Chapter 28

395 29 0
                                    

Dahil sa narinig niya mula kay Sheryl ay napangiti na lamang siya. Natauhan na si Charity tungkol sakanyang pamilya. Inalala niya ang mga magagandang nagawa ng Mama at Papa niya sakanya. Na-realize niya na kahit nagkamali man ang kanyang mga magulang ay magulang pa rin niya iyon after all.

"Maraming salamat po talaga at nakilala ko kayo. Dahil po sa inyo ay nagising ako sa katotohanan, tama po kayo. Hindi ko dapat sayangin ang oras ko habang nandito pa sila, mamahalin ko na po sila at aalagaan." sabi ni Charity kay Sheryl

"Maswerte ka at nandyan pa sila kaya ipakita mo sakanila kung gaano sila kahalaga sa iyo." sabi ni Sheryl kay Charity

Doon na napagpasyahan ni Charity na kailangan na niyang umuwi para makausap na niya ang kanyang Mama at Papa. Handa na niyang patawarin ang mga ito dahil napagtanto niya na tao rin naman sila, nagkakamali at pwede naman bigyan ng second chance.

Kahit gusto pa niya manatili sa bahay na iyon ay gusto na talaga niyang mayakap ang kanyang pamilya para mag-sorry sa mga ito. Kaya nagpaalam na siya kay Mang Edong at Sheryl. Humalik na din siya kay Pochoy dahil sa sobrang kacute-tan nito.

"Aalis ka na agad? Hindi ka pa nagtatagal ah. Sayang naman ang perang ibabayad mo kung hindi mo susulitin ang stay mo dito. Bakit ka ba aalis agad?" sabi ni Mang Edong kay Charity

"Sa totoo lang po ay kulang pa iyan sa mga natutunan ko dito sa loob. Salamat po at tinanggap niyo ako dito pero kailangan ko na po umalis ngayon." sabi ni Charity sabay bigay ng bayad kay Mang Edong

"Balitaan mo naman kami kung ano ang nangyari sa pamilya mo. Sana makabalik ka dito, magiging masaya kaming lahat kung maging maayos kayo." sabi ni Sheryl sabay ngiti kay Charity

Dahil alam ni Charity na hindi na siya makakabalik pa sa loob ng librong iyon ay lumapit siya kay Sheryl at niyakap ito habang naluluha pa. Kahit hindi niya sabihin ay puno ang pasasalamat niya dito dahil kinausap siya ni Sheryl para maging maayos ang lahat.

"Sige po, magkekwento po ako pagbalik ko. See you soon po, alis na po ako." sabi ni Charity sabay alis na sa loob ng bahay

Paglabas niya ay nagpapaalam pa rin niya sakanya ang lahat. Nakita naman niya si Estella, ibigsabihin ay tapos na ang kanyang misyon kaya kailangan na niyang bumalik sa realidad. Excited na siya bumalik doon.

"Masaya ako at natutunan mo na patawarin ang Mama at Papa mo. Sabi ko naman sa iyo, mahal na mahal ka ng mga iyon kahit na may hindi sila sinabi sa iyo. Isipin mo na lang na ginawa lang nila iyon para protektahan ka." sabi ni Estella kay Charity

"Maraming salamat sa iyo dahil dinala mo ako sa ganitong mundo. Simula nung una hanggang ngayon, ang dami ko natututunan sa mga napasukan ko na na kwento." sabi ni Charity kay Estella

"Sabi ko naman sa iyo na una pa lang ay para sayo na ang potion. Nakatakda talaga na ikaw ang uminom niyan. Wala nang iba pa." sagot naman ni Estella sabay ngiti kay Charity

Ilang minuto pa ay bumalik na si Charity sa realidad, nadatnan niya na nakain na ang pamilya ni Syn. Nakalimutan niya na dito nga pala siya naglalagi ngayon, paano kaya niya lulusutan ito? Paano kung magtanong si Syn kung saan siya galing?

"Kanina pa kita hinahanap, saan ka ba galing? Hinanap na kita sa buong bahay ay hindi naman kita nakita. Kumain ka na, sumabay ka na sa amin." sabi ni Syn kay Charity

"Ah, nacurious kasi ako sa lugar ninyo kaya naglakad-lakad muna ako. Alam mo naman na ibang-iba ang lugar ninyo sa amin." sabi ni Charity at pangiti-ngiti pa

"Naku, huwag mo na gagawin iyon ha? Delikado dito sa amin, baka mapaano ka pa habang naglalakad. Alam kong nahiwagaan ka lang kaya mo nagawa iyon. Please, huwag mo na uulitin." sabi ni Syn kay Charity

"Uuwi na din naman ako eh, kakain muna ako tapos uuwi na ako sa amin. Syn, salamat sa pagpapatuloy mo sa akin dito ha?" sabi ni Charity kay Syn

"Buti naman at nagising ka na sa katotohanan, ramdam ko naman na mahal na mahal ka ng Mama mo eh. Nag-aalala na ngayon iyon sa iyo, kaya umuwi ka na nga." sabi ni Syn kay Charity

"Pwede mo ba akong samahan pauwi? Alam kong may pasok ka pero sana kahit saglit lang ay samahan mo ako pauwi. Sabi mo pati, delikado dito." sabi ni Charity kay Syn

"Aba, dapat may bayad na si Syn dyan sa pinapagawa mo sakanya. Kahapon mo pa siya iniistorbo eh. Mayaman ka naman hindi ba? Bayaran mo ang pamangkin ko dahil nakakain na ang oras niya dahil sa iyo." sabat naman ng tiyahin ni Syn kay Charity

"Oh sige po, babayaran ko siya ng kahit na magkano para lang makauwi po ako sa amin. Gusto ko na po makausap ang Mama ko, gusto ko na po siya mayakap." sabi ni Charity sa tiyahin ni Syn

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay kumain muna sina Syn at Charity. Inis na inis naman ang tiyahin ni Syn dahil hindi nagpabayad ang pamangkin kay Charity, pera na sana pero naging bato pa.

"Huwag niyo naman po pagkaperahan ang kaibigan ko. Siya na lang po ang meron ako at ayaw ko na mawala pa siya sa akin dahil lang sa inyo. Pasensya na po pero hindi niyo magagalaw ang kaibigan ko." sabi ni Syn kay Charity

"Ewan ko sa iyo, pera na nga para sa atin iyon eh. Ginawa mo pang bato. Wala ka talagang kwentang pamangkin! Bahala ka na nga dyan." sabi ng tiyahin ni Syn at pumasok na ito sa loob ng bahay nila

Hindi na pinansin iyon ni Syn, sa halip ay umalis na sila para ihatid si Charity sakanila. NAgpasya na din kasi si Charity na hindi siya papasok ngayong araw. Gusto lang niya makasama at makita ang kanyang ina. Mag-sorry dito at magpasalamat sa pag-aalaga sakanya kahit na nalaman niyang hindi niya tunay na ama ang kanyang Papa.

Pagkaraan ng kalahating oras ay nakarating na si Charity sa bahay nila. Excited siya na may halong kaba. Kamusta na nga kaya ang pamilya niya simula nung nawala siya? Magagalit nanaman kaya ang Papa niya dahil sa pag-alis niyang ito?

Dyrev's Wish (Completed)Where stories live. Discover now