Chapter 32

358 26 2
                                    

Makalipas ang isang oras ay mahimbing na natutulog na si Syn kaya naman tumayo na ulit si Charity mula sakanyang hinihigaan. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa comfort room, dala-dala niya ang libro at ang potion.

"Mag-iingat ka ha? Bumalik ka agad dito sa realidad dahil baka makahalat sila na wala ka. Paalala din, paubos na ang potion mo kaya konti na lang din ang mapupuntahan mong libro." sabi ni Estella kay Charity

"Susunduin mo naman ako hindi ba? Magkita na lang tayo ulit mamaya. Salamat, Estella." sabi ni Charity sabay inom na ng potion

Ang pinili niyang libro ay ang Dyrev's Wish dahil ito ang unang libro na binili niya sa bookstore. Nung binabasa niya ito noon, feeling niya si Dyrev si Denver kaya nainlove siya noon ng mabuti sa binata. Iniisip kasi nito dati na baka pwedeng mangyari sakanya ang mga nangyayari sa libro.

Natagpuan na lang niya ang sarili sa malambot at ubod ng puti na kama. Sarap na sarap siya sakanyang pagkakahiga hanggang sa nagulat na lang siya dahil may lalaking lumabas mula sa comfort room. Topless ito kaya napahawak siya sakanyang bibig at mata.

"Sino ka? Paano ka nakapasok dito? Magnanakaw! May magnanakaw! Rapist! Rapist ka 'no?!" sigaw ni Dyrev habang hawak-hawak ang tuwalya niya

"Hoy, anong rapist ka dyan? Ikaw nga itong naka-topless eh! Ayusin mo nga iyang suot mo. Nakakadiri kaya, wala naman masyadong abs! Masyado kang feeling gwapo ha?" sagot naman ni Charity kay Dyrev

"Hoy, anong sinasabi mo dyan? Wala ka ngang karapatan na sabihin iyan kasi hindi naman kita kilala. Umalis ka na, panira ka ng lakad ko eh." supladong sagot ni Dyrev kay Charity

"Ayaw ko nga umalis dito, ang lambot-lambot kaya ng kama mo. Ang sarap higaan, makikitulog muna ako ha? Aalis ka naman hindi ba? Pasara na lang ang pinto para safe ako." pang-aasar pa ni Charity kay Dyrev

"Aba, ang lakas ng tama mo ha? Ako pa talaga ang susunod sa iyo? Umuwi ka na sa inyo, taga saan ka ba? Baka gusto mong ihatid pa kita sa inyo para matahimik ka?" sabi ni Dyrev kay Charity

Kahit iyon na ang sinabi ni Dyrev ay hindi pa rin nakinig si Charity. No choice tuloy si Dyrev kundi kalakadkarin si Charity papunta sa may pintuan para mapalayas niya ito. Todo naman sa pagmamakaawa si Charity na huwag siyang paalisin ni Dyrev.

"Ang sakit, huwag mo naman akong ipagtabuyan! Babae pa rin ako, pwedeng-pwede kitang kasuhan! Bitawan mo ako, nasasaktan mo na ako eh!" sigaw ni Charity kay Dyrev

"Ayaw mo pa kasing umalis, kailangan pa kitang pilitin kaya sorry na lang kung nasasaktan kita ngayon!" sigaw rin naman ni Dyrev kay Charity

"Nakakainis ka naman, hindi naman ako masamang tao para paranasin mo ng ganito. Sa ganda kong ito, gagawa ako ng masama? Aba, iba ka din naman ano?" sabi ni Charity kay Dyrev

"For your information, hindi ka naman maganda. Cute ka lang, ang liit mo eh." sagot naman ni Dyrev habang natatawa kay Charity

Hindi tuloy alam ni Charity kung maiinis siya, matatawa o kikiligin dahil sa sinabi ni Dyrev sakanya. Dahil sa inis at kilig ay napapadyak na lang siya. Tawang-tawa naman si Dyrev dahil sa ginawa ni Charity.

"Bahala ka na nga, aalis na talaga ako kahit pigilan mo pa ako! Ki-kailanganin mo pa rin ako. Sinasabi ko iyan sayo." sabi ni Charity habang inis na inis

"As if naman na kailangan kita eh pinapaalis na nga kita ngayon diba? Umalis ka na, ma-lelate pa ako sa pupuntahan ko eh." sabi ni Dyrev kay Charity

Dahil doon ay unti-unting naglakad si Charity papalayo kay Dyrev pero pinapanalangin niya na sana ay pabalikin siya nito kahit na halata namang imposible. Hindi pa naman kasi tapos ang misyon niya dahil kakapasok niya lang sa libro.

Sa di inaasahan ay may nakasalubong na babae si Charity, nasa edad kwarenta na ito at parang papunta sa bahay ni Dyrev kaya hinintay muna ni Charity kung ano ang mangyayari sakanila. Ang hula niya ay nanay ito ni Dyrev.

"Oh anak, may bisita ka pala ah. Hija, bakit hindi ka muna pumasok sa loob? Tara, ngayon lang kita nakita dito ah. Gusto kita makilala." sabi ng Mama ni Dyrev kay Charity

"Ah, uuwi na po ako sa amin. Dumalaw lang po talaga ako kay Dyrev saka may binigay lang po ako kaya mauna na po ako." sagot naman ni Charity sa Mama ni Dyrev

"Nakakapagtampo naman, si Dyrev ay binisita mo pero ang Mama niya hindi? Please, gusto lang naman kita makilala hija. Hindi ba Dyrev? Pwede ko naman siyang makilala, diba?" sagot naman ng Mama ni Dyrev

"Ah, oo nga. Sige ka, magtatampo iyan si Mama sa iyo at baka hindi ka na makabalik pa dito sa bahay ko kapag nagtampo sayo iyan. Tara na muna sa loob." pagsisinungaling naman ni Dyrev

Inis na inis si Dyrev, para bang nausok ang tenga at ilong niya. Hindi natuloy ang plano niya na paalisin si Charity sa bahay niya eh ang totoo niyan ay pupuntahan niya si Alice, ang girlfriend niya. Ang girlfriend na ayaw ng Mama niya.

"So, ka-anu ano mo ang anak ko hija? May I know? Ngayon lang kasi kita nakita dito sa bahay niya. Ang lagi ko kasing nakikita ay yung Alice. I don't like her, may pagkamaldita ang batang babaeng iyon. Wala siyang respeto sa akin. Buti na lang ay hiniwalayan na iyon ni Dyrev, diba anak?" sabi ng Mama ni Dyrev

"Yeah, hiniwalayan ko na nga si Alice, mom. The girl infront you is my new girlfriend, si--" napatigil si Dyrev dahil hindi naman niya alam ang pangalan ni Charity kaya kinalabit niya ito para si Charity ang magtuloy ng nasimulan na niyang sabihin

"Charity po, Charity po ang pangalan ko. A-ako nga po yung bagong girlfriend ni Dyrev." sagot naman ni Charity pagkatapos ay inilahad niya ang kanyang kamay para magbigay galang sa nanay ni Dyrev

Hindi kinuha iyon ng Mama ni Dyrev, sa halip ay nagbeso-beso na lang sila. Todo ang ngiti ng Mama ni Dyrev kay Charity kaya naman iyon din ang ginawa niya. Hindi alam ni Charity kung tama ba ang nangyari. Nagulat din siya na pinakilala siyang girlfriend ni Dyrev sa Mama nito. Ano kayang plano ni Dyrev sakanya?

Dyrev's Wish (Completed)Where stories live. Discover now