Kabanata IX - Chapter 9

Magsimula sa umpisa
                                    

Malaki ang galit ko sa lalaking 'yon dahil sa mga kaganapan at pinaggagagawa niya sa'kin kanina. Napayukom naman ang kamay ko nang maalala ko nanaman lahat ng sinabi at ginawa niya sa'kin. Nakasalubong ko siyang may dalawang nakakapit na babae sa braso niya. Hindi lang 'yon, nagkabanggaan pa kami ni Coldy na ikinaputok ng buchi ng mga kasama niya. 

Tss, lintik ng bait, napakaswerte ko talaga ngayong araw

Na-karma pa yata ako dahil sa pangliligaw ko kay Marky. Habang hindi kasi siya nakatingin sa'kin, naglaho ako para mag-teleport sa ibang lugar dahil hindi ko na makaya ang kaingayan niya. Nakakahiya pa dahil tinitingnan kami ng bawat estudyanteng nadadaanan namin.

Flashback:

Kasalukuyan akong naglalakad sa corridor papunta sa levelling room nang makita ko si Coldy na may kasamang mga babaeng makakapal ang kolorete sa mukha. Hindi ko sila pinansin pero hindi ko inaasahan na magkakabanggaan pa kami ni Coldy.

Fuck!

"Mag-ingat ka nga!" sadistang sigaw ng babaeng nasa gitna.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo, you freak! Nakakabangga ka kasi! Ang pangit mo na nga, ang tanga-tanga mo pa!" naiiritang sigaw sa'kin nung babaeng nasa kaliwa.

Shit, eskandalo nanaman 'to...

"Sorry." tanging nasambit ko na lang dahil ayoko ng away. Tinalikuran ko naman sila. Pero, marahas na hinila naman ng babaeng nasa gitna ang buhok ko.

Unti-onting tumigil ang mundo ko nang maramdaman ang malagkit na likidong natatapon sa ulo ko, binuhusan nila ako ng orange juice na iniinom nila.

"Iyan! 'Yan dapat ang napapala ng mga nilalang na stupido katulad mo!" galit na galit na sigaw ng babaeng nasa gitna.

Tiningnan lamang ako ng mga estudyante na may pandidiri at pagkadismaya sa kanilang mukha. 

"At ikaw, 'wag mo nga lalapitan si Coldy ha!? Lumayo-layo ka sa kanya, kung hindi, malalagot ka sa'kin!" mataray na usal nito.

Kahit kailan, hinding-hindi ko lalapitan ang lalaki na 'yan

Napatingin naman ako kay Coldy at hinihintay na ipagtangool ako o gumawa ng paraan man upang makatakas ako sa nakakahiyang pangyayari na 'to. Nahuli ko namang nakatitig lang ito sa akin na para bang sinusuri ang bawat galaw ko. Aalis na sana ako nang malakas ako nitong tinapunan rin ng juice na iniinom niya.

"I think you don't have your mother with you, that's why you're acting stupid like that." malamig na ani nito na nagpakirot sa kaloob-looban ng puso ko.

Naalala ko nanaman si Inang Tamara sa mga sinambit niya, pero mas masakit pa rin na sabihan ako ng gan'yan ng mga nilalang na hindi ko naman inaasahan na gagawin lalo pa't dinamay nila ang ina kong namayapa na, na walang kamalay-malay.

Napapikit naman ako habang nakayukom ang mga kamay ko. "So what I did was that wrong, Coldy? Did you have to go this far... Ha!? Putangina!" pagalit kong saad habang nangingilid ang mga luha ko.

Rinig na rinig ko naman ang mga negatibong bulungan ng mga estudyante. Hindi ko alam kung anong masamang ginawa ko sa kanila, hindi ko alam, wala akong ginagawa sa kanila. Basta't ang alam ko ay hinang-hina ako ngayon. Napakahirap kung ang kahinaan ko ay ang Inang Tamara ko na nag-aruga sa akin at ang pinakaunang tumanggap kung ano talaga ako. Madali akong panghinaan ng loob kapag siya na ang tinutukoy.

"Nagpapaawa nanaman siya!"

"Napakaarte! "

"As if Prince Coldy cares kahit umiyak pa siya d'yan!"

"Tsk. Ano iiyak ka na!?" halakhak na sigaw ng isang babae imbes na makipag-away, dali-dali akong naglakad papaalis sa kanila.

Pagbabayaran niyo 'to...

Umapoy naman ang paligid ko dahil sa sobrang galit. "Idamay niyo na lahat pati ang dignidad ko, pero hangga't nabubuhay ako, no one can disrespect my mother. She is my everything..."

Coldy's POV

I'm really insensitive as always!

"I just fucking hurt another girl again!" pasigaw kong bulong.

I'm don't know why I said such things to her na hindi naman dapat. Despite the fact that she did nothing to me. I'm a complete moron.

I went to Divina to ask her things about that interesting woman. Napayukom ang kamao ko nang makaramdam ako ng guilt for the first time bullying someone. I entered inside, napukaw ko naman ang atensyon ng iba dahil sa pagpasok ko. Si Divina ang una kong hinanap. When I saw her, pumunta agad ako sa kanya. Si Divina lang ang sa tingin kong makakasagot lahat ng confusion and questions ko dahil siya lang naman ang closest friend ng babaeng 'yon.

"Divina?" I called her.

"Oh?" she responded habang hindi ito tumitingin sa'kin dahil busy sa paglalagay ng makeup sa mukha niya.

"Did something happen to Charlie's mother in the past?" I asked, that made her eyebrows arched.

Bullshit, this is the first time I've ever been this nervous.

-
The Lost Princess. Chapter 9. Fantasy.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon