Naunang pumasok ang mag-ama ko sa SUV. I closed the umbrella and followed them inside. Dilat na dilat na ang mga mata ni Leon. He raised his chubby arms to the air, trying to touch Sage's chest. He glanced down at his son and grinned.

"See? He loves me..." patuya niyang sinabi sa akin. Natatawa ko siyang inirapan nang gumalaw na ang sasakyan. I glanced at the window when the car backed away and saw a glimpse of the rice fields. Sa loob ng isang taon, ni minsan ay hindi ako umalis ng Governor Generoso.

I gave birth to my son a couple of months ago. Leonard is a premature baby. It was our last resort when I got into an accident, endangering my life and my son's.

But Leon is a fighter. He's a healthy baby boy and we haven't encountered any complications ever since I gave birth to him. Wala nang mas iluluwang pa ang aking pakiramdam kahit na tatlong linggo akong nakaratay sa hospital matapos ang mahabang operasyon.

"I think he really wants to live..." minsang sambit ni Sage sabay halik sa pisngi ni Leon. I glanced weakly at them, still finding it difficult to move my body properly after the operation. My lungs burn at every breathe I take but the sight of my son sleeping soundly by my side was enough to make me want to live too.

"I think so too. Leonard... he's really a blessing to us, Sage."

Sage's eyes danced with happiness. Tinitigan niya ang kaniyang anak. Mayamaya pa ay gumuhit ang manipis na linya sa kaniyang labi at nawala ang ngiti sa kaniyang mga mata.

"Allana..." he said through gritted teeth. Umigting ang panga ni Sage. "She's going to pay for what she did to our son."

I bit my lower lips. "Sage..."

"And don't tell me to just let it go, Mallory." May bahid ng galit at iritasyon ang kaniyang boses. "She nearly killed the two of you! Kapag... Kapag nangyari iyon, I swear, I'm going to make her suffer with my own hands."

Pumikit ako at humigit ng isang malalim na hininga. Gusto ko mang makipagtalo kay Sage ay binalot na ako ng matinding pagod at pananakit ng katawan. My eyes burn. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit ang sariling matulog. Bago ako lamunin ng kadiliman ay naramdaman ko pa ang mahinang paglapat ng mainit na labi ni Sage sa aking noo.

"Here we are..."

I snapped myself out of my train of thoughts when Sage spoke. Binalingan ko siya na ngayo'y nakadungaw na sa mahabang pila ng mga sasakyan. Ngumiwi siya.

"Tonyo, doon ka nalang mag-park sa kanto. Huwag mo nang pasukin ang sementeryo at baka mahirapan ka pang ilabas ang sasakyan mamaya. Maglalakad nalang kaming dalawa ni Mallory papasok."

"Sige po, Sir." Tinanguan niya si Sage. I opened the car door and climbed outside. Hinintay ko munang makalabas si Sage dala si Leon bago ko ito muling isinirado. Tinapik ni Leon ang gilid ng sasakyan, hudyat na pwede nang umalis si Tonyo. He glanced at the crowd and then worriedly dragged his gaze back to his sleeping son.

"Don't worry, hindi naman tayo magtatagal..." wika ko. Nauna akong maglakad sa kanila at bumili ng mga kandila at bulaklak. Dahil maraming namimili ay medyo natagalan pa ako. I glanced at Sage. Sa isang kamay ay hawak niya si Leonard at ang isa nama'y hawak ang payong.

His brows are furrowed in concentration and I couldn't help but admire the two of them even more. Sage's muscles flexed as he adjusted his arms to make it comfortable to Leonard who's back to sleeping. Nag-angat siya ng tingin sa akin at nahuli akong nakatingin sa kaniya. The moron winked at me.

Napailing nalang ako habang natatawang ibinalik ang aking tingin sa nagtitinda ng bulaklak at kandila.

"Asawa't anak niyo po, Ma'am?" nakangiting tanong ng babaeng nagtitinda sa akin.

The Billionaire's SonDär berättelser lever. Upptäck nu