Chapter 5

107K 4.2K 629
                                    

Chapter 5

Habang naglalakad ay inaayos ko ang kusot ng aking uniporme nang may biglang humigit sa braso ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Leon.

"Mallory... Hi..." hinihingal pa niyang wika. He let go of me to pant a little. Malayo na ang nalakad ko galing sa eskwelahan. Wala si Sierra ngayon dahil nilalagnat kaya mag-isa na lamang akong uuwi. Siguro ay hinabol ako nito?

"Ang bilis mong maglakad!" sambit niya. He heaved a deep breath and grinned at me.

Nagtaas ako ng kilay. "Oh, Leon? May kailangan ka?"

He chewed on his bottom lips. "Narinig ko ang ginawa sa iyo ni Serenity."

Ibinagsak ko ang tingin ko. Ayaw kong makita kaming dalawa ni Serenity dahil baka kung ano na naman ang gawin sa akin ng babaeng iyon. She's one year younger than me. Ako naman at si Leon ay magka-batch. Ayokong patulan ang pagiging immature niya.

"Kalimutan na natin iyon." Tipid akong ngumiti. I glanced down at my fingers. Tatlo sa mga ito ay may bandage. Nalaman lang ni mama ang nangyari pagkatapos akong ihatid ni Don Monterio sa bahay. Gusto man niya akong pagalitan ay hindi na niya ginawa. Ang importante daw ay walang masamang nangyari sa akin bukod sa mga baling buto sa kamay.

"Pagpasensiyahan mo na talaga si Serenity, ha?" nagkamot siya sa batok na tila ba nahihiya. "Isip-bata pa kasi siya."

"Ayos lang sa akin, Leon."

"Uuwi ka na ba? Ihatid na kita sa inyo."

I gave him an incredulous look. "Sira ka ba? Baka makita pa tayo ni Serenity. Siya nalang ang ihatid mo."

"Absent siya ngayon." He gave me a cheeky grin. "Para naman makabawi ako sa iyo."

Sa huli ay napilit din ako ni Leon na ihatid sa bahay namin. Dahil narito siya ay tinahak namin ang highway. Hindi muna ako dumaan sa gubat kung nasaan ang daan patungo sa mansion ng mga Monterio. Mahigit limampung minuto ang lalakarin kung hindi ako dadaan sa shortcut. Pero tanaw na tanaw ko naman ang ekta-ektaryang sakahan ng mga Monterio habang naglalakad kami sa tabi ng daan.

Leon shoved his hands on his pocket. "Mayaman talaga ang mga Monterio, ano?" he glanced at me. "Kumusta ang party? Nag-enjoy ka ba?"

Nagkibit-balikat ako. I only played the piano once. I only danced with Sage once. At nalaman pa ni Don Monterio na pumapasok ako sa kwarto ng kanyang anak. "Ayos lang naman..."

"Itong sakahan nila ay hindi para sa bigas. They turn the barley into beer." He supplied. Huminto siya at may itinurong malalaking gusali sa dulo ng malawak na sakahan. "Iyon ang plantasyon nila."

"Talaga?" was all I could say. Sobrang yaman pala talaga nila Sage. Ano kaya ang hitsura ng kanilang kompanya sa Maynila? Siguro ay sobrang laki nun.

"We once sneaked into that plantation last summer." Humalakhak si Leon. "Grabe, ang dami nilang tauhan!"

Nagkuwentuhan kami tungkol sa mga Monterio hanggang sa marating na namin ang maikling daanan patungo sa bahay namin. Leon stopped on the sidewalk.

"Salamat sa paghatid sa akin, ah?"

"No problem." He grinned at me. "Sa uulitin."

Hindi ako sumagot. Gusto ba talagang mapahamak ng lalaking ito? Kumaway nalang ako sa kanya at nagsimulang tahakin ang daan papunta sa bahay. Naabutan ko ang stepfather ko sa sala. He's snoring loudly and he reeks of alcohol. Kagabi ay nag-away sila ni Mama dahil natanggal na naman siya sa kanyang trabaho bilang security guard sa isang pawnshop sa bayan. I wanted to protest when he hit my mother. Walang nagawa si mama kung hindi umiyak na lamang at magkulong sa kwarto. I gritted my teeth in anger but said nothing.

The Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon