K A B A N A T A - 03

Start from the beginning
                                    

Ano ba Verena! Wag kang ganito!

Bigla nalang akong dinampian ni Stella ng palad niya sa noo ko.

"Wala ka namang sakit, bakit parang ang tamlay mo? Napagod kaba?" tanong niya.

Batid kong nag aalala siya saken ngayon.

Ngumiti naman ako ng pilit at tinanguan siya.

"Ayos lang talaga ako, siguro kulang lang ako sa tulog." sagot ko dahilan para tumawa siya.

Ano nakakatawa?

"Ikaw? Makukulangan sa tulog? Eh halos palubog palang ang araw tulog kana!" natatawang sabi niya.

Napanguso naman ako kasi hindi umubra ang pagpapalusot ko.

"Ewan ko ba! Parang ang tamlay ko lang ngayon." sagot ko.

"Baka naman may iniisip ka kaya ka nagkakaganyan." sabi niya habang hinihimas ang baba niya.

Paano niya nalaman? Manghuhula na ba ngayon itong kaibigan ko?

"Paano mo---"

"Verena, halata naman sayo na may iniisip ka. Tingin mo palang oh, masyado ng obvious?"

Ob---yus? Hah?

"Anong ibig sabihin ng obvious?" inosenteng tanong ko.

"Hala! Nasa Top List ng klase, di alam ang salitang obvious?" takang tanong niya.

Agad naman akong nag isip ng malalim.

Obyus, obvus, obdus----obvious?! Aha!

"Ahh, oo alam ko na. Pasensya na, wala lang ako sa sarili ko."

"Halata nga." sarkastikong sabi niya saka bumalik sa upuan niya.

Saktong dating naman ng professor namin sa History.

-----

JARRETT'S POV

Bakit ganun yung itsura ni Verena kanina? Anong nangyayari dun? Para siyang nawalan ng dugo, namumutla.

Nakakainis naman kasi yung tumulak saken kanina! Sumubsob tuloy ako kay Verena!

Pero isa lang ang masasabi ko, ang bango hehe.

d>_<b

Nasapo ko ang sariling kong noo dahil saking iniisip.

Ano ba Jarrett! Magtigil ka nga!

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain hanggang sa dumapo ang tingin ko kay Verena na ngayon ay nakaupo mag isa sa kabilang table, mukhang mag isa lang siya.

Ngumiti naman ako saka nilapitan siya dala dala ang pagkain ko.

Nanlalaki pa yung mata niya nung tinignan niya ako.

"Pwede makiupo?" tanong ko at tumango naman siya.

Kumain lang ako ng kumain pero ayun siya, nakatulala parin sa kung saan.

Uminom muna ako ng tubig bago nagsalita.

"Verena," tawag ko sakanya, agad naman siyang napatingin saken.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now