Chapter 31

380 28 2
                                    

Dumaan na ang buong linggo, pumasok na rin si Charity dahil medyo okay na sila ng Mama niya. Nagkikita pa rin si Alyson at Charity pero hindi na sila nagpapansinan pa. Tahimik na lang si Charity para wala nang gulo pa.

"Alam mo ba, akala ko ay hindi ka na papasok dahil sa dami ng problema mo? Buti na lang talaga at naisipan mo pa ring pumasok, wala kasi akong kasama eh. Alam mo naman, ikaw lang ang kaibigan ko dito." sabi ni Syn kay Charity

"Akala ko rin naman hindi na ako papasok eh. Buti na lang ay okay na ang lahat kahit na wala na si Papa sa bahay namin. Oo nga pala, pumunta ka na sa amin ah? Ituloy na natin ang sleep over natin. Namiss din kita eh." sabi ni Charity kay Syn

"Namiss mo ako eh lagi naman tayong magkasama ah? Hindi ka pa ba nagsasawa sa mukha kong ito? Ako kasi eh sawa na eh." sabi ni Syn kay Charity

"Bakit naman ako magsasawa sayo? Alam mo naman na ikaw lang ang kaibigan ko eh. Huwag ka nga magdrama dyan. Basta mamayang gabi ha? Pumunta ka sa amin." sabi ni Charity sabay alis na ng school nila

Pagdating ni Charity sa bahay nila ay excited ito, nadatnan naman niyang nagluluto ang Mama niya ng carbonara. Iyon kasi ang ni-request ni Charity na iluto para sakanya at para na rin kay Syn pagdating nito sa bahay nila.

"Ang sarap naman ng amoy, parang gusto ko na tuloy kumain Mama. Pwede na ba ako kumain?" sabi ni Charity sakanyang ina

"Naku, hindi pa. Mamaya ka na kumain, sabay-sabay na tayo nina Syn mamaya. Magpahinga ka muna sa taas, doon ka sa kwarto mo. Magpalit ka na ng damit mo." sabi ng Mama ni Charity sakanya

"Ay, akala ko pa naman pwede na kumain. Takam na takam na ako eh, sige na nga. Makapanik na. Ipatawag mo na lang po ako kapag kakain na at kung nandyan na din si Syn ah?" sabi ni Charity sakanyang ina

"Osige, aayusin ko pa ito. May iba pa akong lulutuin eh. Hindi naman pwedeng carbonara lang ang iluto ko para sa kaibigan mo. Magpahinga ka na ha?" sagot ng Mama ni Charity sakanya

Masaya na rin si Charity sapagkat pagluluto ang nagpapakalma sa Mama niya simula noong nawala ang Papa niya sakanila. Nagsimula na din itong mag-enroll sa mga cooking class para mas sumarap ang mga pagkain na hinahain niya para sakanyang anak.

Pagtaas ay nagulat naman si Charity dahil nagpakita sakanya si Estella. Matagal-tagal na rin niyang hindi nakikita ito dahil hindi na siya napasok sa mga libro simula noong bumalik siya sakanyang ina. Ayaw niya muna kasing alisin ang focus niya sakanyang Mama.

"Nakakagulat ka naman, akala ko kung sino nang multo ang nakita ko. Bakit ka nandito? Miss mo na ako ano? Ang tagal na rin nating hindi nagkikita ah. Pasensya ka na, kailangan ko kasing bantayan si Mama." sabi ni Charity kay Estella

"Kahit hindi mo naman ako nakikita ay nakikita ko ang bawat galaw mo. Masaya ako para sa iyo kasi medyo maayos na kayo ng Mama mo kahit na sabihin pa na wala na ang Papa mo. Hayaan mo, naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo kaya makakapaghintay ako kung kailan mo ulit gagamitin ang potion." sabi ni Estella kay Charity

"Hayaan mo, mamaya kapag tulog na si Syn ay gagamitin ko na ang potion. Kitakits na lang mamaya ah. Tutulog muna ako, Estella." sabi ni Charity kay Estella

Pagkatapos noon ay nakatulog si Charity ng isang oras. Nagising na lang siya dahil pumasok ang yaya niya sakanyang kwarto. Pinapababa na siya dahil luto na daw ang pagkain at nandoon na din daw sa baba si Syn.

Mainit namang tinanggap ni Charity at ng Mama niya si Syn, masaya silang nagkwentuhan at nagtawanan. Naisip din kasi ni Charity na magandang may ibang tao sa loob ng bahay para malibang ang kanyang ina. 

"Pasensya ka na kung ngayon lang kita nayaya dito sa amin ha. Alam mo naman kung anong nangyari sa pamilya namin. Atleast, natuloy pa rin. Sayang lang hindi kita napakilala sa asawa ko." sabi ng Mama ni Charity

"Mama, ano ka ba naman? Sabi ko na hindi ba? Bawal na ang magdrama ngayon. Okay? Huwag mo na babanggitin si Papa. Hindi ba't nagmomove on ka na nga?" sagot naman ni Charity sa Mama niya

"Ah, okay lang po iyon. Naiintindihan ko naman eh, family first pa rin naman po dapat. Masaya na lang po ako ngayon na natuloy ang sleep over kong ito. Salamat po ha? Hindi ko na nga ineexpect na matutuloy pa ito dahil sa nangyari nga po sa family niyo." sabi ni Syn sa Mama ni Charity

"Nangulit kasi sa akin si Charity kaya tinuloy ko na. Isa pa, wala rin naman kaming magawa sa bahay dahil tatlo lang kami dito. Anytime, pwede ka pumunta. Sabihan mo lang si Charity, para ka na rin naman niyang kapatid eh." sagot ng Mama ni Charity

Pagkatapos noon ay nagkwentuhan pa sila hanggang sa inantok na ang Mama ni Charity, kaya nagpaalam na ito na mauuna na sa taas para makapagpahinga na. Hinatid naman ni Charity ang kanyang Mama.

"Pasensya ka na ah, hindi ko na kayo masasamahan. Alam mo naman ang mga matatanda ngayon, madali na mapagod. Ang dami ko kasing niluto kaya inaantok na ko ngayon. Goodnight mga magagandang dilag." sabi ng Mama ni Charity sakanila

"Sige po, goodnight. Mag-beauty rest na po kayo para fresh na po kayo bukas paggising niyo. Salamat po sa oras at saka sa mga niluto niyong masarap na putahe." sagot naman ni Syn sabay ngiti sa Mama ni Charity

Pagbalik naman ni Charity sa baba ay niyaya niya na rin na matulog si Syn. Kailangan na niyang gamitin ang potion habang tulog ito para hindi siya matanong bukas kung bakit siya bigla na lang nawawala. Sa pamamagitan nito ay pwede pa siyang makatulog bago sumapit ang umaga.

Magawa kaya niya ito o mahuhuli na siya ni Syn ngayon? Saan naman kaya ang punta niya? Anong libro naman kaya ang pipiliin niyang pasukin?

Dyrev's Wish (Completed)Where stories live. Discover now