Chapter 12

579 41 0
                                    

Paggising ni Charity ay nakahanda na ang gamit niya pampasok sa eskwela. Lagi namang ganoon ang umaga niya, kung pwede nga lang magreklamo ay ginawa na niya pero hindi eh. Sanay na siya na ganoon, lagi niyang kasabay ang kanyang mga magulang sa pagkain dahil bantay sarado ang mga galaw niya.

"Oh anak, buti gising ka na. Pinag-uusapan namin ng Papa mo ang debut ni Alyson. Hindi ba bukas na iyon? May susuotin ka na ba anak?" tanong ng Mama ni Charity sakanya

Hindi muna sumagot si Charity, bagkus ay umupo muna siya at nag-isip kung paano sasabihin sa mga magulang niya na hindi sila okay ni Alyson sa ngayon. alam niya kasing malaking gulo ito kapag nagkataon.

Katrabaho kasi ng Papa ni Charity ang mga magulang ni Alyson kaya mahalaga na dumalo sila dito. Ito rin ang naging daan para magkaibigan sila noong bata pa sila, kaya ngayong hindi sila maayos ay hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga magulang niya.

"May masakit ba sa iyo anak? Pwede mo naman sabihin sa amin, hindi mo ba kayang pumasok ngayong araw? Bakit ganyan ang itsura mo, parang hindi ka mapalagay?' sabi ng Mama ni Charity sakanya

"Ah, hindi naman po sa ganoon Mama. Eh ano po kasi, hindi kami ayos ni Alyson ngayon kaya hindi ko po alam kung makakasama ako sa debut niya. Baka kasi mag-away lang kami kapag nakita niya ako." sabi ni Charity sakanyang Mama

"Ah, anong nangyari sa inyo ni Alyson? Hindi ba pwedeng ipagpaliban muna iyan kasi birthday naman niya anak? Patawarin niyo na muna ang isa't isa, kahit regalo mo na lang sakanya." sabi ng Mama ni Charity pagkatapos ay ngumiti sakanyang anak

"Hindi ko po alam Mama, natatakot po ako na makita siya kasi alam ko po na galit na galit siya sa akin nung huli naming pagkikita."sabi naman ni Charity sa Mama niya

"Ano ba kasi ang ginawa mo? Baka naman ikaw ang may kasalanan kaya kayo nag-away. Ayusin mo iyan at katrabaho ko ang mga magulang noon. Mahiya ka naman sakanila dahil birthday ng anak nila, kailangan nandoon ka bukas,' sabi ng Papa ni Charity sakanya

Masakit marinig mismo sa magulang na mas kinakampihan pa ang iba kaysa sa sarili nilang anak. Si Charity na nga ang naapi at nasaktan pero siya pa rin ang pinagsosorry ng kanyang Papa dahil lang ayaw lang nitong madungisan ang pagkakaibigan nila ng magulang ni Alyson. Ang saklap naman noon hindi ba?

"Wala po akong ginawa Papa, siya pa nga po ang may ginawa sa akin. She bullied me in front of all people." sabi ni Charity sakanyang Papa

"Ano ka ba, Ernesto? Hindi ka ba nag-isiip? Anak na nga natin ang inapi ni Alyson eh iyon pa ang inisip mo? Anak, dalhin mo ako sa school mo ngayon at kakausapin ko ang admin. Hindi pwede ito, kailangan kong makausap si Alyson." sabi ng Mama ni Charity sakanya

"Huwag na po Mama, okay na po iyon. Ako na po ang bahala, malaki na ako kaya kaya ko na po iyon. Salamat po sa pag-aalala, Mama." sagot naman ni Charity sa Mama niya

"No, kailangan ko silang makausap. Ibang usapin na ito. Teka, magbibihis lang ako pagkatapos ay aalis na tayo. Okay?" sabi ng Mama ni Charity

Wala na nagawa si Charity kundi sundin ang kanyang Mama. Pagkatapos kumain ay hinintay niya ito para sabay silang pumunta sa eskwelahan. Puno ng pagsisisi si Charity dahil nasabi niya pa sa mga magulang niya ang kanyang problema. Mas lalaki pa tuloy ito gawa nung ginawa niya.

Pagdating sa school ay agad na dumeretso ang Mama ni Charity sa admin office para kausapin ang dapat kausapin. Nakasalubong naman ni Charity si Syn na takang-taka kung bakit nandito ang Mama ni Charity sa loob ng school.

"Charity, bakit nandito ang Mama mo sa school? May alam na ba siya tungkol sa nangyaring bullying sa atin nung isang araw?" tanong ni Syn sakanya

"Oo eh, nagsisisi nga ako kung bakit ko pa nasabi sakanila iyon. Garde 12 na ako pero napunta pa rin ang parents ko dahil sa isang bagay na kaya ko naman i-handle. Hindi naman na ako bata para samahan pa niya rito eh." sabi ni Charity kay Syn

"Naku, maswerte ka nga kasi pinagtatanggol ka ng Mama mo dito sa school eh. Kung Mama ko iyan ay sigurado na ako na walang paki sa akin iyon. Ang sweet nga ng Mama mo sayo eh." sabi naman ni Syn kay Charity

"Alam ko naman iyon kaso malaki na ako eh, syempre nakakahiya na minsan. Hayaan mo na, wala naman na tayong magagawa. Nandito na si Mama eh, hindi ko na siya mapapauwi." sagot ni Charity sakanyang Mama

Umupo sila sa labas ng admin office at naghintay sa Mama ni Charity. Wala na siyang pakialam kung hindi siya makapasok sakanyang first subject. Ang mahalaga ngayon ay malaman niya kung ano ang pinag-usapan ng Mama niya at ng admin.

After thirty minutes ay lumabas na ang Mama ni Charity na may malaking ngiti sakanyang labi. Laking pagtataka ni Charity kung bakit todo ngiti ang Mama niya eh problema nga itong kinakaharap nila ngayon.

"Mama, ano pong sabi nung admin? Atsaka, bakit nakangiti po kayo ngayon? May dapat po ba akong malaman?" sunud-sunod na tanong ni Charity sakanyang Mama

"I'm just so proud of you anak, nakita ko sa CCTV video na may tinulungan kang classmate mo. Hindi ko akalain na magagawa mo iyon, hindi talaga ako nagkamali ng pagpapalaki sa iyo. Continue to help others anak, okay?" sagot naman ng Mama ni Charity sakanya

Hindi na napigilan pa ni Charity na mapangiti at mapaluha dahil sa narinig niya mula sakanyang Mama. Masaya siya na kahit ganoon ang Papa niya sakanya ay iba ang pagmamahal na pinapakita ng Mama niya sakanya. Sa huli ay may karamay pa rin siya sakanyang problema.

Ilang minuto pa ay pinakilala na niya si Syn sa kanyang Mama, sinabi niyang ito ang classmate na tinulungan niya sa CCTV video. Masaya naman ang Mama ni Charity na makilala ang taong tinulungan ng kanyang anak. Masaya siya dahil may bagong kaibigan ang kanyang anak, sa totoo lang kasi ay ayaw talaga ng Mama ni Charity sa ugali ni Alyson.

Dyrev's Wish (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora