Chapter 15

470 34 5
                                    

Kakasunod ni Voltaire kay  Charity ay napagod na ito. Ang init-init doon sa isla kaya umupo muna siya sa isang malaking bato. Tanaw pa rin naman niya si Charity pero busy ang dalaga sa paghahanap ng makakain nila.

Dahil sa pagod ay muntikan na makatulog si Voltaire habang nakaupo sa bato. Habang nakaupo ay bigla na lang na meron siyang narinig na sigaw ng isang babae kaya naman agad siyang pumunta sa mapunong lugar na iyon at hinanap kung nasaan ang boses.

"Voltaire, tulungan mo ako! May ahas malapit sa akin! Parang awa mo na, alam kong hindi tayo close pero mahal ko pa ang buhay ko!" sigaw ni Charity kay Voltaire

Hindi na nagdalawang isip pa si Voltaire, tinulungan niya agad si Charity kahit na nag-away pa sila. Buti na lang ay malapit si Voltaire sa mga ahas dahil nag-aalaga siya nito. Buti na lang ay maalam siya kung paano pakalmahin ang mga ahas.

"Tumahimik ka lang, hindi ka pwedeng mag-ingay dahil mas lalo silang aatake kapag nakakarinig ng ingay. Kumalma ka lang, nandito na ako. Kaya ko iyan." sabi ni Voltaire kay Charity

"Paano ako kakalma eh ahas na iyan? Isang beses lang na matuklaw ako niyan ay alam kong hindi ko na kakayanin. Mamamatay agad ako oras na madali ako niyan." sabi ni Charity na pabulong lang dahil ayaw niya nga mag-ingay

"Kaya nga andito na ako hindi ba? Sabi ko naman sa iyo eh magtiwala ka sa akin. Sa gwapo kong ito ay mapapakalma ko ang lahat nguri ng ahas." pang-aasar pa ni Voltaire kay Charity

"Nasa bingit na tayo ng kamatayan ay naisip mo pa ang joke na iyan? Ayusin mo na nga, baka mahimatay pa ako ng wala sa oras niyan eh." sagot naman ni Charity kay Voltaire

"Basta, tumahimik ka na. Nandito na ako kaya ako na ang bahala dito." sabi pa ni Voltaire na may pang-asar na ngiti

Inabot din ng labing-limang minuto bago naitaboy ni Voltaire ang ahas. Agad na nakahinga si Charity ng maluwag noong malaman niya na wala na. Nayakap niya tuloy si Voltaire ng hindi sinasadya. Parang ngiting aso tuloy si Voltaire nung niyakap siya ni Charity.

"Inaaway-away mo pa ako kanina ah, tapos ngayon yayakap ka na para tayong mag-jowa? May gusto ka yata sa akin eh, ang higpit ng yakap mo oh." sabi ni Voltaire kay Charity

"Huy, wala pa rin akong gusto sa iyo kahit ano pa ang sabihin mo dyan. Salamat, kasi hindi mo ako hinayaan dito kahit na inaaway kita kanina." sabi ni Charity kay Voltaire

"Okay lang naman umamin, namumula ka na eh. Alam ko, kinikilig ka. Kinikilig ka sa gwapo kong mukha tapos niligtas pa kita mula doon sa ahas." sabi ni Voltaire kay Charity

Napatigil tuloy si Charity at nabigla dahil baka nga namumula na siya dahil sa kilig na nararamdaman niya. Nahihiya siya, hindi niya pwedeng ipakita na sobra na yung kilig na nararamdaman niya lalo na nung nailabas ni Voltaire ang abs niya dahil sa pagtaboy ng ahas kanina.

"Hindi ako kinikilig, ilang beses ko ba sasabihin sa iyo iyon ha? Tara na nga at kumuha na tayo ng makakain at gutom na ako. Letseng ahas iyon, kung hindi siya lumabas edi sana kanina pa tayo nakakuha ng pagkain." sabi ni Charity kay Voltaire

"Alam mo, kung hindi lumabas ang ahas na iyon ay hindi ko malalaman na kinikilig ka na pala sa akin kaya ayos lang iyon." sabi pa ni Voltaire kay Charity na may nakakaasar na mukha

"Dyan ka na nga, puro ka pang-aasar dyan eh gutom na ako dito. Kapag ako nakahanap ng pagkain ay hindi kita bibigyan. Hahayaan kitang matuyo dyan, bwisit ka!" sabi ni Charity kay Voltaire

"Sige ka, kapag lumayo ka nanaman sa akin ay panigurado akong kakailanganin mo nanaman ang tulong ko. Dito ka lang sa tabi ko para hindi ka mapaano. Alam mo naman na ako na ngayon ang poprotekta sayo kasi mukhang tatagal tayo dito." sabi ni Voltaire kay Charity

Wala tuloy nagawa si Charity kundi ang hindi lumayo kay Voltaire. Natakot kasi siya sa sinabi nito na baka may ahas nanaman sa paligid. Halos gusto na niyang tawagin si Estella dahil takot na takot na siya.  Parang gusto na lang niyang bumalik sa realidad pero alam niyang hindi pa tapos ang misyon niya dahil hindi pa nila nakikita si Jana.

Sa paglalakad nila ay unti-unti ng gumagawa si Voltaire ng move para pormahan si Charity. Nadadali na nito ang kanyang kamay, gusto na itong hawakan ni Voltaire dahil makinis at parang malambot ito.

"Huy, ano ka ba? Bakit mo hinahawakan ang kamay ko ha? Umayos ka nga, kapag ganitong gutom na ako eh baka lalo akong mainis sa iyo at ikaw na lang ang kainin ko." sabi ni Charity kay Voltaire

"Alam mo, mas gusto ko nga iyon. Tara, magkainan tayo dito sa gubat. Hindi ko pa nagagawa ever in my life ito. Gusto mong ma-try? Parang masaya iyon, may thrill and excitement." sabi ni Voltaire kay Charity

"Haynaku naman talaga ang mga lalaki kung anu-ano ang mga naiisip na bastos! Umayos ka nga, seryoso na kasi gutom na ako eh." sabi ni Charity kay Voltaire

"Seryoso naman ako, hindi ako nag-jojoke. Gusto ko din ma-try iyon kasi never ko pa nagawa iyon sa gubat. Malay mo kapag nagustuhan kita--" hindi na natapos ni Voltaire ang kanyang sasabihin kasi binatukan na siya ni Charity

Habang naglalakad ay nakakita sila ng buko, agad-agad nilang kinuha iyon at syempre, ginamit ni Voltaire ang kanyang lakas para buksan ang mga iyon. Si Charity tuloy ay hindi nanaman mapakali dahil nakahubad nanaman si Voltaire sa harapan niya. Buti na lang talaga at hindi tumulo ang iniinom niya na buko juice.

Pagkatapos nilang uminom ng juice ng buko at kumain ng laman nito ay naglakad nanaman sila papunta sa gubat, hanggang sa may nakita silang ilang gamit ng babae na parang ka-edad ni Voltaire.

Agad nilang tiningnan ito at nung makumpirma nila na gamit ng isang babae iyon ay hinanap na nila kung nasaan yung babae. Buti na lang ay may humingi ng saklolo sa di kalayuan, tinig iyon ng babae kaya agad nilang pinuntahan. Iyon na ba si Jana?

Dyrev's Wish (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora