Chapter 72 - Sealed With a Kiss

Beginne am Anfang
                                    

"Pero huwag kang mag-alala Diana. Kami nang bahala ni Charlotte. Pati pala si Ina. Hindi namin hahayaang mangyari 'yun. We're gonna make sure na ikaw ang maging prom queen."

"Pero ayokong maging prom queen." Hindi na pinansin nang dalawa  ang sinabi niya, nagbingi-bingihan ang mga 'to.

"Huwag ka nang mag-abala Diana." Naiiyak na nilingon niya si Ina.

"Hindi makikinig ang dalawang 'yan. Masyado na silang excited para baguhin pa ang isip nila. Sasakit lang ulo mo."

"Pero Ina..."

"Alam mo namang may katok ang dalawang 'yan."

"Narinig namin 'yun Ina ah. Anong katok sinasabi mo dyan? Hindi mo na nga kami tinutulungan..." umarte pang naluluha si Charlotte. Tinirikan lang siya ng kilay ni Ina.

"Oo na.  Tumigil ka na sa pagdadrama mo. Kung hindi kayo lang dalawa ni Nica ang mamimigay nang flyers." Nagliwanag na ang mukha ni Charlotte sabay appear kay Nica. Napabuntunghininga na lang si Diana. Kapag nagkaisa na talaga ang tatlo ay wala na siyang laban pa.

“I'll have your dress delivered a day before your prom." Anunsiyo nang couture matapos naming makapagpalit.

"Okay Tita. Thanks. We really owe you one" sabi ni Nica matapos iabot ang damit.

"So? Alis na ba tayo? Mukhang kanina pa naghihintay ang prince charming ni Diana.” Inginuso pa ni Charlotte si James na mukhang naiinip na nga sa kakaupo. Tinitigan ni Diana nang masama ang dalawa na nanunukso na naman ang mga ngiti.

Pinuntahan na nga nang apat si James. Hindi man lang ito nag-abalang itago ang pagkainip. Nang tuluyan nang makalapit si Diana ay biglang lumiwanag ang mukha nito. Hindi naman ito nakangiti pero pakiramdam ni Diana ay tumigil sandali ang tibok nang puso niya. Biglang nawala ang inis niya kina Charlotte at Nica.

“Tapos na kayo?” Tanong ni James na kay Diana lang nakatingin. Tumango lang din si Diana bilang sagot.

“So let’s go.”

“Saan?”

“Kahit saan.” Hindi nakatakas sa pandinig ni Diana ang impit na pagtili ni Charlotte at Nica. Sinusundot-sundot pa siya nang dalawa. Pinigilan niya ang sarili na lingunin ang mga ito dahil baka sa halip na pandilatan niya ay hindi niya mapigilang mangiti. Tiyak na balde-baldeng panunukso na naman ang aabutin niya.

Nagpaalam na si Diana sa mga kaibigan. Ang lalapad nang ngiti nang tatlo. Wala man silang sinasabi ay naintindihan naman ni Diana ang ibig sabihin nang mga ngiti nila. Kahit nang nakasakay na sila sa kotse ni James ay nakatatak pa rin  sa isip niya ang nanunuksong ngiti nang mga kaibigan.

"Tangs" tawag ni James kay Diana. Wala naman sa sariling nilingon siya nito. Napasimangot si Diana. Dahil natusok ang mukha niya sa daliri James na napahalakhak nang malakas dahil sa reaksiyon niya.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlWo Geschichten leben. Entdecke jetzt