Chapter 7

789 49 7
                                    

Pagkatapos kumain ay bahagyang naging seryoso si Charity sa pakikipag-usap kay William. Dahil alam niya na ito na ang una at huling pagkikita nila ay kinausap niya na ito ng masinsinan para payuhan na din sa buhay tutal alam naman niya ang takbo ng buhay nito.

"William, magpakatatag ka ah? Ayusin mo ang sarili mo. Huwag kang mahiya ipakita kung sino ka talaga pero huwag ka din agad maniniwala na mahal ka ng mga babaeng nakakasalubong mo o nakikilala. Someday, someone will love you wholeheartedly at hindi ka na niya sasaktan." sabi ni Charity kay William

"Ha? Ano ka ba naman? Kakakilala lang natin sa isa't isa tapos parang nagpapaalam ka na agad sa akin dyan. I want to spend more time with you, ang sarap mo kayang kausap. Ayaw mo na ba agad sa akin kaya parang nagpapaalam ka na ngayon?" sagot naman ni William kay Charity

"No, hindi ganoon iyon. Kakasabi ko lang hindi ba? Mahal kita dati pa kaya imposible na ayaw ko sa iyo. Ano ka ba?" sabi ni Charity kay William

"Surprised nga ako kasi kilala mo ako samantalang wala akong ideya kung sino ka. Ang importante ngayon ay makikilala na kita, hindi pa naman ito ang huling pagkikita natin hindi ba?" sagot ni William kay Charity

"Oo naman, hindi pa ito ang huling pagkikita natin. We will make memories pa together. Kikilalanin mo pa ako kasi ikaw, kilala na kita." pagsisinungaling ni Charity kay William

"Great! Alam mo nga, kahit ngayon pa lang kita nakita eh parang may koneksyon na tayong dalawa sa hindi ko malamang dahilan. Maybe we've seen each other before or talagang hindi lang kita pinapansin kasi focused ako masyado kay Kim." sagot ni William kay Charity

"Of course we have a connection, I'm your reader eh! Este, I'm your fan since day one. Halatang-halata naman hindi ba? Kilala kita." sabi ni Charity kay William

"Oo nga, halatang-halata ko na fan kita kasi halos lahat ng background tungkol sa akin ay alam mo. How o you do that ha? Parang magic eh. I just can't imagine that someone is really into me in this kind of way." sabi ni William kay Charity

"Syempre, love is magic. Kaya ikaw, maniwala ka sa pagmamahal pero huwag na huwag ka magpapabulag ha? I know someday someone will come to your life that will love you whole." sabi ni Charity kay William

"Isn't that you? Mahal mo naman ako hindi ba? Bakit hindi na lang ikaw? Bakit parang tinutulak mo pa ako ngayon sa iba? Ayaw mo ba sa akin?" sunud-sunod na tanong ni William kay Charity

"Incase na we don't work. Teka, huhulaan ko na lang ang mapapangasawa mo tapos kapag tama ako, balikan mo ako at sabihing hindi ako nagkamali ha? Michelle ang pangalan ng mapapangasawa mo."sagot ni Charity kay William

Dahil natapos na basahin ni Charity ang librong iyon ay alam na niya na ang makakatuluyan ni William ay si Michelle. Ang babaeng makikilala niya sa paglabas ng restaurant na ito. Iyon si Michelle.

Pagkatapos ng mahabang kwentuhan ay nakita na ni Charity si Estella, hudyat na tapos na at kailangan na niyang bumalik sa realidad. Hindi malaman ni Charity kung saya o lungkot ba ang babaunin niya sa pagbalik sa realidad eh.

"I need to go na, may aasikasuhin pa ako sa amin. Till we meet again, William. Nandito lang ako sa paligid mo okay? Hindi mo man ako makita pero nandito lang ako." sabi ni Charity kay William

"I don't like how you sound. Feeling ko talaga eh nagpapaalam ka na sa akin niyan. Please, don't go or atleast let me take you home." sabi ni William kay Charity

"Just believe in me, huwag mo kakalimutan kung ano man ang mga sinabi ko sa iyo. Mahalin mo ng lubos ang sarili mo para may confidence ka na humarap sa tao." sabi ni Charity kay William

Pagkatapos noon ay umalis na siya sa restaurant para kitain si Estella sa labas. Nagmadali siya dahil nararamdaman niya na sinusundan siya ni William. Kailangan na niyang bumalik sa realidad dahil naayos naman na niya ang problema ni William.

Pagkabalik niya sa realidad ay naluha na lang siya. May halong saya at lungkot ang pagbalik niya dahil isa sa pinakapaborito ni Charity na karakter si William. Kahit masaya siya dahil nakita niya at naka-usap si William kahit saglit lang ay kita pa rin sakanyang mga mata ang kalungkutan.

"Bakit ganoon ano? Kailangan ko silang iwan at makakasama ko lang sila panandalian. Ang sakit lang. Sobra, kung pwede lang na hilahin ko sila papunta dito sa realidad." sabi ni Charity kay Estella

"Ganoon naman talaga eh, wala tayong magagawa. Atleast nakasama mo sila hindi ba kahit panandalian lang? Iyon ang itatak mo sa isip mo ngayon." sabi ni Estella kay Charity

Dahil alam niyang tama ang sinabi ni Estella sakanya ay inalis niya ang mga luha sakanyang mga mata pagkatapos ay tumingin ng deretso kay Estella. Ngumiti ito sa dyosa na para bang nagpapasalamat.

"Hindi naman mangyayari ang lahat ng ito kung hindi dahil sa iyo. Salamat sa pagtulong sa akin para makapunta sa mundo nila. Sana hanggang sa huli ay makasama pa rin kita. Pasensya ka na rin kung nung una ay hindi ako naniwala sa kakayahan mo." sabi ni Charity kay Estella

"Oo naman, nandito lang ako hangga't kailangan mo ako sa misyon mo na ito. Basta huwag mo lang kakalimutan ang sampung utos ko sa iyo. Kapag wala kang nilabag edi ayos tayo." sabi ni Estella kay Charity

"Oo naman, gagawin ko ang lahat para hindi ko malabag ang sampung utos. Paano ba iyan, dyosa? Tutulog na ako at may klase pa ako bukas, magkita na lang tayo kapag tinawag na lang kita o di kaya naman ay kapag alam mong kailangan ko na ng tulong mo." sabi ni Charity kay Estella

Tumango si Estella pagkatapos ay lumiwanag nanaman ang paligid. Pagka-alis ng dyosa ay humiga na sa kama si Charity habang nakatingin sa kawalan. Hindi pa rin niya makapaniwala na nangyari iyon sakanya. Ang alam niya lang sa ngayon ay this will be fun and it will be an adventure for her. Hindi na siya makapaghintay na pumasok pa sa iba pa niyang libro.

Dyrev's Wish (Completed)Where stories live. Discover now