Chapter 13

541 35 0
                                    

  Ilang minuto pa ay pinakilala na niya si Syn sa kanyang Mama, sinabi niyang ito ang classmate na tinulungan niya sa CCTV video. Masaya naman ang Mama ni Charity na makilala ang taong tinulungan ng kanyang anak. Masaya siya dahil may bagong kaibigan ang kanyang anak, sa totoo lang kasi ay ayaw talaga ng Mama ni Charity sa ugali ni Alyson. 

"Hi po, ako nga po pala si Syn. Ako po yung tinulungan ng anak niyo kaya siya nabully. Pasensya na po kung dahil sakin ay nangyari iyon kay Charity." sabi ni Syn sa Mama ni Charity na may nahihiyang ngiti 

"Ano ka ba? Ayos lang iyon ineng, mabuti nga iyon dahil nakita kong matulungin ang anak ko. Nakagawa siya ng mabuti dahil sa iyo." sagot ng Mama ni Charity kay Syn

"Talaga po? Hindi po kayo galit sa akin dahil nakikipagkaibigan sa isang katulad ko ang anak niyo?" hindi makapaniwalang tanong ni Syn sa Mama ni Charity

"Bakit naman ako magagalit kung tama naman ang ginawa ng anak ko hindi ba? MAsaya ako, masaya din ako na nakilala kita. Pwede ka bang maimbitahan sa bahay namin? Don't worry, ipapasundo at ipapahatid kita para hindi ka maligaw." sabi ng Mama ni Charity kay Syn

Kahit kinakabahan ay kitang-kita kay Syn na excited siya dahil first time niya na maiimbitahan sa bahay ng isang kaibigan. Hindi na siya nag-atubili pa na sumagot ng oo. Isa pa, wala namang may pakialam sa pamilya niya kung nasaan siya pag-uwi niya.

Pagkatapos noon ay umalis na ang Mama ni Charity. Bumalik na sila sa classroom pero second subject na ang naabutan nila. Sinabi na lang nila na babawi sila sa susunod para hindi sila bumagsak. Oras kasi na bumagsak si Charity ay hindi na siya papayagan pa na makabili ng mga libro na gusto niya.

Matiwasay na natapos nina Charity at Syn ang araw nila sa school. Tahimik ang kanilang paligid dahil suspended ang grupo nila Alyson. Ang iba naman nilang kaklase ay takot na sakanila sapagkat ayaw na magaya kay Alyson. Masayang umupo ang magkaibigan sa bench sa labas ng classroom para magpahangin bago umuwi.

Napansin ni Syn na tahimik ang kaibigan na si Charity kaya agad niyang itinanong kung ano ang problema nito. Kanina pa kasi ito tahimik nung nagqu-quiz sila kaya alam ni Syn na may malalim na iniisip ang kaibigan.

"Kanina ka pa tahimik, may problema ka ba? Pwede mo namang sabihin sa akin, kaibigan mo na ako hindi ba? Ako kasi kaibigan na kita." sabi ni syn kay Charity

"Ah, wala ito. Ano kasi, pinagalitan ako ni Papa kanina dahil nalaman niya na may problema kami ni Alyson. Gusto niyang makipag-ayos ako kay Alyson dahil kaibigan niya ang mga magulang nito. tama ba iyon? Ako na nga ang nasaktan, ako pa ang magsasabi ng sorry?" sabi ni Charity kay Syn

"Ah, alam ko na. Alam mo, minsan ganyan talaga ang mga tatay. Akala mo ay inaaway ka nila pero hindi. Pinoprotektahan ka nila. Pasalamat ka na lang dahil may pakialam ang tatay mo sa iyo. Iyon na yata ang never ko makukuha sa mga magulang ko." sabi ni Syn kay Charity

Dahil sa na-open na rin naman ang tungkol sa pamilya ni Syn ay nag-share na rin ito ng mga problema niya sakanyang magulang. Kahit papaano ay nakakarelate si Charity sakanya dahil minsan ay nararamdaman niyang walang pakialam ang tatay niya sa feelings niya. Ang iniintindi lang nito ay kung paano kumita ng pera.

Hanggang sa dumating na sa punto kung saan nag-iiyakan na silang dalawa sa bench. Natawa na lang sila sa mga nangyayari sakanila dahil mukha silang baliw na natawa. Sigurado sila na kapag may nakakita sakanila ay gagawing issue nanaman ang pagiging weird nila.

"Huy, tama na nga. Mamaya niyan nasa admin office nanaman tayo dahil may nagreport na baliw na tayo. Paano ba naman naiyak na tayo tapos natawa pa?" sabi ni Charity habang nagpupunas ng luha pero nangiti

"Ay oo nga. Nasa Pilipinas nga pala tayo kaya judgemental ang mga tao kahit na hindi naman nila alam kung bakit talaga tayo umiiyak. Sige, itext mo na lang kung kailan ang dinner ko with your family ha? Excited na ako." sagot naman ni Syn habang nagpupunas din ng luha

"Huwag ka ma-excite dahil kapag na-eexcite madalas hindi natutuloy iyon. Hindi, joke lang. Sige, itetext or chat na lang kita sa Facebook kapag sinabi na sa akin kung kailan." sagot ni Charity na may ngiti sakanyang mga labi

Ngayon na lagi na nakakasama ni Charity si Syn ay mas naiintindihan na niya ito at nalulungkot siya dahil ngayon niya lang nabigyan ng importansya si Syn. Alam niya na noon ay kagaya rin lang siya nina Alyson na walang ginawa kay Syn kundi i-bully. Masaya siya dahil imbes na magalit si Syn sakanya dahil sa mga ginawa nito noon sa dalaga ay tinanggap pa rin ni Syn si Charity ng buo.

Pagkatapos noon ay umalis na si Charity sa school dahil nandoon na rin ang kanyang sundo sa labas. Nagpakita naman si Estella sakanya, ibigsabihin ay malapit nanaman siyang uminom ng potion dahil pagabi na. Labis na takot ang meron si Charity dahil baka kung saang pahina nanaman siya dalhin noong potion.

"Super bestfriends na ba kayo ni Syn? Huwag mo kakalimutan na hindi mo pa rin pwedeng sabihin sakanya ang tungkol sa potion ha? That's a rule." sabi ni Estella kay Charity

"Oo, ngayon ko lang na-realize na mabuti palang tao si Syn eh. Kung hindi dahil sa potion hindi ko naman siya tatanungin nung araw na nagtanong ako sakanya. Salamat ah? Pero, hindi ba talaga pwede sabihin kay Syn ang tungkol sa potion? Kahit siya lang ang may alam?" sabi ni Charity kay Estella

"Hindi pa din, mahigpit na pinagbabawal iyon. Kundi mo magagawa iyon ay hindi mo na matutuloy ang pagpasok sa libro. Gusto mo ba iyon?" sagot naman ni Estella kay Charity

Wala na nagawa si Charity. Pag-uwi sa bahay ay gumawa muna siya ng kanyang assignments pagkatapos ay kinuha niya na ang librong Ang Modernong Tarzan at ininom na ang potion. Saan naman kaya siya dadalhin ng potion ngayon?

Dyrev's Wish (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat