"Sir, Director Dimalanta is waiting for your call.  His private line is open and you can call him anytime."

Tumango ako at sinenyasan kong umalis na si Bryan.  Pero nanatili siyang nandoon.

"Do you still need anything?" Naiirita na ako.  Gusto ko ng matapos ang mga report na nasa harap ko.

"Sir, she's calling again.  Since yesterday, labing limang beses na siyang kumukontak sa number 'nyo."

Napahinga ako ng malalim at binitiwan ko ang hawak kong ballpen.

"Where is the phone?"

Kinuha ni Bryan mula sa bulsa niya ang telepono at iniabot sa akin.

"Did you open this?  Did you read the messages?"

Ang bilis ng iling nito.  "Wala akong pinakielaman diyan, Sir."

Tumunog ang telepono ko at nakita kong si Dimalanta ang tumatawag sa akin.  Napangiwi ako at napailing.  He really doesn't know when to stop.

"Sige.  Tawagin na lang kita ulit."

Siniguro kong nakalabas na si Bryan ng sagutin ko ang tawag ng immediate superior ko.

"Sir." Tanging sabi ko ng sagutin ang tawag niya.

"What is the status of the report that I am asking?"

"They are both fine, Sir.  During my two month operation with them, wala namang kakaiba.  Your wife is still good.  Walang sakit.  Maayos ang trabaho niya as an insurance advisor." Sabi ko.  Binuklat ko ang folder na naglalaman ng reports.

"What about Andrea?  My Andie?  How is my daughter?"

Napalunok ako at tiningnan ko ang picture ng babaeng sinasabi niya.  Marahan kong hinaplos iyon.

"She is also good.  She is working as an assistant manager in a bank."

"Boyfriend?  May boyfriend na ba ang anak ko?"

Mahina akong napabuga ng hangin at hindi agad nakasagot aa tanong niya.

"Mason, na - check mo ba kung may boyfriend na ang anak ko?"

"Wala sir.  She goes out with some friends pero mas madalas, sa bahay lang siya."

Napahinga ng malalim si Jess Dimalanta.

"Nami - miss ba nila ako?"

"I think.  Lalo na ang anak 'nyo.  She is missing you terribly."

Narinig kong napasinghot siya sa kabilang linya.

"Sige.  I want the copy of your reports within the day." Iyon lang at binabaan na niya ako ng telepono.

Nakatingin lang ako sa litrato ng anak niya na nasa harap ko tapos ay sa telepono na bigay ni Bryan.  Nagulat pa ako ng biglang tumunog iyon. 

Andie calling...

Napapikit ako at napasandal sa upuan ko.  Pinabayaan ko lang na tumunog ang telepono.  Maya - maya lang ay text message naman.  Pero hindi ko rin binuksan.

Kahit gustong - gusto ko, I need to cut my ties with her. 

She was a just a job. 

A job that complicated so many things. 

A job that made me break all my principles.

She is just a job but I fucking fell in love with her.

The phone is ringing again.  She is calling me again.

I turned off the phone this time then I stood up and go to Bryan.

"Itago mo ito sa storage kasama ang mga reports na ito.  Another case is closed." Sabi ko sa kanya at tinalikuran ko.

Case closed.  And I need to move on for a new mission.

Kahit masakit, kailangan ko siyang kalimutan.  Kahit parang pinapatay ako habang tinitingnan ko siya sa pagtulog niya dahil iyon na ang huling gabing makakasama ko siya.

Because I left her for her own good.

If she knows the real me, I know she cannot accept what I did.  She will hate me.  Kaya mas mabuti na ang ganito.  Hindi naman si Mason ang nakilala niya.  Si Tim ang minahal niya.  The name that I used when I was staying with them.

Because as the head of Circuit Agency, wala kaming karapatan magkaroon ng normal na relasyon sa kahit na kaninong babae.  Kahit pa nga pinakamamahal namin ang mga iyon.

Alam na namin na tatanda kaming nag - iisa at kahit kailan ay hindi kami liligaya.

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableWhere stories live. Discover now