Rain.Boys Chapter: 24

Magsimula sa umpisa
                                    

        "Ha-ha eh totoo naman kasi." ang sabi ni Russel, "tsaka mas okay pala na ganito, nakakapagbiruan tayo, mas okay ang pakiramdam ko." ang dagdag ni Russel at nilabas din niya ang notebook niya para mag-revise.

        "Oo naman, ikaw lang kasi itong seryoso masiyado sa buhay satin eh." ang sabi ko at nagngitian kami.

        "Alululu baka magka-in love-an na kayo niyang dalawa." ang biro ni Kris nang madinig ang usapan namin na kasalukuyang nagre-revise na din.

        "Ha-ha sira." ang sabay naming sabi ni Russel at natawa kami parehas.

        Ilang sandali pang lumipas ay isa-isa nang nagsisidatingan ang mga kaklase namin at sa kanilang pag-upo ay diretso kuha ng notebook at sabay buklat dito para mag-review maliban kay Chini na mas inuna ang pagkain.

        Sumapit na ang oras para sa History of Arts subject namin, at sakto sa din sa oras na yon ay pumasok si Sir Leo.

        "Good morning class!" ang bati ni Sir Leo nang makapasok na ito sa room at isinara ang pinto.

        "Good morning Sir Leo." ang sabay sabay naming sabi habang naglalakad si Sir patungo sa table sa harapan.

        "Oh bakit mukang ang daming notebook ang nakalabas? Anong meron?" ang tanong ni Sir Leo ng mapansin niya ang mga notebook, ano Sir may amnesia ka nakalimutan mo long quiz natin.

        "Sir, sabi niyo po last meeting natin may bonggang bongga na long quiz tayo po ngayon." ang sagot ni Francis.

        "Meron ba?" ang sabi ni Sir Leo at ngumiti samin.

        "Opo Sir sabi niyo po, pero okay lang if ayaw niyo na kami bigyan ng quiz mas bongga yun." ang sabi naman ni Clarence.

        "Ha-ha biro lang class, oo tanda ko na may long quiz tayo ngayon but hindi ko na itutuloy." ang sabi ni Sir Leo.

        "Ay bongga yan Sir, kaya love na love ka namin eh." ang sabi ni Francis ulit.

        "Ha-ha salamat Francis." ang natatawang sabi ni Sir Leo, "Hindi na tayo magku-quiz ngayon dahil sa darating na July 25, Huwebes, ay magpupunta tayo sa isang Art Exhibit, sa Exhibit na yon ay makakakit kayo ng iba't ibang sining na gawa ng iba't ibang tao, some of them are original arts and some of the arts there are replicas but still look like originals." ang dagdag na sabi ni Sir Leo na nagpa-excite sa aming lahat, gagala ang klase namin sa Huwebes, wait! Teka lang, 25??? Monthsary namin ni Arwin yon may nakaplano kaming date non.

        "Sir excuse po, I have a question." ang sabi ko sabay tayo.        

        "Yes Mr. David, what's your question?" ang sabi sa akin ni Sir Leo.

        "Hanggang anong oras po ba tayo sa Huwebes at pwede po bang hindi sumama?" ang tanong ko at lahat napatingin sa akin lalo na sila Francis nang madinig nila ang mga salitang 'hindi sumama'.

        "Ah nice question Mr. Luke, maghapon tayo sa Huwebes kaya magpaalam na kayo sa mga magulang niyo but don't worry we will give you waivers na ipapakita niyo sa kanila that will assure your safety while we are on our trip, sadly to say Mr. Luke, kailangan na sumama ang lahat dahil ayon ang magsisilbing long quiz niyo sa akin, half of your exam for the coming midterm will be given as bonus as well, at tsaka you don't have to worry about waking up early by the next morning dahil napag-usapan na ng faculty and board members of the school na wala kayong magiging klase kinabukasan." ang mahabang paliwanag ni Sir Leo, na naging dahilan ng pagbubunyi ng mga kaklase ko dahil nadinig nila na walang pasok kinabukasan after ng trip, pero ako hindi kasi pano naman ang date namin ni Arwin?

        "Salamat po sa pagsagot Sir." ang sabi ko at naupo na ako.

        "At siya nga pala, ang magiging homework niyo sa akin non ay each of you must pick at least twenty arts na makikita don sa exhibit at kuhanin niyo ang details about it and write a short information na makukuha niyo by researching, isa-submit ang homework niyo sa akin any time and any day next week iko-consider ko na din yan as your first project sa subject ko." ang dagdag ni Sir at nawala ang mga nagbubunying kaluluwa, oh ano kayo ngayon.

        Pagkatapos ng announcement na yon na bumulabog sa diwa naming lahat ay nag-lesson na lamang si Sir Leo para sa umaga na yon, nang matapos ang klase niya ay nagpaalam na ako kila Francis at agad na akong lumabas para makita si Arwin.

        "Oh bakit nakasimangot ka?" ang sabi ni Arwin nang makita niya na para akong naluging tindero noong lumabas ako ng room.

        "Wag mo sabihin zero ka sa long quiz niyo? Naku pepektusan kita." ang sabi ni Arwin sa akin.

        "Hindi ah, wala nga kaming quiz eh." ang sabi ko habang naglalakad na kami.

        "Oh eh bakit ganyan ang mukha mo?" ang tanong ni Arwin.

        "Eh kasi naman sa Huwebes, sa mismong monthsary natin may trip kami, pupunta kami sa isang exhibit, maghapon pa, hindi naman pwedeng hindi pumunta... paano na yung date natin." ang sabi ko.

        "Ay sus yun lang pala." ang sabi ni Arwin at huminto kami sa paglalakad at hinarap niya ako sa kanya at humawak sa balikat ko, "Alam mo Drip, ayos lang yun pwede naman natin ituloy yung date sa ibang araw, ang mahalaga ay ang studies mo wag mo hayaang mag-suffer ang studies mo para sa date natin, dahil ang date natin pwedeng pwede natin gawin anytime, okay?" ang sabi ni Arwin.

        "Pero..." ang sabi ko ng bigla akong halikan ni Arwin ng mabilis para pigilan ako magsalita.

        "Walang pero, pero, naiintindihan ko ang sitwasyon Drip we both didn't expect this kaya tayo dapat ang mag-adjust okay, kaya stop worrying at wag mo na isipin yun okay ba? Kaya smile na." ang sabi niya.

        "Hay sige na nga." ang sabi ko at ngumit na ako sa kanya.

        "Ayan mas okay yan, ano tara kain na tayo." ang sabi ni Arwin at sabay akbay sa akin at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

        How lucky am I to have Arwin, siguro kung ibang tao tong mokong na to baka madismaya din siya pag nalaman na magkakaaberya sa plano pero hindi he was so different, inunawa niya yung sitwasyon, inunawa niya yung side ko, Arwin kaw na talaga, kaw na ang magaling magpa-in love.

        

        

Rain.BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon