K A B A N A T A - 10

Magsimula sa umpisa
                                    

Huminga ako ng malalim saka sinamaan ng tingin yung lalaki.

"Ano?! Gusto mo itong kinakain ko? Nahihibang kana ba? Madaming nilaga diyan oh, bakit hindi yun ang kunin mo." uubo ubo kong sabi.

Pero di siya natinag, agad niyang kinuha yung mais ko saka kinagatan sa mismong may kagat ko na.

Pigilan niyo ako, ipapalamon ko sakanya yan ng buo.

"Ah, Verena. Ito nalang sayo oh." singit ni Jarrett habang inaabot yung mais niyang di pa nababawasan.

"Tsk, salamat nalang. Pero nawalan na ako ng gana." sabi ko saka tumayo at dumiretso sa kwarto ko.

Napasandal pa ako sa pinto saka huminga ng malalim.

Nakakailan kana hah!

Nagmadali akong nagbihis ng damit, hinanap ko yung bagong padala ni Kuya na sweatshirt pero wala sa aparador ko.

Nasaan na yun?

Nakasuot lang ako ng bra habang naghahanap ng damit.

Halos itaob ko na yung damitan ko, pero hindi parin nagpapakita yung hinahanap ko.

Tatawagin ko sana si Ina para magtanong sakanya nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito yung lalaki.

"Aaaahhhhh!!!" sigaw ko saka dali-daling dinampot ang uniporme ko na nakalatag na sa sahig.

"Bastos! Hindi kaba marunong kumatok hah?!" galit kong sabi habang siya ay tulala sa akin.

Biglang pumasok si Ina sa loob at nakita niya ng tuluyan ang nangyayari.

"Anak? Bakit ka na naman---"

"Ina! Yung lalaking yan oh! Bigla bigla nalang pumasok---" naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"Verena, for you information I have my name. You don't need to call me, l-lalake?" patanong niyang sabi.

Nakakainis!!! Walang may pake kung may pangalan ka, ang pinupunto ko dito bakit hindi ka marunong kumatok?!

Wala ba siyang kamay?! O baka nananadya naman itong lalaking toh.

"Naku, magbihis kana nga anak." dali daling lumapit sakin si Ina saka inabutan ako ng T-shirt.

"Ina, nasaan na yung padala ni Kuya Ea---" naputol ang sasabihin ko ng makita ko yung suot nung lalake.

Bakit suot niya yan? Hindi ko pa nga nabibinyagan eh!

"Ina, bakit suot suot ng lalakeng yan yung bagong damit ko?!" reklamo ko saka umupo sa kama habang nakatakip parin ang uniporme sa katawan ko.

"Anak, pinahiram ko muna yan. Nakakahiya naman kase kung magsuot siya ng maliliit mong bestida diba?" sabi ni Ina saka ngumisi.

Hala! Saan ka natuto niyan Ina?

Sumalubong ang kilay ko habang nakatingin dun sa lalaking nakatayo lang sa pinto ko.

"What? Why are you staring at me like that?!" inis niyang tanong saka tumalikod at tuluyang lumabas.

Aaahhh! Napupuno na ako sayo hah! Papalayasin na kita dito!

"Anak, magbihis kana nga diyan. Nakakahiya naman sa bisita naten." natatawang sabi ni Ina saka tuluyang tumalikod at lumabas sa kwarto ko.

d>0<b

Binato ko yung uniporme ko sa tubal, saka sinuot yung kulay pulang T-shirt na inabot sakin ni Ina.

Pinares ko dito yung maong short ko na padala din ni Kuya.

My Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon