Chapter 22

455 39 2
                                    

Pagkatapos kumain ni Greg Marcux ay naligo na siya para makapunta na kay Carmina. Kahit na hindi pa siya sigurado sa isasagot ng dalaga ay kahit papaano, masaya siya. Alam naman niya sa sarili niya na gagawin niya ang lahat para magbalikan sila ng pinakamamahal.

Pagkatapos maligo ay masaya niyang niyaya si Charity para samahan siya sa bahay ni Carmina. Nung una ay takot si Charity dahil nakita niya kung gaano kagalit sakanya si Carmina pero wala naman siyang magawa dahil todo ang pagpilit ni Greg Marcux sakanya.

"Ayaw ko nga, baka magalit nanaman ang nobya mo. Baka lalo kayong hindi magkaayos dahil kasama mo ako. Ikaw na lang, sabihan mo na lang ako pag-uwi mo kung anong nangyari." sabi ni Charity kay Greg Marcux

"Mas makakabuti nga kung makakasama ka sa akin, mas okay iyon kasi mapapaliwanag mo sakanya yung side mo. Saka usapan natin, tutulungan mo ako hindi ba?" sabi ni Greg Marcux kay Charity

"Eh natulungan naman na kita ah, binili ko na ang lahat ng gusto mo tapos nakapag-book na ako ng date sa DateTayo.PH, ano pa ang gagawin ko? Kaya mo na iyan, hihintayin na lang kita dito." sabi ni Charity kay Greg Marcux

Sa di inaasahan ay biglang lumabas si Estella sa kung saan kaya agad na nagpanic si Charity. Akala kasi niya ay nakikita rin ni Greg Marcux si Estella, eh hindi naman. 

Sumenyas si Estella na sumama pa rin si Charity kay Greg Marcux dahil kasama pa rin ito sa kanyang misyon.

"Sige na nga, tara na. Kaso ikaw ang bahala sa akin oras na may sinabi sa akin 'yang nobya mo ah?" sabi ni Charity kay Greg Marcux

"Oo, ako na ang bahalang magpaliwanag sakanya kung bakit kita kasama. Huwag ka matakot, kahit ganoon iyon ay mabait naman iyon."sagot ni Greg Marcux kay Charity

Pagkatapos noon ay sumakay na sila sa kotse, dala-dala ang flowers at iba pang regalo ni Greg Marcux kay Carmina.

Habang nasa kotse sila ay hindi na napigilang magtanong ni Charity kay Greg Marcux, kahit na alam na niya halos lahat dito dahil nabasa na niya ang character ni Greg ay iba pa rin kasi ang pakiramdam kapag kaharap mo na ang taong binabasa mo lang noon.

Pagdating ng dalawa sa bahay ni Carmina ay agad silang sinalubong ng maid, pinaupo sila sa sala at hinintay naman nila si Carmina doon.

"A-anong ginagawa ng babaeng iyan dito? Ang kapal naman ng mga pagmumukha ninyo na pumunta pa kayo dito! Para ano? Para ipakita na maayos kayo?!" sabi ni Carmina nung bumaba siya sa kwarto niya

"No! Hindi ganun iyon, nandito kami para makipag-ayos sayo. Okay? Hindi kami nandito para makipag-away." sagot naman ni Greg Marcux kay Carmina

"Oo nga, Carmina. Nandito si Greg para makipag-ayos, hindi niya talaga ako babae o kung ano man. I just want to help him saka para na rin makapag-sorry na sa'yo." sabi ni Charity kay Carmina

"Talaga? Hindi ka niya kabit or something?" sabi ni Carmina

"No, hindi talaga. Kung babae ako ni Greg Marcux edi sana hindi na ako nagpakita pa dahil mahihiya na ako sayo hindi ba? Maniwala ka naman sa amin." sabi ni Charity kay Carmina

"Oo nga, ikaw lang naman mahal ko eh. Patawarin mo na ako, please? Promise ko sayo, hindi na mauulit pa 'to." sabi ni Greg Marcux kay Charity

Pagkatapos noon ay binigay ni Charity at Greg Marcux ang mga dala nila para kay Carmina, paunti-unti naman ay napapangiti na rin ang dalaga dahil dito.

"Oo nga pala, Charity booked us for a date later kaya maghanda ka na ha? Wear your best dress, my love." sabi ni Greg Marcux kay Carmina

"Anong sinasabi mo dyan? Hindi pa naman ako nagsasabi na okay na tayo ah? Umayos ka, hindi pa tayo bati!" sabi ni Carmina kay Greg Marcux

"Ah, ganun ba? Hindi kasi iyon ang sinasabi ng mga mata mo eh, ang sabi kasi ng mga mata mo sa akin ay mahal na mahal mo raw ako." panlalambing ni Greg kay Carmina

Dahil nakita ni Charity na ayos na sina Greg Marcux at Carmima ay agad niyang kinausap si Estella sa hangin upang magpakita ito sakanya at para makauwi na rin siya sa realidad.

"Oh sya, aalis na ako ha? Kayo na ang bahala dyan. Mahalin ninyo ang isa't isa, alam kong kakayanin niyo iyan hanggang dulo." sabi ni Charity doon sa dalawa

"Ha? Aalis ka na agad? Hindi mo man lang ba kami sasamahan doon sa date namin?" pagtatakang tanong ni Carmina kay Charity

"Oh baka gusto mo ihatid na lang kita pabalik sa inyo? Taga saan ka ba? Alam mo naman ba kung saan ka uuwi?" sagot naman ni Greg Marcux kay Charity

"Naku, ayaw ko na sumama. Date niyo iyon eh, wala akong karapatan makisawsaw doon. Isa pa, kaya ko na ang sarili ko. Huwag niyo na ako alalahanin. Ang hiling ko lang ay ang i-enjoy niyo ang lahat ngayon ha?" sabi ni Charity doon sa dalawa

"Sigurado ka ha? Oh siya, mag iingat ka lagi. Sana makita ka pa namin ulit." sabi ni Greg Marcux kay Charity

Hindi na nagsalita si Charity, bagkus ay ngumiti na lang siya doon sa dalawa at nagpaalam na.

Kahit na nahirapan siya ay sulit naman ang lahat, akala niya ay hindi niya kakayanin ang mangyayari sa loob ng librong ito pero nakaya niya.

"Halika na, bumalik na tayo sa realidad." sabi ni Estella na may malaking ngiti

Doon na nag umpisa ang lungkot ni Charity. Alam niya na pagkalabas niya sa librong ito ay umpisa nanaman ang kalbaryo niya sa realidad. Haharapin nanaman niya ang katotohanan na ayaw sakanya ng Papa niya dahil sa nangyari sakanila ni Alyson.

Dyrev's Wish (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon