Chapter 30

378 25 0
                                    

Pagbalik ni Charity sakanila ay nagliligpit na ang kanyang yaya ng pinagkainan ng kanyang Mama. Sa totoo lang ay ayaw naman talaga niya na makulong ang ama-amahan pero naiisip din niya na baka mas lalo pang lumala ito kapag hindi niya naisumbong sa mga pulis.

"Ate, nasaan na si Mama? Baka kung saan pumunta iyon, babantayan mo ha? Nag-aalala ako sakanya, baka kung ano na ang gawin niya dahil sa sobrang dami niyang iniisip." sabi ni Charity sakanyang yaya

"Huwag ka mag-alala, mas magiging okay na siya ngayon dahil nandito ka na. Nandoon siya sa kwarto niya, tulog yata. Saan ka ba nanggaling?" sagot naman ng yaya ni Charity

"Galing ako sa police station, pina-blotter ko si Papa. May nangyari ba dito ate nung wala ako? Pakwento naman sa akin oh." sabi ni Charity sakanyang yaya

"Tinuloy mo na talaga iyon? Baka naman magalit na ang Mama mo sa iyo niyan. Hindi ba mas lalaki ang gulo kung makulong ang Papa mo? Isa pa, mayaman siya kaya pwede niyang takasan ito." sabi ng yaya ni Charity sakanya

"Alam kong magagalit si Mama sa akin pero wala na akong pakialam ate, hindi na ako natatakot. Hindi ko hahayaan na manalo siya dito, may ibidensya naman ako eh." sabi ni Charity sakanyang yaya

"Oo nga, nakita ko na nag-aaway sila nung araw na nawala ka. Sinisisi ng Papa mo yung Mama mo hanggang sa nasaktan na niya ito tapos umalis na siya nung gabing iyon. Hindi na bumalik, hindi na din namin alam kung saan siya pumunta." sabi ng yaya ni Charity sakanya

"Tingnan mo, tapos pagtatakpan pa rin siya ni Mama? Hindi na tama eh. Ewan ko ba kay Mama kung bakit mahal na mahal pa rin niya iyon kahit sinasaktan na siya." sabi ng yaya ni Charity sakanya

"Hindi ka pa kasi naiinlove eh, mahal na mahal kasi ng Mama mo iyon kaya kayang-kaya niyang patawarin kahit ano pa ang ginawa sakanya. Patawarin mo na din kaya." sabi ng yaya ni Charity sakanya

"Ay, pati ba naman lovelife ko nasama pa? Sige na ate, icheck ko na si Mama sa taas. Salamat sa pag-aalaga sa amin ah. Sana ay huwag mo kaming iwan." sabi ni Charity sabay ngiti sa yaya niya

Pagtaas ni Charity sa kwarto ng Mama niya ay nakita niyang mahimbing na ang tulog nito. Hindi na niya ito ginising pa, sa halip ay kinumutan na lang niya ito. Aalis na sana siya pero nagising ang kanyang Mama.

"Andyan ka na pala, tinuloy mo ba ang pag-blotter sa tatay mo? Sana hindi na, lalo pang magagalit iyon sa akin eh." sabi ng Mama ni Charity

"Oo, Mama. Sorry kung tinuloy ko ha? Kailangan eh, hayaan mo na kasi siya, hindi na niya nakikita worth mo eh. Nasasaktan ka na dahil sakanya physically kaya hindi na ako papayag na magawa pa niya iyon ulit." sabi ni Charity sakanyang Mama

"Haynaku, wala na nga yata akong magagawa ngayon dyan. Sana ay matapos na nga ang lahat ng ito. Pagod na ako eh, ayaw ko na ng gulo." sabi ng Mama ni Charity sakanya

Hindi na nagsalita pa si Charity, sa halip ay lumapit ito sakanyang Mama pagkatapos ay niyakap niya. Alam niyang masakit ito para sakanila pero kailangan mangyari talaga. Ngumiti siya sa nanay niya pagkatapos ay pinunasan niya ang luha nito.

"Huwag ka na umiyak ah, nandito na ako eh. Hindi mo na kailangan ang mga ganoong tao sa buhay mo. Itapon mo na, tayo na lang dalawa simula ngayon. Okay lang naman iyon hindi ba? Mas okay nga eh. Mahal na mahal kita, Mama." sabi ni Charity sakanyang ina

"Alam ko naman kung ano ang gusto mong mangyari. Hindi na ako makikigulo pa. BAsta, dito ka lang sa tabi ko ay ayos na ako. Mahal na mahal kita, anak." sabi ng Mama ni Charity sakanya

Pagkatapos ng usapan na iyon ay tumayo si Charity para kumuha ng mainit na tubig at bmpo para punasan ang Mama niya. Napansin kasi niyang sobrang stressed na ito sa mga nangyayari sakanila.

"Anak, hindi mo naman kailangan gawin ito. Okay na ako, andyan ka na eh. Alam mo naman na ikaw ang gamot ko hindi ba? Ayaw ko na isipin mong hindi ko kaya, kakayanin ko ito para sa iyo." sabi ng Mama ni Charity sakanya

"Hindi na kita pababayaan Mama. Ako na ang bahala sayo, babawi ako sa kasalanan ko. Hayaan mo na ako, ang liit lang nitong ginagawa ko kumpara sa nagawa mo para sa akin. Okay? Relax ka lang dyan." sabi ni Charity sakanyang Mama

"Ano ka ba, anak? Wala kang kasalanan. Kasalanan ko naman kung bakit ka umalis eh. Hindi ko sinabi ang totoo sa iyo, kung nagsabi agad ako ng sikreto ko ay hindi mangyayari iyon sayo. Huwag mo sisihin ang sarili mo ah?" sabi ng Mama ni Chaity sakanya

"Hindi naman porket di mo sinabi ay nagsinungaling ka na sa akin eh. Hindi ko lang agad inintindi ang nararamdaman mo kaya ako umalis. Pasensya ka na sa akin Mama, hindi ka sana ganyan ngayon kung hindi ako naglayas nung isang araw." sabi naman ni Charity sakanyang Mama

"Hayaan mo na nga kung sino ang may kasalanan sa ating dalawa. Ang importante na lang sa akin ngayon ay nandito ka na sa tabi ko. Huwag ka na aalis kahit ano pa ang mangyari ha? Hindi ko na kakayanin, wala na ang Papa mo kaya hindi ko na alam ang gagawin ko kapag ikaw rin ay mawawala na rin. Buti nga bumalik ka na sa akin eh." sagot ng Mama ni Charity sakanya

"Oo Mama, hindi na ako mawawala ulit. Tulog ka na, paggising mo ay ipaghahanda ka namin ni ate ng pagkain para umayos ang pakiramdam mo. Pahinga ka mabuti ha? Kapag may kailangan ka ay tawagin mo lang ako o si ate. Nandito lang kami. Alis na ako ha? Doon lang ako sa baba." sabi ni Charity sabay halik sa noo ng kanyang Mama

Pagkatapos noon ay tumayo na siya at umalis na sa kwarto. Kalmado na siya ngayon na nakikita na niyang nakakangiti na ang kanyang ina. Pinangako niya sa sarili na kakayanin niya kahit na wala na ang Papa niya.

Dyrev's Wish (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα