Kabanata XIII - Chapter 13

Start from the beginning
                                    


Mayroon akong ginto at pulang buhok, isa pa ang pulang mga mata. Kinakatakutan ako dahil akala nila, halimaw ako na kayang pumatay ng sinumang nanaisin kong patayin. Inilugay ko na ang ginintuan at pulang buhok ko at tinakluban ito ng balabal ng hoodie na nakasuot sa akin.


Naglagay na rin ako ng light makeup kahit hindi ito kita dahil sa maskara na aking inilalagay bawat pag-alis ko sa dorm.

Napabalikwas ako nang may kumatok sa pintuan ko. Nakalimutan kong ililipat na pala ako ng dorm sa Royalties. Hindi ko rin alam kung bakit ba sa Rare section nag-dodorm si Divina, eh 'di hamak na mas maganda ang kwarto ng mga Royalties.

Naglagay na ako ng headset sa'king tenga upang hindi makarinig ng bulong-bulungan. Ayoko na makarinig ng mga negatibong salita tungkol sa'kin kahit nakasanayan ko na.

Binuksan ko na ang aking pintuan nang bumungad sa akin ang nilalang na kinaiinisan ko.

Bakit ba siya nandito!?

Ang kanyang kulay-pulang mga mata at ang pula niyang buhok na mas lalong nagpaayos ng hugis at anggulo ng mukha nito.

"Goodmorning, Charlie..." tawag nito sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" malamig kong tanong.

"I just wanted to say sorry for what I did the other day. My apologies." malamig niyang saad at tuluyang nang umalis gamit ang teleportasyon.

"Ang bastos nu'n ah!" marahang sigaw ko.

'Di niya pa nga naririnig 'yung sasabihin ko! Nakakainis talaga siya!

Anong akala niya!? Papatawarin ko siya nang gano'n gano'n nalang!?

Padabog akong lumabas at dumeretso na sa classroom ng Royalties section. Kahit pa naka-headset ako, rinig na rinig ko pa rin ang mga bulungan. Bawat estudyanteng nakakasalamuha at nadadaanan ko ay tinatarayan ako.

Hindi ko aasahan na ganito ang ugali ng mga nilalang dito

Nakita ko na ang sign na nasa classroom na ako ng mga Royalties dahil sa bagay na nakalagay sa kanilang pintuan. Pumasok ako nang walang pinapakitang emosyon, nakikita't nararamdaman ko ang kanilang mga titig at pagkagulat. Napansin kong kami na lamang ni Coldy ang hinihintay sa klase dahil dalawang upuan na lamang ang natitira na bakante sa likuran.

Nagulat na lamang ako nang nasa likod ko siya, kaya naman akala ng ibang Royalties ay magkasama kami ng mokong na 'to.

Wala akong nagawa kung hindi pumunta na sa pinakagilid na upuan na malapit sa bintana, gayon din ang kan'yang ginawa, umupo na rin siya sa tabi ng upuan ko.

Magkatabi pa talaga kami huh

Wala sa'min ang nag-iimikan, ngayon lang ako nakaramdam nito. Inaamin ko, literal na naiilang talaga ako dahil malapit kami sa isa't isa. Pero, ayos lang. Kahit pa hindi kami mag-imikan habang buhay, okay lang sa akin at maganda na rin 'yon.

Dumating naman ang professor namin. Napatigil naman sa pakikipag-daldalan ang mga Royalties.

"Goodmorning class. Narinig at nabalitaan ko na mayroon daw kayong bagong kaklase... Am I right, students?" ani professor sabay tingin sa'kin.

"Yes, ma'am." sagot ni Kimmy.

"Okay. Please introduce yourself, new student..." ma-awtoridad na usal ng professor kaya naman tumayo na ako.

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now