Chapter 23

429 32 0
                                    

Pagbalik ni Charity sa realidad ay matutulog pa sana siya pero agad na pumasok ang yaya niya para sabihin na kakain na sila, nasa baba na ang parents niya. Takot man si Charity ay kailangan na niyang harapin ito.

"Aba, saan ka ba kasi nagsusuot bata ka? Kanina ka pa hinahanap ng mga magulang mo. Galit na galit na nga sa akin eh, hinanap na kita sa buong bahay pero wala ka naman. Saan ka ba kasi galing?" sabi ng yaya ni Charity sakanya

"Ha? Wala ate ha, nandoon nga lang ako sa garden. May tinitingnan lang ako, bakit hindi naman kita nakita doon?" pagsiisnungaling pa ni Charity sa yaya niya

"Ha? Doon ka galing eh doon nga ako huling pumunta. Wala ka naman doon, haynaku! Tara na nga at malalagot na ako sa Mama at Papa mo." sabi ng yaya ni Charity sakanya

Pagkatapos noon ay bumaba na sila, galit na galit naman ang Papa ni Charity sakanya. Kahit hindi ito magsalita ay kita sa mukha nito na irita siya dahil sa ginawa ng dalaga. Tahimik na lang si Charity na umupo sa hapagkainan. 

"Saan ka ba nagpunta? Pinahanap na kita sa buong bahay pero wala ka pa rin. Hindi mo na ba kami sinusunod ng Mama mo at umaalis ka na ng walang paalam? Ganun na ba ngayon, Charity?" sabi ng Papa niya sakanya

"Hindi naman siguro, baka may inayos lang ang anak mo at hindi lang napansin. Anak, kumain ka na ha? Huwag mo na pansinin ang PApa mo." sabi naman ng Mama ni Charity

"Kaya iyan nakakampante na magkamali dahil kinukunsinti mo eh. Paano iyan matututo aber?" sagot ng Papa ni Charity

"Hindi naman robot ang anak mo, nasasaktan din iyan. Huwag mong asahan na perpekto lahat ng gawin niya, tao siya. Okay? Anak mo siya, hindi lang basta utusan dito sa bahay." sabi ng Mama ni Charity sakanyang asawa

Dahil sa sinabi ng Mama ni Charity, kahit papaano ay natuwa siya dahil may kakampi pa rin pala siya after all.

"Ewan ko sainyo, magsama kayong mag-ina! Kaya hindi umuusad yung anak mo dahil din sayo eh, bahala ka na dyan." sabi ng Papa ni Charity pagkatapos ay nag-walk out ito

"Kahit kailan talaga, hindi mo na naisip ang nararamdaman namin ng anak mo! Puro ikaw na lang ang iniisip mo. Nakakainis na!" sigaw ng Mama ni Charity

Hindi na sumagot pa ang Papa ni Charity, pumasok na lang ito sa loob ng kwarto para makapagpahinga at para na rin makaiwas ng gulo.

"Sorry Mama, dahil sa akin ay nagkagulo kayo ni Papa. Dapat talaga eh sinusunod ko na lang siya para hindi na kayo magkasagutan." sabi ni Charity sakanyang Mama

"Naku, wala iyon anak. Ako nga ang dapat na magsorry sa iyo dahil ganoon ang ugali ng Papa mo. Pasensya ka na sakanya, ako na lang ang kakausap sakanya para maayos na kayong dalawa." sagot naman ng Mama ni Charity

Pagkatapos noon ay kumain na si Charity at ang kanyang Mama, napag-usapan nila ang sleep over ni Syn sa bahay nila. Kahit papaano ay naibsan ang lungkot ni Charity dahil sa wakas ay may makakausap na siya sa loob ng bahay nila.

"Mama, hindi po kaya magalit si Papa dahil sa papapuntahin natin si Syn dito sa bahay? Hindi po kayo okay hindi ba? baka magalit pa siya lalo sa akin." sabi ni Charity sakanyang Mama

"Hayaan mo na ang Papa mo, ako na ang bahala sakanya. Kakausapin ko naman siya mamaya eh kaya alam kong magkakaayos din kami. Basta ang gusto kong mangyari ay ang makapunta si Syn dito sa atin ha?" sabi ng Mama ni Charity sakanya

"Ah, sige po. Icha-chat ko po siya sa Facebook mamaya. Pwede niyo po ba kaming lutuan ng carbonara? Alam niyo naman po na favorite ko iyon eh. Please?" hiling ni Charity sakanyang Mama

"Oo naman, sige anak ipagluluto ko kayo ng carbonara. Sana ay magustuhan ni Syn ang luto ko at hindi siya madismaya." sagot naman ng Mama ni Charity

"Oo naman po, alam kong magugustuhan niya ang recipe mo kasi magaling ka magluto noon eh. I love you, Mama." sabi ni Charity

"I love you too, anak. Pasensya ka na dahil nakakaranas ka ng mga ganito sa tatay mo pero pangako anak, matatapos din ang lahat ng ito." sabi ng Mama ni Charity sakanya

Pagkatapos noon ay umakyat na si Charity para sabihan si Syn na mamayang gabi na ang sleep over. Excited naman siya pero may konting takot pa rin sapagkat alam niya na magkaaway ang maga magulang niya. Ang mabigat pa ay dahil iyon sakanya.

Dahil Sunday naman at walang pasok ay nag-Facebook lang si Charity. Kausap niya si Syn na excited na rin sa pagpunta kina Charity. Naligo na ito at nagbihis kahit na mamayang gabi pa naman ang pagpunta niya.

"Grabe ka naman, mamaya pa naman ang pagpunta mo dito pero todo ayos ka na. Sobrang excited lang? Nagpaalam ka na ba sa parents mo?" sabi ni Charity habang ka-video call niya si Syn

"Hindi na ako magpapaalam, mga wala naman silang pakialam. Ang importante naman sakanila ay makauwi ako ng buhay at nahinga pa eh." sabi ni Syn kay Charity

"Uy ha, baka naman mapagalitan tayo niyan sa hindi mo pagpaalam sakanila kung saan ka pupunta? Magpaalam ka na kaya para na rin makilala nila ako. Remember, bukas pa ang uwi mo dyan sa inyo." sabi ni Charity kay Syn

"Sige na nga, magpaalam na ako mamaya. Pasalamat ka na lang talaga at mahal na mahal kita at hindi kita mahindian." sabi ni Syn kay Chaity

Dahil doon ay natuwa si Charity, iniisip niya kasi na baka kaya sila pinagtagpo ay para mapalapit ang loob ni Syn sa pamilya niya kahit papaano. Hinihiling ni Charity na sana ay mangyari iyon para lubos na maging masaya na ang kanyang kaibigan kahit na mismong si Charity ay may problema rin sakanyang pamilya.

Habang nag-uusap ang magkaibigan ay bigla na lang may narinig si Charity na parang malakas na kalabog kaya agad siyang nagpaalam sakanyang kaibigan para tingnan kung anong nangyari sa baba. Ano kaya ito?

Dyrev's Wish (Completed)Where stories live. Discover now