Chapter 33

375 27 2
                                    

Nung marinig ng Mama ni Dyrev ang balita na may bagong girlfriend ang kanyang anak ay abot langit ang ngiti nito. Ayaw man gawin ni Dyrev iyon pero iyon lang ang paraan para hindi na siya pagalitan pa ng kanyang ina.

Galit na galit kasi ang kanyang Mama doon kay Alice dahil maarte ito at hindi siya ginagalang bilang Mama ni Dyrev. Mataray din kasi ang nanay ni Dyrev kaya hindi naubra si Alice sakanya, tuwing nagtataray si Alice ay mas tatarayan pa ng Mama ni Dyrev kaya ang ending, nag-aaway ang magnobyo.

"Good to hear na bago na pala ang girlfriend mo, Dyrev. Parang mas gusto ko si Charity kaysa kay Alice. Huwag ka na bumalik sa Alice na iyon anak, nakakainis lang siya eh." sabi ng Mama ni Dyrev

"Sshh, huwag mo na iparinig kay Charity ang pangalan na iyon. Baka mag-away pa kami dahil kay Alice. Ang importante ay may bago na akong girlfriend at masaya ako na gusto mo ang napili ko." sabi ni Dyrev sakanyang ina

"Alagaan niyo ang isa't isa ha? Charity, kapag may babae si Dyrev ay sasabihin mo agad sa akin. Lagot sakin ang batang iyan. Naku naman talaga!" sabi ng Mama ni Charity

"Aalagaan ko naman si yuwan eh. Promise, huwag mo na takutin Mama. Baka mawala pa eh, alam mo naman na hindi ako babaero ah? Baka makipaghiwalay na sa akin iyan mamaya pag-uwi mo." sabi ni Dyrev sakanyang Mama

"Oo nga pero iba pa rin ang ma-ingat ano. Alam mo naman kung ano ang nagawa sa akin ng Papa mo dati hindi ba? Ayaw ko lang na matulad kayo sa naging ending ng love story ko." sagot naman ng Mama ni Dyrev na maluha-luha pa

"Ibahin mo ako sa Papa ko, hindi ako ganoon. Alam mo kung paano ako magmahal sa babae, hindi ko gagayahin ang Papa ko kasi mahal na mahal kita Mama. Natuto ako na mahalin ang isang babae lang tulad ng pagmamahal ko sa iyo, Mama." sabi ni Dyrev sa Mama niya

"Oo na, tama na nga iyan. Naluluha na ako eh, baka mamaya ay umiyak na rin si Charity niyan." sabi naman n Mama ni Dyrev

Naluluha na nga si Charity dahil alam niya kung gaano katotoo ang sinabi ni Dyrev na iyon, kaya din niya nagustuhan ang character ni Dyrev kasi mapagmahal siya sa Mama niya lalo na nung iniwan sila nung Papa nito para sa ibang babae.

Alam ni Charity kung anong pinagdaanan ni Dyrev kasi nabasa na niya ang librong ito. Mahal na mahal din niya si Dyrev dahil feeling niya si Denver ito sa totoong buhay. Hindi na niya tuloy mapigilan na maluha, natanong siya tuloy ni Dyrev.

"Ano at lumuha ka nga? Ano ka ba naman, ang babaw talaga ng yuwan ko eh. Huwag ka na umiyak, hindi naman kita iiwan eh. Sinabi ko na iyon hindi ba?" sabi ni Dyrev kay Charity

Ang convincing ng acting ni Dyrev, nadadala ang Mama niya. Akala talaga nito ay totoo na ang sinasabi ng anak, ang hindi niya alam ay ginagamit lang ni Dyrev si Charity para hindi siya mapagalitan.

"Yuwan? Ano iyon? Kung anu-ano na lang ang tinatawag mo sa akin, baka mamaya niyan ay minumura na pala ako pero hindi ko pa alam ha. Kapag nalaman kong minumura mo lang ako, lagot ka talaga sa akin. Magsusumbong ako sa mama mo." sabi ni Charity kay Dyrev pero pabulong lang

"Yuwan, hindi mo alam iyon? You are the only one ang ibigsabihin noon. Wala ka pa bang naging boyfriend? Hindi ka pa niya tinatawag na ganoon?" sagot naman ni Dyrev kay Charity

"Wala akong boyfriend, hindi nga ako mapakali kanina kasi pinakilala mo akong girlfriend mo kay tita. Loko ka ba? Paano kapag nalaman niya na niloloko lang natin siya edi pati ako nadamay." sagot naman ni Charity kay Dyrev

"Oo nga pala, paano ka magkakaboyfriend eh hindi ka nga pala maganda. Cute ka lang kasi maliit ka." pang-aasar ni Dyrev kay Charity

Dahil sa asar na iyon ni Dyrev eh tinadyakan ni Charity ang paa nito. Hindi tuloy napigilan ng binata na mapasigaw dahil sa sakit. Natatapangan siya kay Charity dahil hindi naman ito katulad ni Alice.

"Aray ko naman, yuwan! Bakit mo ako tinadyakan? Inaasar lang naman kita ah. Saka totoo ang sinasabi ko, maliit ka kaya cute ka. Dapat nga kiligin ka pa eh." sabi ni Dyrev kay Charity

"Sabi mo sa akin ay hindi ako maganda! Tita Mirasol si Dyrev po, sinabihan po ako na hindi raw ako maganda kasi maliit lang daw po ako." sumbong ni Charity sa Mama ni Dyrev

"Ano ka ba naman, humanap ka pa talaga ng kakampi ha? Ano ba talagang gusto mo sa akin ha? Hindi mo alam kung paano magalit si Mama sa akin. Pag-alis mo dito ay lagot nanaman ako sakanya. Nakakainis ka talaga." bulong ni Dyrev kay Charity

"Ano yung narinig ko? Sinabihan mo raw si charity na hindi siya maganda? Ano ka ba naman, girlfriend mo na iyan pero ganyan pa ang pang-aasar mo. Umayos ka, Dyrev ha. Tama na ang asaran na iyan." sabi naman ng Mama ni Dyrev

"Mama, alam mo naman na kapag mahal na mahal ko talaga ay inaasar ko talaga hindi ba? Mahal na mahal ko itong si Charity kaya inaasar ako eh. Hayaan mo na kami, okay lang kami dito." sagot naman ni Dyrev pagkatapos ay inakbayan niya si Charity kunwari

Hindi nanaman makagalaw si Charity dahil sa kilig na nararamdaman niya. Baka mamaya ay ma-fall na siya dahil sa sobrang kilig, hindi pa naman pwede dahil babalik pa siya sa realidad. Iba ang nararamdaman niya nung si Dyrev na ang nakakasama niya sa libro, hindi naman siya dating ganito eh.

"Eh sige na, aalis na ako. Tiningnan ko lang naman kung kamusta ka. Buti na lang ay ayos ka naman kasama si Charity kaya ayos na rin ako. Ang mga binilin ko sa iyo, Charity ha? Alagaan niyo ang isa't isa. Kapag may problema ka sa anak ko ay tawagan mo lang ako. Ito ang number ko." sabay dampot ng calling card ang Mama ni Dyrev sa bag niya

Ilang minuto pa ay umalis na ang Mama ni Dyrev kaya balik na sila sa dati. Pinapaalis nanaman ni Dyrev si Charity sa bahay niya. Para nanaman silang aso't pusa. Paano kaya mapipigilan ni Charity ito dahil alam niyang hindi pa tapos ang kanyang misyon?

Dyrev's Wish (Completed)Where stories live. Discover now