Chapter 2

1.4K 77 13
                                    

Paggising ni Charity ay 7pm na ng gabi. Nagising siya sa isang katok ng kanyang yaya, kakain na daw kasi sila kaya kailangan na niyang bumangon at hinihintay na siya sa baba ng kanyang mga magulang.

"Sige ate, susunod na ako mag-aayos lang ako ng sarili ko." sabi ni Charity sabay ngiti sakanyang yaya

Habang nag-aayos si Charity ay nakita niyang hawak-hawak ng yaya niya ang bote na binigay sakanya ng matanda kanina. Nagtaka siya sapagkat alam niya na tinapon na niya iyon kanina sa basurahan kaya imposible na bumalik pa ito.

"Saan mo nakita ang bote na iyan, ate? Tinapon ko na iyan kanina ah." sabi ni Charity sakanyang yaya

"Nakita ko lang dito sa sahig eh kaya kinuha ko. Ano ba ito? Parang gamot naman 'to eh." sagot ng yaya ni Charity sakanya

"Hayaan mo na iyan, huwag mo na pulutin. Basagin mo na kung gusto mo kasi wala namang kwenta iyan." sagot ni Charity sa yaya niya

"Grabe ka naman, ipapatong ko na lang dito sa sidetable mo. Ikaw na lang bahala kung itatapon mo pa ito. Parang bago pa ito, sino ba ang nagbigay sa'yo nito?" sabi ng yaya ni Charity

"Sige, ako na bahala dyan mamaya. Tara na, kain na tayo sa baba." sagot naman ni Charity sa yaya niya

Alam ni Charity sa sarili niya na may balak siyang basagin iyon mamaya pagbalik niya. Ano pa ba ang gagawin  niya doon? Wala namang kwenta. Baka mamatay pa siya kung subukan niya. 

"Oh bakit ang tagal ninyo? Tara na, kumain na tayo at malamig na ang pagkain." sabi ng Mama ni Charity sakanya

"Ah, may inayos lang kami Mama. Let's eat at gutom na rin ako." sabi ni Charity sakanyang Mama

Kahit na may yaya si Charity ay tinuturin pa rin niya itong ate kaya sabay sila kumain at kung ano ang meron siya ay meron din ang yaya niya. Nasa edad bente kasi ang yaya niya samantalang siya ay labing walong taong gulang naman kaya parang kaibigan na rin ang turingan nila.

"Kamusta ang exam mo ngayong araw? Okay naman ba anak?" tanong ng Papa ni Charity sakanya

"Oo naman po, para sa books ay ginalingan ko. Alam niyo naman po na motivation ko sa pag-aaral ng mabuti ang pagkakaroon ng libro kaya ginalingan ko po sa exams ko." sabi ni Charity na may ngiti sakanyang labi

"Iyan naman ang gusto sa iyo anak, kaya halos lahat ng gusto mo ay binibigay namin ng Papa mo kasi alam namin na mag-aaral ka ng mabuti. Ipagpatuloy mo lang iyan anak ha?" sabi ng Mama ni Charity sakanya

"Oo naman po, basta bibigyan niyo po ako ng maraming books ha? Promise?!" sabi ni Charity na may ngiti sakanyang mga labi na umabot hanggang sakanyang mga mata

"Oo anak, promise iyan. Alam naman namin na deserve mo ang mga binibigay namin sa iyo. Mahal na mahal ka namin." sagot naman ng Papa ni Charity sakanya

"Mahal na mahal ko din po kayo kaya gusto ko na mapasaya kayo at mapalitan ko yung pagod ninyo ng good grades. Lahat po ng ginagawa ko ay para sa inyo ni Mama." sagot naman ni Charity sakanyang Papa

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay pumasok na si Charity sakanyang kwarto. Dahil spoiled nga ay hindi siya marunong sa kahit anong bagay sa bahay. Ang alam niya lang ay mag-aral ng mabuti at magbasa ng maraming books. 

Dahil sa sobrang kabusugan ay inaantok na siya pero dahil alam niyang kailangan niya mag-aral ay pinipigilan niya ang kanyang antok. Isa pa, kakatulog lang din niya kasi kanina. Habang nag-aaral ay nakita niya ulit ang bote ng gamot na binigay sakanya ng matandang babae kanina.

Tiningnan niyang mabuti iyon at inisip kung totoo ba ang sinasabi ng matanda sakanya pero hindi pa rin siya kumbinsido sa nalaman niya kaya naman tumayo siya at akmang babasagin na ang bote pero bago pa niya iyon magawa ay may humawak na sakanyang kamay. Pagtingin niya kung sino iyon ay nakita niya ang matandang babae.

Gulat na gulat siya na nakarating ang matandang babae sa loob ng kwarto niya. Takot na takot siya pero dahil kailangan niyang magtapang-tapangan ay kinausap niya ulit ang matanda. Bahala na kung ano ang mangyari sakanya sa pagkakataon na ito.

"Saan ka dumaan? Hindi mo na ba talaga ako titigilan? Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na ayaw ko sa boteng ito? Hindi ako naniniwala dito. Kaya mas mabuti pang basagin ko na lang ang gamot na ito!" sigaw ni Charity sa matanda

"Bakit mo babasagin ang fictional book potion? Hindi mo ba alam na napakahalaga niyan. Oras na mabasag iyan ay hindi ka na mababalik sa kabilang mundo. Alam ko, gusto mong masubukan." sabi ng matanda kay Charity

"Sino ka ba ha? Paano mo ba ako nakilala? Isa pa, bakit pasulpot-sulpot ka? Hindi ko alam kung matatakot ako o magugulat sa ginagawa mo. Tigilan mo na ako, hindi ko naman kailangan nito." sabi ni Charity doon sa matanda

"Ako si Estella. Pinadala ako dahil ilang beses na namin naririnig ang hiling mo na makapasok ka sa mga librong binabasa mo. Ako ang magbabantay sa'yo oras na ginamit mo na ang potion na iyan." sabi ni Estella kay Charity

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ko gagamitin ang potion na ito? Mamaya niyan kapag ininom ko ay mamatay pa ako. Wala akong tiwala sa itsura mo. Okay? Lumayas ka na sa pamamahay namin!" sigaw ni Charity sa matanda

Ilang minuto pa ay biglang nagliwanag sa paligid ni Charity at ang matandang nasa harapan niya ay nag-iba ng itsura. Naging maganda ito na animo'y dyosa. Gulat na gulat si Charity, kinusot-kusot nanaman niya ang kanyang mata pero nakikita pa rin niya ang magandang dalaga sa harapan niya.

"N-naniniwala ka na ba ngayon? Totoo ang lahat ng ito. Nakatakda para sa iyo ang potion na ito. Oras na hindi mo magamit ang potion na iyan sa loob ng isang linggo ay hindi ka na kailan man makakagamit pa niyan. Kaya kung ako sa iyo ay kunin mo na ang oportunidad na ito habang na sa iyo pa." sabi ng magandang dalaga kay Charity

Hindi na nakasagot pa si Charity. Manghang-mangha kasi siya sa pagbabagong anyo ng matanda sa harapan niya mismo. Hindi niya tuloy alam kung maniniwala na ba siya o patuloy na matatakot dahil kakaiba itong dinadanas niya ngayon.

Dyrev's Wish (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon