Kabanata XI - Chapter 11

Start from the beginning
                                    

Tinatawag na si Zoe, hudyat na siya na ang susunod kaya naman pumunta na siya sa gitna, matalim naman niyang tiningnan si Silky at ngumisi pa rito na para bang nag-aasaran silang dalawa nito.

Madami namang nagsigawan at pumalakpak na mga nilalang.

“Infinity hertz sound.” seryoso niyang sambit. Napapikit ako nang maramdaman ang lakas ng inilabas na kapangyarihan ni Zoe. Nakakabingi ito at nakakasira ng ear drum kung tao ang makakarinig. Nakasira naman siya ng 2 barrier at natapos na ito.

“Congratulations, Princess Zoe! You broke 2 barriers and you've scored 134 points. You’re still in the Royalties section.” nakangiting ani ng Emcee at nagpalakpakan ang mga estudyante. 

Tinawag naman si Yannie, hudyat din na siya na ang susunod kaya naman pumunta na siya sa gitna. Ipinikit niya ang kanyang mga mata mata at idinilat ito. Nakita ko ang mapupula nitong mga mata. Itinaas niya ang kanyang kamay at lumabas doon ang isang malaking bilog na kulay-pula, marahil ito na ang hypo circle na sinasabi sa libro.

“Hypo circle!” sigaw niya at lalong lumaki ang bilog na nanggagaling sa kanyang mga kamay, itinapon niya ito at napabagsak ang tatlong mga barrier. Hindi kalaunan, natapos na siya sa simpleng spell ng kapangyarihan niya. Maraming estudyante ang bumilib sa kanya at humanga.

“Congratulations, Princess Yannie! You broke 3 barriers and you've scored 140 points. You’re still in the Royalties section.” ani ng Emcee na ikinangiti ni Yannie, marami pa ring naghihiyawan at nagpapalakpakan.

Sumunod naman ay si Ahri. Isa siyang healer kaya naman binigyan siya ng nilalang na may matinding malalalim na mga sugat sa katawan at kailangan niya itong gamutin sapagkat hindi niya magagamit ang kanyang kapangyarihan sa mga barrier sapagkat panggagamot lamang ang tangi niyang kapangyarihan.

Napagaling naman niya ang nilalalang na tinadtad ng malalalim na sugat sa katawan, nagpalakpakan naman ang mga estudyante.

“Congratulations, Princess Ahri! You've healed better than before and you have scored 137 points. You’re still in the Royalties section.” ani ng Emcee.

Tinawag naman ang pangalan ni Freya, hudyat na siya na ang susunod. Ipinikit niya rin ang kanyang mata, nang kanyang idilat ay naging itim ito lahat. Walang natirang puti. Nakakatakot siya tingnan pero hindi mawawala sa kanyang kapangyarihan at abilidad ang pagkaangas.

“Dark sharp spikes.” seryoso niyang sambit at tinusok naman ng kapangyarihan niya ang mga barriers, sa kabutihang palad ay nakapagpabagsak siya ng dalawang barrier.

“Darkness cavalry sword!” aniya pang muli at natusok nito ang pang-apat na barrier nang hindi ko inaasahan.

Susubukan niya pa sana ang pang-lima ngunit hindi niya ito nakayanan at sumuko na nang tuluyan.

“Congratulations, Princess Freya! You broke 4 out of 10 barriers and you've scored 146 points. You’re still in the Royalties section.” ani ng Emcee.

Sumunod namang tawagin si Divina, hudyat na siya na ang sunod. Tumalon siya papunta sa gitna at ngumisi. Pumikit siya at idinilat niya ang kanyang mga mata, lumiwanag ng asul at berde ang kan’yang mga mata. Paiba-iba ito ng kulay.

“Piercing ice.” tugon niya at mayroong bilog na matutulis na umiikot sa kanang kamay at naramdaman kong sobrang lakas no’n. Ibinato niya ito sa bawat barrier at nakatama ito ng limang barriers sa isang spell lamang na ikinagulat nang lahat. Natapos na siya kaagad at bumalik na sa kanyang pwesto.

“W-Wow! Unbelievable! Congratulations, Princess Divina! You broke 5 barriers and you've scored 148 points. You’re still in the Royalties section.” ani ng Emcee. Nagsipalakpakan ang lahat.

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now