Chapter 25

417 32 0
                                    

Dahil may ipon naman si Charity dahil sa mga baon niya ay nakasakay siya sa taxi. Dahil alam naman niya ang papunta sa school niya ay doon siya nagpababa sa driver. Dahil mukhang nababahala si Charity ay kinausap siya ng driver.

"Neng, ayos ka lang ba dyan? Kanina ka pa parang may problema. Sigurado ka ba na dito kita ibababa? Walang masyadong tao dyan sa eskwelahan. Baka mapaano ka pa." sabi nung driver kay Charity

"Ah, wala po ito. Hayaan niyo na po ako, kaya ko na ito. Salamat po sa paghatid niyo sa akin dito ha? Pagpalain sana kayo ng Diyos sa byahe niyo. Bye na po." sagot ni Charity sa driver sabay abot ng bayad niya

Hindi na nagsalita pa ang taxi driver. Umalis na ito pagkabayad ni Charity. Pagbaba niya ay agad niyang tinext si Syn na nasa may school siya. Napagkasunduan naman ng dalawa na doon na magkita sa school.

Pagkatapos ng kalahating oras na paghihintay ni Charity kay Syn sa harapan ng school, sa wakas ay nakadating na ito. Takang-taka na lumapit ito kay Charity dahil alam niya na masaya pa ito kanina pero ngayon ay nag-iba na.

"Anong nangyari sayo? Bakit parang nabagsakan ka naman ng langit at lupa? May problema ka ba, Charity? Pwede mo naman sabihin sa akin." sabi ni Syn kay Charity

"Pwede ba tayong pumunta sa ice cream parlor? Para kumalma ako kahit konti. Please?" sabi ni Charity kay Syn

Agad namang iyon ang ginawa ni  Syn, pumunta sila sa ice cream parlor para magpakalma. Kahit papaano ay napangiti noon si Charity.

Sa pagkakataong iyon, doon na sinabi ni Charity ang lahat ng nalaman niya tungkol sakanyang pagkatao. Masakit man pero sinabi na niya kay Syn ang totoo, na hindi siya tunay na anak ng Papa niya.

"Eh saan ka na pupunta ngayon? Wala ka namang sapat na pera. Kung umuwi ka na lang kaya sa inyo?" sabi ni Syn kay Charity

"Uuwi ako doon pero hindi pa ngayon. Gusto ko muna mapag-isa para makapag-isip. Syn, pwede ba ako sa inyo kahit ilang araw lang?" sabi naman ni Charity kay Syn

Nagulat si Syn sa tanong ni Charity. Noong una ay hindi ito napayag sa plano ng dalaga pero hindi nagtagal ay pumayag na rin ito dahil sa awa.

Pumunta na sila sa bahay nina Syn, gulat na gulat naman ang pamilya nito kung bakit may kasama si Syn sa bahay nila.

"Sinabi ko na sayo ah, hindi ito katulad ng bahay ninyo kaya huwag ka umasa dito. Saglit lang ito, Charity ha?" sabi ni Syn

"Oo, uuwi din ako. Promise ko iyan, salamat sa pagpapatuloy sa akin dito ah? Alam ko na pwede silang magalit sayo pero pumayag ka pa rin." sabi ni Charity kay Syn

"Ano iyan ha? Sino naman iyang kasama mo? Syn, dagdag palamunin iyan kung siya ay titira dito." sabi ng tiyahin ni Syn

"Huwag kayo mag-alala, wala kayong gagastusin sakanya dahil may pera naman siya. Isa pa, ilang araw lang naman siya dito." sabi ni Syn sa tiyahin niya

"Oo nga po, wala kayong dapat na isipin sakin kasi po may ipon naman po ako at ilang araw lang naman po ako dito sa inyo maninirahan." sabi ni Charity sa tiyahin ni Syn

"Siguraduhin niyo lang, kapag ganitong wala akong pera eh baka ipa-kidnap for ransom ko iyang kaibigan mo. Kutis mayaman eh, para ding walang alam sa buhay." sabi nung tiyahin ni Syn

Pagkatapos ng usapan na iyon ay pinapunta na ni Syn si Charity sakanyang kwarto para makapagpahinga muna siya.

Pagpasok ni Syn at Charity doon sa kwarto ay manghang-mangha ang dalaga sa dami ng book of potions na nakapaligid. Gusto man niya itong tingnan lahat ay hindi niya magawa dahil na rin sa pagod.

"Alam mo, natatakot ako sa tita mo. Bakit ganun siya magsalita? Ipapa-kidnap for ransom pa daw ako." sabi ni Charity kay Syn

"Huwag na huwag mong papansinin iyon. Nakainom lang iyon kaya niya nasabi pero oras na galawin ka nila, ako ang makakalaban nila." matapang na sagot ni Syn kay Charity

"Hindi ka talaga natatakot sakanila ano? Sanay ka na sa mga sinasabi nila sa iyo." sabi ni Charity kay Syn

"Sinabi mo pa, manhid na ako pagdating sakanila. Wala na nga akong rason para umuwi dito eh, wala lang akong ibang titirhan kaya no choice ako." sabi ni Syn kay Charity

Pagkatapos noon ay pinatulog muna ni Syn ang kanyang kaibigan at ginising na lang niya ito pagdating ng gabi.

"Charity, kakain na tayo. Nakain ka ba ng isda? Iyon kasi ang ulam eh. Ayos lang ba sayo?" sabi ni Syn kay Charity

"Hindi ako nakain noon eh, ayaw ko kasi matinik. Pwede bang ibili mo na lang ako ng kahit fried chicken na lang sa McDonald's?" sabi ni Charity kay Syn

No choice si Syn, bumili siya ng fried chicken para sakanilang dalawa dahil iyon ang utos ni Charity sakanya.

"Pasalamat ka talaga dahil mahal kita. Salamat na din at nilibre mo ako ng pagkain, di ko na kailangan na makisalo pa sakanila." sabi ni Syn kay Charity

"Wala iyon, kung gusto mo nga eh hanggang nandito ako sa bahay niyo eh ilibre kita. Salamat talaga sa pagkupkop sa akin ah? Walang katapusang pagsasalamat iyon." sabi ni Charity kay Syn

"Ano ka ba? Wala iyon. Alam mo namang ikaw lang ang kaibigan ko kaya tutulungan kita lagi."sagot ni Syn sabay ngiti kay Charity

Pagkatapos nila kumain ng hapunan sa loob ng kwarto ni Syn ay napagpasyahan na nilang matulog. Isa pa, wala namang TV sa loob ng kwartong iyon. Kahit nga wifi, wal eh.

"Goodnight Charity. Matulog na tayo at may pasok pa tayo bukas. Pasensya ka na ha, walang TV sa kwarto ko eh." sabi ni Syn kay Charity

"Ano ka ba? Wala iyon. Pagod din naman ako kaya makakatulog din ako ng maaga. Goodnight, Syn. Salamat at pinatuloy mo ako sa inyo." sagot ni Charity sabay pikit

Ang tanong, pumasok pa kaya si Charity ngayong alam na niya ang lahat?


Dyrev's Wish (Completed)Where stories live. Discover now