Chapter 35

352 26 1
                                    

Inalala ni Charity ang araw nung binili niya ang libro, naalala niya na hinalikan niya nga ito at ninais niya na maging si Denver ito sa totoong buhay dahil matagal na niyang gusto ang binata kaso lang ang gusto naman nito ay si Alyson kaya hindi siya makasingit kahit ano pa ang kanyang gawin.

"Oo, hinalikan ko nga tapos humiling ako na sana kagaya din siya ni Denver, pero hindi ko naman alam na magiging ganito ang kalalabasan nito." sabi ni Charity kay Estella

"Isa kasi iyon sa rules, bawal bulungan o humiling sa libro. Kapag humiling ka sa libro habang nasa realidad ka, pagpasok mo ay magkakatotoo ang hiling mo na iyon." sabi ni Estella kay Charity

"Eh bakit hindi mo naman agad sinabi na isa pala iyon sa mga rules? Sana hindi ko na ginawa, hindi ko naman kasi alam na mangyayari ito eh. May paraan pa ba para mabago ito?" sagot naman ni Charity kay Estella

"Hindi ko agad nasabi sayo kasi hindi ko naman alam na hinalikan mo ang libro at humiling ka. Wala na akong alam na paraan para magbago ang itsura ni Dyrev at Alice. Hiniling mo eh, binigay lang sayo." sabi ni Estella kay Charity

"Alam mo naman na gusto na gusto ko si Denver, baka hindi ako makapagfocus niyan kung ganyan. Parang ayaw ko na, aatras na lang ako." sabi ni Charity kay Estella

"Hindi naman pwede na umayaw ka na lang, malay mo naman kasama ito sa misyon mo. Sige na, ayusin mo na iyan. Tatagan mo na lang ang loob mo, nandito naman ako sa likod mo kapag hindi mo na siya kayang harapin." sabi ni Estella kay Charity

"Ngayon pa nga lang hindi ko na kaya eh, paano pa kaya kapag tumagal na? Huwag ako, marupok ako." sabi ni Charity kay Estella

Kahit na ano pa man ang sabihin ni Charity, alam niya sa sarili niya na kailangan niya itong harapin. Baka nga ito mismo ang misyon niya, ang tingnan kung mahal na ba niya si Denver o hindi na.

Nakaupo lang tuloy siya sa malayo pero tanaw niya si Dyrev at Alice. Selos na selos siya kahit hindi naman dapat, feeling niya kasi ay nasa realidad siya kahit na ang totoo ay nasa loob naman siya ng libro. Hindi tuloy niya maiwasan na hindi maluha sa nakikita niya ngayon, hiling na lang niya na sana ay siya na lang si Alice.

Ilang minuto pa ay may lumapit na lalaki sa table nina Alice at Dyrev na kinagulat naman ng dalawa. Lalaki ito na ang pangalan ay Mico. He is claiming na boyfriend siya ni Alice kaya naman nagkagulo na sila. 

"Alice, anong pinagsasabi nitong lalaking 'to? Tell me, are you fucking cheating on me? Bakit parang kilalang kilala ka ng lalaki na iyan?" sigaw ni Dyrev kay Alice

"No, I never cheated on you. Maniwala ka sa akin, alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko hindi ba? Hindi ko nga kilala ang lalaking iyan. Clearly, he's just ruining our relationship. Huwag na huwag kang makikinig sakanya." sabi ni Alice kay Dyrev

"Talaga ba, Alice? Hindi ba ikaw itong nasa picture? Huwag mo na akong i-deny sa boyfriend mo. 2 years na tayo, Halos nauna pa nga tayo kaysa dyan sa Dyrev mo hindi ba? Huwag ka na magsinungaling pa sa amin." sabi ni Mico kay Alice

"What the fuck, so matagal mo na pala akong niloloko? Ginawa ko naman ang lahat ah, alam mo sa sarili mo na mahal na mahal kita. Tapos nagawa mo pa ito? I can't believe it!" sigaw ni Dyrev kay Alice

"No, mali ang mga information na sinasabi ng lalaki na iyan. Maniwala ka, ikaw lang ang mahal ko. Maniwala ka naman." pagmamakaawa ni Alice kay Dyrev

"May ibedensya na siya, bakit nagsiisnungaling ka pa rin? Tigilan mo na ito, mahiya ka naman sa sarili mo. Parang awa mo na, huwag mo na ako lokohin kasi mas lalo lang akong nasasaktan." sagot ni Dyrev kay Alice

"Okay, fine! Alam mo ba kung bakit kita nagawang lokohin? Kasi ang mommy mo, hindi niya ako tanggap. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong gawin para lang matanggap ako ng mommy mo. Gulong-gulo na ako." sabi ni Alice kay Dyrev

"Alam mo, kung mahal mo talaga ako ay hindi mo na gagawin iyan. Ginagawa ko naman ang lahat para maituloy ang relasyon natin kahit ayaw sayo ng mommy ko hindi ba? Nagsiisnungaling ako sakanya para makita kita. Pinaglalaban naman kita sa paraan na alam ko." sabi ni Dyrev kay Alice

"Pinaglalaban mo nga ako sa paraan na alam mo pero hindi sa paraan na gusto ko. So, ganoon na lang? Mananatili ka na lang na ganyan habang buhay? Hindi naman diba? Malalaman at malalaman pa rin ng mommy mo ang tungkol sa atin sa tamang panahon." sabi ni Alice kay Dyrev

"Oo, nagkamali ako doon. Kinain ako ng takot ko sa nanay ko pero hindi sapat na dahilan iyon para lokohin mo ako ng ganito katagal. Minahal kita nang totoo at alam mo iyan. Ikaw ang naging mundo ko hindi ba?" naiiyak na sabi ni Dyrev kay Alice

Doon na pumasok sa eksena si Charity, hindi na niya kinakaya kung ano man ang nakikita niya kaya minabuti na lang niya na iligtas si Dyrev sa nangyayari dito. Gulat na gulat naman sina Alice at Dyrev nung lumapit sakanila si Charity.

"Charity? Anong ginagawa mo dito? Hinfi ba't sinabi ko na huwag mo na akong sundan? Sabi ko sa bahay ka na lang hindi ba?" sabi ni Dyrev kay Charity

"So sino naman itong babaeng ito? Akala ko ba ay ako lang abg mahal mo pero ikaw din pala ay niloloko mo. Ano, naggaguhan lang ba tayo sa loob ng isang taon, Dyrev?" sagot ni Alice

Wala nang pakialam si Charity kung ano ang sasabihin sakanya ni Alice o ni Dyrev, ang gusto lang niya ngayon ay matulungan ang bagong kaibigan mula sa manloloko na si Alice. Kahit nahihirapan siya dahil kamukha ni Denver at Alyson ang mga character na kaharap niya ngayon, hindi pa rin siya nagdalawang isip na tulungan ito. Ano na kaya ang mangyayari sakanilang tatlo?

Dyrev's Wish (Completed)Where stories live. Discover now