K A B A N A T A - 08

Start from the beginning
                                    

"Ah, k-kakain naman po ako dito. Bakit po?" takang tanong ko.

"Wala naman. Naitanong ko lang, para mahandaan kita ng pagkain."

"Ayos na po ako, intindihin niyo muna yung lantang gulay na nakabulagta sa higaan ko at baka mas lalong lumala iyan. Kapag lumala lalo yan, baka mangisay siya at magpatawag pa tayo ng ambulansya, kaso wala tayong load sa cellphone pantawag kaya baka mamatay na siya diyan. At kapag namatay siya diyan," dire-diretso kong sabi saka huminga ng malalim. "WALA TAYONG PAMBAYAD NG PUNERARYA! WALA PANG PADALA SI KUYA!" tarantang sabi ko.

Nanlaki naman ang mga mata ni Ina at Ama, maya maya lang humagalpak na ng tawa si Ama.

May m-mali ba sa sinabi ko?

Hinawakan niya yung balikat ko at tatawa-tawang tumingin saken.

"Anak, huwag ka masyadong praning diyan. Wag ka na nga matulog ng maaga! Baka sobra kana sa tulog kaya ganyan kana mag isip." natatawang sabi ni Ama.

Napanguso naman ako saka nagmartsa palabas ng kwarto at nagtungo sa banyo para makaligo na.

Nakakainis! Bakit parang minamalas yata ako ngayon!

Dinalian ko na ang pagligo, at sa kasamaang palad, nakalimutan ko pang dalhin ang tuwalya ko!

Paano na ako ngayon?!

Wala akong magawa kundi ang sumigaw at tawagin si Ina.

"Ina! Pakikuha nga po ng tuwalya diyan sa tabi ng aparador ko! Nakalimutan ko po kasing dalhin eh!" sigaw ko pero di ako galit ah.

Naghintay ako ng ilang sandali pero walang sumagot sa sinabi ko.

Imposible namang di nila marinig yun, eh katabi lang naman ng banyo yung kwarto ko?

"Ina! Ang sabi ko po, pakikuha ng tuwalya ko diyan sa tabi ng aparador!" nauubusan na ako ng pasensya kakasigaw.

Nanunuyo na din ang katawan ko.

Magkakasakit pa yata ako nito.

Huminga ako ng malalim saka buong lakas akong sumigaw, kulang nalang magiba ang bahay namin.

"INAAA!!! PAKIKUHA NGA PO YUNG TUWALYA DIYAN SA TABI NG APARADOR KO!!! PARANG AWA NIYO NA, NANINIGAS NA AKO DITO SA LAMIG!!!" pagkasigaw ko, napaupo nalang ako sa inidoro at hinabol ang sarili kong paghinga.

Napapikit nalang ako sa inis, akmang isusuot ko na sana ang damit para yun nalang ang pansamantalang pantakip sa katawan ng biglang may nagsampay ng tuwalya sa pintuan ng banyo.

Sa wakas! Dumating na din ang inaasam ko.

"Mabuti naman at nadinig na ang panalangin ko." pabulong kong sabi saka tinapi ang tuwalya sa katawan ko.

Inayos ko muna yung madumi kong damit at nilagay iyon sa tubal.

Patalon talon pa akong nagtungo sa kwarto habang kumakanta ng kung ano ang pwedeng lumabas sa bunganga ko.

"La la la, le le le, li li li---AAHHHHH!" napatili ako ng wala sa oras.

Yung sigaw ko na pati buong baryo ay makakarinig at maaalarma sa boses ko.

"What the hell?! Bakit ka sumisigaw diyan?" inis na sabi saken nung lalaking nakahiga ngayon sa kama ko at wala paring suot pang itaas.

"Hoy lalake! Lumabas ka nga muna! Magbibihis pa ako!" sabi ko habang hinahawakan ng mahigpit yung tuwalyang nakapulupot sa katawan ko.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now