Chapter 46

325 28 0
                                    

Pagkatapos nilang mabasang dalawa ay agad silang nagpalit at nag-ayos. Aalis kasi si Dyrev dahil may lunch siya kasama ang barkada niya. Ang problema nga lang ay kasama niya si Alice dahil may mga barkada din ang babaeng iyon doon.

"Aalis nga pala ako with friends. Gusto mo sumama? Mag-lunch ako kasama sila. Baka ma-bored ka dito kapag hindi ka sumama eh." sabi ni Dyrev kay Charity

"Ah, hindi na ako sasama. Ayos lang naman ako dito, aayusin ko na lang ang bahay mo para may magawa ako. Ang kalat na dito eh, halatang ikaw na ang nakatira. Kailangan na niyang malinis agad-agad." sabi ni Charity na may pang-asar na mukha

Inaasar mo nanaman ako ah, kasama doon si Alice ha. Sinasabi ko na agad, baka magselos ka eh. Alam mo naman, sa gwapo kong ito eh baka balikan ako noon. Baka nga miss na ako ng ex-girlfriend ko." sabi ni Dyrev na nang-aasar din kay Charity

"Okay lang, si Alice lang pala eh. Bakit ako magseselos doon? Si Alice-- SI ALICE KASAMA?! Hindi na pala ako mag-stay dito. Sasama na pala ako sayo, baka maagaw ka pa niya sa akin eh saka okay pa naman itong bahay mo diba? Malinis pa naman kaya okay lang kung sasama ako sayo." sabi ni Charity kay Dyrev

"Ang cute mo pala magselos, para kang hindi makali na bata. Hayaan mo, sure naman ako na kasama noon si Mico eh. Saka, hindi na niya ako aagawin sayo kasi hindi na nga niya ako gusto diba? Safe ka na, sayo na ako kahit hindi pa tayo." sabi ni Dyrev kay Charity

"Kahit na hindi ka niya agawin sa akin ay sasama pa din ako. Atleast kita ko ang galaw niyong dalawa, mahirap na baka balikan mo iyon dahil lang nginitian ka niya. Marupok ka pa naman pagdating sakanya." sagot naman ni Charity kay Dyrev

Pagkatapos noon ay nagbihis na si Charity, yung bonggang-bongga para matalo niya si Alice. Nabasa na niya kasi ang characteristics ni Alice nung nasa realidad pa lang si Charity kaya alam na niya kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nakita siya. May plano si Charity na asarin pa lalo ang ex-girlfriend ni Dyrev.

Pagdating nila sa venue ay medyo marami na ang tao, pero wala pa si Alice kaya kalmado pa si Charity sakanyang paligid. Gulat na gulat naman ang mga kaibigan ni Dyrev dahil sa bagong babaeng dala nito, pinakilala niya sa lahat si Charity.

Ilang minuto pa ay dumating na si Alice, kasama nga nito si Mico tulad ng hula ni Dyrev. Pagpasok ay pansin agad na nakikipagplastikan lang naman ito sakanyang mga barkada. Hindi tuloy maiwasan ni Charity na hindi mainis sa nakikita niya.

"Oh, magkasama pala kayo. Akala ko ay hindi mo siya kilala? Obviously, you lied to me Dyrev. I hope you enjoy this lunch, kung kaya niyo ma-enjoy. Mukhang badtrip sa akin 'yang kasama mo eh." bungad ni Alice kay Charity at Dyrev

"Please, huwag ka na magskandalo rito. Wala namang ginagawa sayo si Charity kaya huwag kang mainis sakanya. Isa pa, napakaraming tao dito, huwag mo naman siyang ipahiya. Okay?" sabi ni Dyrev kay Alice

"Kung ayaw mo pala siyang mapahiya, edi sana hindi mo na siya sinama pa rito. Hindi naman siya kilala ng mga barkada natin. Tama ba? Bakit mo pa siya isasama? Baka ma-out of place lang iyan eh." sagot naman ni Alice kay Dyrev

"Hindi rin naman kilala ng barkada natin 'yang si Mico diba? Eh bakit kasama mo iyan ngayon? Umayos ka nga ng pananalita mo, baka hindi kita matantya eh kung ano pa ang masabi ko sa iyo." sabi ni Dyrev kay Charity

Dahil sa napahiya si Alice sa lahat ay napasigaw na lang siya sa inis at pumunta sa comfort room para magpalamig ng ulo. Hindi niya kasi akalain na sasagutin na lang siya ng ganoon ni Dyrev sa harapan ng mga kaibigan nila. Dyrev used to be sweet and simple, hindi nalaban at tahimik lang pero nag-iba na ito ngayon.

Hindi na din sumagot pa si Charity sa usapan ng dalawa sapagkat ayaw na niyang dagdagan pa ang gulo. Hinayaan na lang niya na si Dyrev ang mag-manage dahil alam naman niyang ipagtatanggol siya nito mula kay Alice.

Pagtapos ng lunch date na iyon kasama ang barkada ni Dyrev ay agad na silang nagpaalam para umuwi para makaiwas na rin sa gulo. Isa pa, ayaw na rin namang makita pa ni Dyrev si Alice na kasama ang Mico na iyon, naiinis lang siya.

"Salamat pala sa pagtatanggol sa akin kanina, hindi ko akalain na gagawin mo iyon. Masaya ako na nakilala ko kahit papaano ang mga kaibigan mo. Close na close talaga kayong lahat ano?" sabi ni Charity kay Dyrev

"Naku, wala iyon. Ako nga dapat ang magpasalamat sayo kasi kahit inis na inis ka kay Alice ay hindi mo siya pinatulan. Pasensya ka na rin sa ugali niya, ganoon talaga iyon eh. Hindi ko nga alam sa sarili ko kung bakit ko nagustuhan ang ganoon na ugali niya." sabi naman ni Dyrev kay Charity

"Wala iyon, naiintindihan ko naman siya kung bakit siya nagagalit sa akin eh. Ang kinakainis ko lang sakanya ay nagmamalinis siya, parang hindi ka niya niloko sa Mico na iyon. Parang pinapalabas pa niya na ikaw ang mali at hindi siya. Alam mo naman na ayaw ko na ginaganoon ka noon, tama nga ang sinabi ng mommy mo tungkol sakanya." sagot naman ni Charity kay Dyrev

"Haynaku, hayaan mo na iyon ha? Hindi na natin siya bibigyan ng pansin simula ngayon. Lalo kasing pansinin ang babaeng iyon, lalong na-epal. Bahala na ang karma na gumanti sa akin, bahala na sila ng Mico na iyon." sagot naman ni Dyrev kay Charity

Ilang minuto pa ay nakauwi na sila sa sa bahay ni Dyrev. Natulog muna si Charity ahil sa kabusugan, hindi niya alam na may pinaplano pala na kalokohan itong si Dyrev sakanya. Gaganti kasi ito doon sa nangyaring basaan kanina.

 Kung akala ni Charity ay nakaligtas na siya dahil mabait na si Dyrev sakanya, nagkakamali siya. Hindi pa rin kasi makalimutan ni Dyrev ang ginawa ni Charity sakanya kaya it's payback time! Ano kayang gagawing kalokohan ni Dyrev kay Charity?


Dyrev's Wish (Completed)On viuen les histories. Descobreix ara