Kabanata IV - Chapter 4

Magsimula sa umpisa
                                    

Bakas ang mga takot na takot na mga itsura ng mga mga nilalang dito sa loob. Hindi ko rin sila masisisi sapagkat buhay rin ang kapalit rito kung mangyari mang mapuruhan ang isa na sanhi ng mga mababangis na hayop.

Pero para sa akin, wala naman silang dapat katakutan, tss.

Pumunta na kami sa opening ng gate at naglaho. Binuksan ko na ang aking mata nang may maramdaman na akong mga hayop na gutom na gutom sa lamang-loob namin. Pinagsisipa ko naman ang mga ito at kumuha ng dagger na nakadikit sa batok ko.

Dinaganan ko ang malaking lobo at pinagsasaksak sa likod hanggang maging abo ito.

Madami naman akong napatay na mga mababangis na hayop dahil bawat daan nila sa harapan ko ay pinapatay ko.

Napahinto ako nang makaramdam ako ng isang pamilyar at malakas na enerhiya. Lumingon ako sa aking likudad nang may makitang mga nilalang na nakaitim. Na naglaho rin kalaunan.

Paanong nagkaroon ng Darkenians dito!?

"Lumabas kayo! Huwag kayong magtago! Hanggang dito ba naman, sinusundan niyo pa rin ako!" sigaw ko sa mga ito, naalala ko naman kung paano nila pinagtulungan si Inang Tamara na nagpabigat nanaman sa loob ko.

Mamatay man ako ay hinding-hindi ko kayo mapapatawad...

Lumabas naman ang mga ito at pinagsusugod ako. Tiyak ko na nasa walo ang mga nilalang na 'to. Sinipa ko naman sila at lumipad patalon sa isa at nag-split pataas at umikot-ikot, sabay-sabay naman silang naputulan ng ulo.

Mahihina kayo, paano niyo nagawang talunin si ina!?

Headmaster's POV

"Ano kamong sabi mo!? May nakapasok na mga Darkenians kung saan ginaganap ang pagsubok!? Imposible namang mangyari iyon!" sigaw ko sa assistant ko.

Nakakapagtaka, ano namang pakay nila sa mga bagong estudyante?

"Opo, Headmaster. Ngunit natalo ito ng isang babaeng nakaitim na cloak. Hindi ko nakita ang mukha nito dahil nakatago ang mukha nito gamit ang isang maskara. Ngunit wala na kayong dapat pang ikabahala dahil nalaman ko na ang kanyang pangalan." magalang na saad ng assistant ko.

Kumunot naman ang noo ko. "Ano ang kanyang pangalan?" tanong ko rito.

"Charlie Lany Lotte."

Napatingin naman ako sa kawalan. "Pamilyar ang pangalang iyan."

Napakunot naman ang noo ko. "Pero nakakapagtaka, bakit kailangan pang pumunta sa gubat ng mga Darkenians? Hindi hamak na mas malakas sila at isa pa... 'Di pa masyadong dalubhasa ang mga bagong estudyante sa paggamit ng mahika. Wala rin kwenta kung magpupunta sila dahil purong mga estudyante lamang ang naroon at hindi kawalan sa atin ang mga mamamatay doon."

"Baka naman po... Gusto lang talaga nila patayin ang mga bagong estudyante upang wala tayong makuhang mga nilalang na may potensyal sa pakikipaglaban. Hindi pa ba kayo nasanay sa mga masasamang nilalang na iyon? Pumapatay talaga kita ng naisin nilang mga nilalang, inosente man o hindi." pagpapaliwanag ng assistant ko.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon