Chapter 14

529 37 6
                                    

Ang Modernong Tarzan ay ang pangalawang libro na binili ni Charity sa koleksyon niya. Ang plot ng kwento ay tungkol sa isang lalaki na napadpad sa isla, siya ay galing sa makabagong mundo kaya may damit na siya sa kwento. Hindi na tulad noon na dahon lang ang pinandadamit ng mga nasa isla.

Voltaire ang pangalan ng bidang lalaki samantalang Jana naman ang babae. Sa eksena na ito ay hindi pa nakikita ni Voltaire ang babaeng bida kaya naman tutulungan siya ni Charity na mas maagang makita ang dalaga.

Tuwang-tuwa si Charity dahil ngayon lang siya nakapunta sa isla. Madalas kasi ay sa beach sila nagpupunta ng kanyang pamilya, maingay naman doon dahil madaming dayo na tao. Hindi katulad dito sa isla, sila lang tatlo ang tao kaya mahinahon ang paligid.

Isang bagay din na natuklasan ni Charity sa isla bukod sa tahimik ito ay ang linis ng paligid. Hindi katulad sa realidad na sari-sari na ang kalat sa kung saan-saan. Buti pa dito sa loob ng libro, maaliwalas tingnan ang lahat. Para bang wala kang magiging problema.

"Kung pwede lang na manatili ako sa loob ng librong ito ay gagawin ko. Alam kong magiging tahimik lang ang buhay ko dito, walang problema hindi katulad sa realidad puro pasakit na lang ang nandoon." sabi ni Charity sa sarili

ilang minuto pa ay kita na niya ang isang matangkad na lalaki na may malaking pangangatawan. Doon na siya kinilig, alam niyang si Votaire na iyon kahit malayo pa lang. Inayos niya ang sarili para kapag nakita na siya ni Voltaire ay magandahan siya dito.

"Where am I? The last time I checked, I'm having a party with my friends. Bakit they are all gone now? Saka sino ka? Hindi kita kilala." sabi ni Voltaire kay Charity

"Hindi ko din alam kung nasaan sila Voltaire, nagulat na lang ako na nandito na rin ako sa isla. Wala na bang ibang tao dito?" sagot naman ni Charity kay Voltaire

Dahil nasabi ni Charity ang pangalan ni Voltaire ay nagtaka ang binata. Hindi naman niya ito kilala at kahit na nakainom siya ay malinaw sakanya na hindi pa niya namemeet ang babaeng nasa harapan niya ngayon.

"Sino ka? Bakit mo ako kilala? Are you a stalker of mine or even worse, a rapist?!" pagmamaktol ni Voltaire kay Charity

Hindi tuloy alam ni Charity kung maiinis siya o matatawa kay Voltaire dahil sa kaka-over react nito sa mga bagay. Sa ganda niyang iyon ay mapapagkamalan pa siyang rapist?

"Huy, grabe ka naman sa akin ah. Sa mukha kong ito na sobrang ganda, sasabihin mo na may balak akong i-rape ka? Hindi ba dapat ako ang mag-over react ngayon dahil ako ang babae dito?!" sagot naman ni Charity kay Voltaire

"Malay ko ba, halos lahat kasi ng kaibigan kong babae ay ganoon sa akin eh. Nilalasing nila ako just to have me. Akala ko isa ka din sakanila, pero hindi kita kilala ah. Paano mo ako nakilala?" sagot ni Voltaire kay Charity

Naalala nga pala ni Charity na isa sa mga pinakahot sa magbabarkada si Voltaire kaya naman minsan ay pinaglalaruan na siya ng iba't ibang mga babae dahil gusto nila itong makuha at maging boyfriend nila. Party goer kasi si Voltaire kaya kung sinu-sino na rin ang natikman niya.

"Ah, ako? Kaibigan ako ni Carla. You know her hindi ba? Dinala niya ako sa party mo pagkatapos ay napunta na rin ako dito sa hindi ko alam na dahilan." pagsisinungaling ni Charity kay Voltaire

"Ah ganon ba? Ugh, I hate this place. Sino naman ang magre-rescue sa atin dito? Hindi naman pwedeng ma-stuck tayo ng matagal dito kasi I have of work to do! Do you have your cellphone ba?" sabi ni Voltaire kay Charity

"No, my cellphone is not with me. I'm sorry. Hayaan mo, makakaalis din tayo dito." sabi ni Charity kay Voltaire

"How are you sure na everything will be okay? Halos wala ngang wifi yata dito. Walang katao-tao, oh my goodness! You kidnapped me ano?!" sabi ni Voltaire kay Charity

"Oh no. Hindi ko gagawin iyon! Hello, parehas tayong nasa isla ngayon kaya please? Huwag mo munang isiipin na gagahasin kita kasi frankly, hindi kita type! Oo gwapo ka, pero hindi kita gusto." sabi ni Charity kay Voltaire

Lumapit si Voltaire kay Charity na halos magkalapit na ang mukha nila kaya naman hindi naiwasan ni Charity na hindi kiligin dahil sa binata. Kilalang pilyo si Voltaire at halos lahat ng babae na matipuhan niya ay napapasakanya.

"Ah ganoon ba? Hindi mo ako tipo ha pero halos matunaw ka na ngayong magkalapit na ang ating mukha." sabi ni Voltaire kay Charity na may pang-asar na mukha

Dahil doon ay agad nilayo ni Charity ang kanyang mukha at agad na inayos ang sarili. Hindi siya pwedeng mapahiya ngayon kay Voltaire dahil iba siya kapag kinikilig siya. Namumula ang kanyang mukha na parang kamatis.

"Haynaku, maghanap na nga lang tayo ng makakain dito sa isla. Alam kong gutom ka na kasi naririnig ko na ang ingay ng tyan mo." pang-aasar ni Charity kay Voltaire

"Uy, hindi kaya! Okay pa ako ano. Baka ikaw ang gutom na dyan, ikaw na nagyayang kumain eh. Tara doon sa malayo, baka may makita tayong prutas o kahit na anong makakain natin." sabi ni Voltaire kay Charity

"Saang malayo? Ayaw ko nga, baka kung ano din ang gawin mo sa akin. Baka ikaw ang may gusto na i-rape ako eh." sabi ni Voltaire ka Charity

"Excuse me?! Tulad mo, hindi rin naman kita type! Huwag kang feeling ha? Mukha kang manang na hindi maintindihan eh. " sagot naman ni Voltaire kay Charity

Dahil sa sinabi ni Voltaire na iyon ay bahagyang nagtampo si Charity kaya tumakbo siya ng mabilis sa parte ng isla kung saan marami ang puno. Dahil takot si Voltaire na mag-isa sa isla ay wala na siyang nagawa kundi sundan ang dalaga.

"Wait! Don't leave me alone here. Hindi ko naman alam kung paano makakaalis dito. Hey! Wala akong makakausap kapag iniwan mo ako! I hate it, bakit pa kasi nandito ako sa isla? Sino ba kasi ang nagpapunta sa akin dito? Hell, I can't remember a thing!" sigaw ni Voltaire kay Charity

Saan na kaya mapupunta ang dalawa?

Dyrev's Wish (Completed)Where stories live. Discover now