Chapter 18

452 36 0
                                    

Tahimik na umupo na lang si Charity kahit na nasaktan siya doon sa sinabi ni Alyson sakanya. Ayaw niya ng gulo dahil alam niyang birthday ngayon ng dalaga. Isa pa, ayaw niya na magalit sakanya ang Papa niya.

Habang naghihintay siya sa Papa niya ay nagulat siya dahil nakita niyang papalapit sakanya si Denver. Nakangiti ito sakanya, hindi niya alam kung bakit. Hindi naman sila close pero bakit parang anng lakas ng kabog ng dibdib niya sa bawat hakbang papalapit ng binata?

"D-denver, bakit ka nandito? Alam mo naman na magka-away ang mga magulang natin hindi ba? baka makita ka nila, mapagalitan pa tayo." sabi ni Charity kay Denver

"Charity, iba naman tayo sa pag-aaway nila eh. Labas tayo doon saka may party ngayon oh, hindi na nila mapapansin iyan. Kita mo naman, they are busy with Alyson's parents kaya hindi na nila tayo mapapansin." sabi ni Denver kay Charity

Kahit hindi nagsasalita si Charity ay kilig na kilig siya dahil for the first time ay pinansin na siya ni Denver. Akala niya ay hangin na lang siya para sa binata pero hindi pala. Hindi siya naniniwala sa himala noon pero parang gusto na niyang maniwala na meron.

"Baka magalit si Alyson na kasama kita ngayon, hindi ba alam mo naman na gusto ka niya? Baka magalit siya lalo na ngayon na magka-away kaming dalawa." sabi ni Charity kay Denver

"Hala, ano bang pinag-awayan niyo? Akala ko ay okay kayo ngayon. Anyways, hindi naman siya magagalit kasi hindi naman kami. Hindi mo naman ako siguro pagbabawalan na makausap ka ngayong gabi hindi ba?" sabi ni Denver kay Charity

"Ah, hindi naman sa ganoon. Okay lang naman na makipag-usap ka sa akin. Isa pa, wala rin naman akong kausap kaya ayos lang na kilalanin mo ako para hindi tayo maboring dito." sabi ni Charity pagkatapos ay ngumiti siya kay Denver

Alam ni Charity na baka ito na lang ang tanging oras kung saan makakausap niya si Denver kaya naman hindi na siya iiwas pa. Opportunity na ito para makilala siya ni Denver. Aayaw pa ba siya sa isang matalino, gwapo at hinahangaan ng lahat. 

Halos umabot din ang pag-uusap nila ng kalahating oras hanggang sa niyaya na ni Denver si Charity na sumayaw. Nagulat ang dalaga dahil Love Someone by Lukas Graham ang tumutugtog. Love song, hindi tuloy mapigilan ni Charity na hindi kiligin sa mga pinapakita ni Denver sakanya. 

Matagal niya na itong pangarap eh, matagal na niyang inaasam na makita siya ni Denver kaso ang laging nakikita noon dati ay si Alyson. Hindi nga alam ni Charity kung bakit bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin at nilapitan siya ni Denver ngayon. Isa lang ang alam niya, masaya siya sa gabing to.

"Don't expect too much from me, hindi ako magaling sumayaw eh." sabi ni Charity kay Denver

"Ah, okay lang iyan. Nandito naman ako para alalayan ka. Sumayaw ka lang hanggang gusto mo, ako ang bahala sa iyo." sabi naman ni Denver at ngumiti ito kay Charity

Nung mga oras na iyon ay gusto na matunaw ni Charity dahil sa kilig na nararamdaman niya. Kung may hiling lang siya ngayong gabi ay iyon ay sana, hindi na matapos ang gabing ito. Kahit titigan ni Charity si Denver magdamag ay hindi siya magsasawa eh.

"Panaginip ba ito? Sana hindi na ako magising. Matagal ko na kasi itong pangarap eh, ang mapansin mo ako bilang ako." sabi ni Charity kay Denver 

"Ano ka ba naman? Hindi panaginip ito ha, totoo ito. Kahit hawakan mo pa ako ng ilang beses ay pwede. Hindi ka nananaginip. Totoo ako, nandito sa harapan mo." sabi ni Denver kay Charity pagkatapos ay ngumiti ito sakanya

Habang sinasabi ni Denver ang mga salitang iyon ay hindi niya mapigilan ang ngiti sakanyang mga labi na napunta na sa kanyang mga mata sa sobrang kilig. Bakit nga ba ginagawa ito ni Denver sakanya?

Masaya silang nag-uusap habang nag-sasayaw nang biglang may nagtapon ng chocolate syrup mula sa second floor at ang target nito ay si Charity. Nagulat ang lahat, pagtingin ni Charity kung saan nanggaling ang chocolate syrup ay nakita niya si Alyson.

"Kilig na kilig ka pa kay Denver ha? Ako ang may birthday pero ako ang may surpresa para sayo. Sinabi ko naman sa iyo na hindi pa ako tapos sa paghihiganti ko sa iyo hindi ba? Ito na iyon, surprise!" sabi ni Alyson mula sa second floor

"Ano ba talaga ang gusto mo? Hindi na nga kita pinatulan kanina dahil birthday mo tapos ganito pa gagawin mo sa akin? Ipapakita mo talaga sa lahat na ganyan ang ugali mo? Hindi ka na nahiya!" sabi naman ni Charity kay Alyson

"Hindi lang ito ang sorpresa ko para sa iyo, Denver sabihin mo na ang totoo sakanya." sabi ni Alyson

"Ha? Anong totoo, Denver?" tanong ni Charity

"Ah k-kasi, hindi totoo ang lahat Charity.  Sorry. Inutusan lang ako ni Alyson na gawin ito pero maniwala ka man o hindi eh hindi ko alam na iyan ang gagawin niya sayo. I'm sorry ulit." sabi ni Denver kay Charity

"Narinig mo iyon? All of these are just for show, Charity. Walang totoo dito, hinding-hindi ka magugustuhan ni Denver kasi ako ang gusto niya. Ang swerte ko nga dahil sinunod niya ang gusto ko." sabi ni Alyson kay Charity

"Ang sakit, akala ko ay totoo lahat ng pinakita mo sa akin kanina pero it turns out na ginawa mo lang pala akong tanga sa harap ng madaming tao. Hinding-hindi na ako maniniwala sa acts of kindness mo." sabi ni Charity kay Denver

Sa sobrang hiya niya ay tumakbo siya palabas ng events hall at wala na siyang paki sa sasabihin ng mga magulang niya. Ang gusto niya lang ay ang makawala sa lugar ng kahihiyan na ito. Ang gabi na akala niya ay puno ng saya ay ang gabi ng bangungot pala.

Buti na lang at nakita niya si Estella at doon ay tumakas sila. Maling desisyon takaga na pumunta siya sa debut party na iyon, sinisisi niya ang kanyang Papa dahil kung hindi naman ito nagpumilit na sumama si Charity sakanila ay hindi mangyayari iyon sakanya. Kaso tapos na, napahiya na siya sa lahat.

Dyrev's Wish (Completed)Where stories live. Discover now