pagkatapos ay tinulungan niya si Dyrev na magprepare ng pagkain

"Ano ka ba, okay lang ano. Hindi ka naman maid dito para utusan ko. Atsaka ang sarap kaya ng tulog mo kaya hindi na kita ginising. Ang cute mo nga kapag natutulog eh." sabi pa ni Dyrev habang todo ngiti kay Charity

"Eh, binobola mo ako ah? Halika na nga, tulungan na kita magluto dyan tapos kumain na tayo at matulog ulit." sabi ni Charity habang nakangiti kay Dyrev

"Sige ba pero pasensya ka na ah, prito nanaman itong ulam natin. Wala na naman kasing stock sa refrigerator kasi nasanay na ako sa prito lang. Hayaan mo, kapag bumalik dito si mommy sasabihin ko sakanya na  magluto para sayo." sabi ni Dyrev kay Charity

Biglang natahimik at nalungkot si Charity nung narinig niya mula kay Dyrev iyon. Alam kasi niya na hindi na niya maaabutan kung ano man ang lulutuin ng mommy ni Dyrev kasi sigurado siya na nasa realidad na siya noon.

"Oh, bakit natahimik at parang nabagsakan ka ng langit at lupa dyan? May problema ba sa sinabi ko? Ayaw mo ba matikman ang luto ng mommy ko? Masarap naman iyon, kaso mas masarap ako." sabi ni Dyrev kay Charity

"Loko ka talaga, syempre gusto kong matikman ang luto ng mommy mo. Ang iniisip ko lang ay wala na ako kapag dumating ang mommy mo. I mean, hindi mo na ako kasama. Ah, basta. Bahala na." sabi ni Charity kay Dyrev

Pagkatapos noon ay kumain na sila ng dinner, wala pa ring alam si Charity na nilagyan siya ng uling ni Dyrev sa mukha. Kaya habang nakain sila ay todo ngiti si Dyrev habang nakatingin kay Charity. Hindi tuloy maiwasan na magtanong at mapa-isip ang dalaga kung bakit ito lubos na nakangiti sakanya.

"Hoy, ano ang tinitingin-tingin mo dyan? May dumi ba ang mukha ko? Kanina ko pa nahahalata eh, kanina ka pa nakatingin sa akin. May problema ba tayo?" sabi ni Charity kay Dyrev

"Ah, ano ka ba. Wala 'no. Ang cute mo kasi tingnnan kaya hindi ko mawala ang tingin ko sayo. Para ka kasing bata kumain, sige na ubusin mo na iyan para maligpit na natin at makatulog na tayo ulit." sagot naman ni Dyrev kay Charity

Dahil na-curious si Charitysa kung ano ang tinitingnan ni Dyrev sakanya kanina pa ay agad siyang pumunta sa comfort room para tingnan kung ano ang nasa mukha niya. Gulat na gulat siya at inis na inis sa nakitang uling sa buong mukha. Napasigaw na lang siya ng pangalan ni Dyrev, doon pa lang ay alam na ni Dyrev na lagot siya kay Charity.

"Kaya pala todo ngiti ka sa akin kasi may ginawa ka nanamang kababalaghan. Sa mukha ko pa talaga ah? Nakakainis ka, nakakahiya na pala ako kanina pa. Palakad-lakad pa naman ako, iyon pala madami na akong uling sa mukha." sabi ni Charity kay Dyrev

"Peace, hindi ko naman akalain na ganyan na pala karami ang nailagay ko eh. Napasarap kasi ako sa paglalagay. Pasensya na, hayaan mo sa susunod ay kokontian ko na. Ginantihan lang naman kita sa ginawa mong pagbabasa sa akin eh." sagot naman ni Dyrev kay Charity

"Ah, ganun ha? Patay ka sa akin kapag ako naman ang bumawi sayo. Prank war pala ang gusto mo ha. Huwag ka mag-alala, ibibigay ko sayo iyon." sabi ni Charity kay Dyrev kahit na alam niyang hindi na niya magagawa pa iyon

Pagkatapos noon ay nagtungo na si Charity ulit sa comfort room para mag-shower na. Inis na inis pa rin siya at diring-diri sa mukha niya dahil sa uling na nilagay ni Dyrev. But deep inside, kinikilig siya kahit konti dahil alam naman niyang lambing lang iyon ni Dyrev sakanya. Masaya pa rin siya kahit papano dahil may natitira pa siyang ilang araw para makasama si Dyrev sa loob ng librong iyon.

Paglabas ni Charity ay nagkunwari pa rin itong galit kay Dyrev, dahilan para suyuin pa siya nang suyuin ng binata. Dahil nakita ni Dyrev na inis na inis si Charity sakanya eh minabuti niyang kausapin ito.

"Maghanda ka bukas, para mawala na ang asar mo sa akin. Makikipag-date ako sayo. Okay? Tomorrow will be our best day ever. I promise! Babawi ako sa pang-aasar ko sayo ngayong araw. Matulog ka na, nausok na naman kasi ang ilong mo at tenga." asar nanaman ni Dyrev kay Charity

Sa sobrang saya ni Charity ay nayakap niya si Dyrev ng hindi sinasadya. Hindi niya na naitago ang kilig na nararamdaman niya. Syempre, date na iyon eh. Date na iyon kasama ang pinakamamahal niyang fictional character. Hihindi pa ba siya? Sigurado siya na magiging masaya ang ala-ala na iyon kapag bumalik na siya sa realidad. Ang tanong, magiging best day ever nga ba talaga?

Dyrev's Wish (Completed)Where stories live. Discover now