DK彡⇨ School Fair ⇦

Depuis le début
                                    

"Lee nakita mo ba si Red?" tanong niya sa chinito.

"Hindi."

"How about you Bryan?" tanong naman niya sa foreigner.

"Nope."

Ngumisi na binalingan ako ng tingin ni Xander.

"Wala siya, kaya pwede ka magtaksil."

"Kung pwede sana batukan ka, kanina ko pa ginawa." naiinis na sabi ko sakanya na tinawanan lang niya.

"Magbabayad na lang ako para makalaya na." sabi ko sabay kuha ng pera sa bag ko.

"Boom basag!" sabi ni Lee na nang-aasar pa na tumingin kay Xander.

Pagkakuha ng isang babae sa bayad ko ay pinalaya na nila ako.

"Tiffany naman!" sigaw ni Xander ng naglalakad na ako palayo. 'Bwisit talaga.'

"Tiffany!"

Nagulat pa ako ng biglang humarang si Xander sa dinadaanan ko. hinabol pa talaga ako ng mokong.

"Ano na naman?!" napipikon na tanong ko sakanya ngumiti lang siya sabay hawak sa isang kamay ko. hindi ko mapigilan makaramdam ng kuryente sa pagkadikit ng balat namin kaya natataranta na binawi ko ang kamay.

"Pwede ba!" paasik na wika ko.

"We have to talk Tiffany."

"Busy ako, hahanapin ko pa si Den-" natigil ako sa sasabihin ng may biglang apat na tao ang lumapit sa kinatatayuan namin ni Xander. tulad ko ay nagtataka rin siya.

"Sino kayo?" tanong ko sa tatlong lalaki at isang babae. seryosong-seryoso ang mga mukha nila.

Nagkatinginan ang apat na tao na iyon at walang paalam na kinuha ng babae ang isang kamay ko samantalang ganun din ang ginawa ng isang lalaki kay Xander. Naguguluhan kami ni Xander sa nangyayari.

Nanlaki ang mata ko ng bigla nila tinali ng isang pink ribbon ang kamay namin ni Xander.

"What is this?" tanong ni Xander ng matali na nila ang kamay namin.

Ngumiti iyong babae sa akin.

"It's a love birds ribbon."

"Ano?!" gulat na sabi ko. habang tumawa naman ng malakas si Xander.

Nagdududang tiningnan ko siya.

"May kinalaman ka ba dito?"

"Syempre wala, nagulat nga ako pero ok na rin ito." nakangisi na sabi niya sabay angat ng kamay namin na nakatali.

Tiningnan ko ang mga taong iyon.

"Hindi niyo kami pwede itali baka makita ito ni Denson kaya please-"

"I'm sorry Ma'am pero kailangan niyo muna maglakad sa buong campus bago namin gawin ang gusto niyo."

"Pero-"

"Wala kana magagawa Tiffany, mga Officer sila kaya wala kang kawala." sabad ni Xander na lalong nagpadagdag ng inis ko.

"Sa lahat ng tao na narito sayo pa talaga ako natali." asar na sabi ko.

"It's destiny Tiffany, alam mo bang kapag oras na maitali ang dalawang tao ng ribbon na ito sila ang magkakatuluyan?"

Nagtatanong na tumingin ako sa babae. nangingiti lang ang mga officer sa sinabi ni Xander.

"Wag mo ako pagtripan adik!" bulyaw ko sakanya at akmang mauuna na sa paglalakad pero pinigilan ako ng babae.

"Dapat sabay kayo sa paglalakad." sabi agad niya ng makita ang pagtataka sa mukha ko.

Dear KILLER [Completed]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant