Kabanata III - Chapter 3

Start from the beginning
                                    

"HINDI PWEDE! INA, GUMISING KA! WAG NIYO KUNIN ANG INA KO! PAKIUSAP... SIYA NALANG ANG NATITIRANG PAMILYA KO!" hagulgol ko.

"PAGBABAYARAN NIYO 'TO!" naiiyak kong sigaw kasabay nang pag-ulan at malakas na pagkidlat ng kalangitan.

Hindi ko lubos maisip na isa akong prinsesa... Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya, maaaring imposible ang mga tinuran niya. Nag-spell ako ng mga iilan na kataga upang manahimik na ang kaluluwa ni ina.

Paalam, Inang Tamara. Mamimiss kita.

Pumunta kaagad ako sa silid ng aming pinag-eensayuhan upang makatiyak kung totoo ang sinasabi niya. Pinasok ko ang nag-iisang pintuan roon nang sawi pa rin

Nagulat naman ako sapagkat punong-puno ito ng mga makapangyarihan na libro.

Binasa ko naman ang nakasaad sa libro.

Ang mga Kaharian sa Mundo ng Mahika:

Arteya Kingdom
- Ang Arteya Kingdom ay pinamumunuan ni Haring Silveo Gloriette at Reyna Tamina Collins-Gloriette. Nandito ang mga malalakas na diwata, tinagurian ding ang Arteya Kingdom ang pinakamalakas sa buong mundo ng mahika. Ngunit, nagkaroon ng labanan sa pagitan ng Darkenians Kingdom at Arteya Kingdom. Nakaligtas si Prinsepe Alexander, samantalang madaming nagsasabi na nasawi na si Prinsesang Charlotte.

Darkenians Kingdom
- Ang Darkenians Kingdom naman ay pinamumunuan ni Haring Lucas na nasawi na dahil sa labanan ng Arteya Kingdom noong isang taong kaarawan ng malakas na kambal. Napag-alaman na ang namumuno na rito ay ang kanyang anak na si Prinsepe Arthur. Gagawin niya ang lahat para lamang mapatay si Prinsesa Charlotte bilang paghiganti sa namayapa niyang ama at para na rin mapasakaniya lahat ng kapangyarihang naisin niya.

Aqua Kingdom
- Ang Aqua Kingdom naman ay pinamumunuan ni Haring Salamanca at Reyna Avria, nandito ang mga nilalang na nangangalaga sa tubig. Mapamundo man ng mga tao, pati na rin ang mundo ng mahika. Sila ang dahilan kung bakit hindi nauubos ang tubig mula sa isla, karagatan, o iba pang katubigan sa iba't ibang mundo.

Keantis Kingdom
- Ang Keantis Kingdom naman ay pinamumunuan ni Haring Shaddie at Reyna Sharina, magkapatid itong dalawang ito. Nandito naman ay kung sino ang may mataas posisyon, kaya nitong kontrolin ang panahon. Kaya nilang gawing maaraw o umulan ang panahon, sila ang natulong sa Aqua Kingdom. Ang mga nasa mababang posisyon naman ay ang tagapagbigay lamang ng mangyayari sa kalangitan sa mga susunod na araw.

Siggitarius Kingdom
- Ang Siggitarius Kingdom, walang pinuno rito, lahat sila ay pantay-pantay. Sila ang kumakausap sa mga hayop o bulaklak. Kapag may mababangis na hayop o nilalang sumusugod sa iba't ibang Kaharian maliban sa Darkenians Kingdom na kanila ring kaaway. Sila ang kumakausap dito para paamuhin.

Iceyland Kingdom
- Nandito naman ang mga nilalang na nagkokontrol ng yelo o nakakagawa ng yelo. Pinamumunuan ito ni Haring Tyron at Haring Taylor. Magkakambal sila.

Machinery Kingdom
- Nandito ang mga nilalang na kaya kumontrol ng teknolohiya at gumagawa ng mga sandata para sa iba't ibang kaharian. Pinamumunuan ito ni Haring Bronzeo at Reyna Goldea.

Explodery Kingdom
- Nandito ang mga nilalang na kayang kumontrol ng kidlat o kayang gumawa ng bagyo o kidlat. Pinamumunuan ito ni Reyna Thundrea, kaya din niyang pasabugin at pahintuin ang mga kidlat kung ito'y nanaisin niya.

Blasting Kingdom
- Nandito ang mga nilalang na kayang kumontrol ng apoy o nakakagawa ng apoy. Pinamumunuan ito ni Haring Blasty at Reyna Firey.

Wavery Kingdom
-Nandito ang mag-asawa si Reyna Carlita at Haring Paxyn, sila ang namumuno sa mga nilalang na kumukontrol ng waves at dugo ng isang nilalang, mapa-tao o hindi ordinaryong nilalang.

"Anong mga pangalan 'to... Ang weird naman." bulong ko sa aking sarili.

Dumaan ang mga panahon ay naging mas magaling ako. Nangako akong ipaghihiganti ko si Inang Tamara. Mag-iisang taon na akong nag-eensayo sa sarili kong mga kamay at isinasaulo ang mga salamangka na nakasulat sa libro rito. Siguro nga, panahon na upang pumunta na ako sa totoo kong pinanggalingan.

Kinuha ko na ang aking mga gamit at damit, nagsuot na rin ako ng ng cloak. Ginamit ko ang spells ko para mawala ang mga libro at itago ko ito sa likod ng aking kapangyarihan.

Binigkas ko ang spell na nakasulat sa libro. "Alarte Ascendare monmentum adaviria de portal." sigaw ko.

May lumabas na malaking bilog na kulay-pula habang nakaangat ang kanang kamay ko.

Isang hiling ni Inang Tamara na pumunta ako sa mundo niya, ang mundo ng mahika. Hiling niya ring maging mabuti akong prinsesa at hindi magpapaakit sa ano mang kapangyarihang itim.

Ipapangako kong kahit kailan ay hindi ako mawawalan ng dignidad, ina...

Isa daw akong nawawalang pinakamalakas na prinsesa sa kabilang mundo at unti-onti ko itong napagtanto sa pagtagal ng panahon.

-
The Lost Princess. Chapter 3. Fantasy.

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now