Chapter 19

86.7K 3.6K 499
                                    

Chapter 19

"They even tried to use their money against me!" nagtiim-bagang si Mama. "Hindi na sila nahiya!"

"Anong sinabi mo, Ma'am?" tanong ni Prof. Cheng sa kaniya. Nasa faculty room ako ngayon at kumakain ng pananghalian. My mother is retelling her conversation with the Serrano's to her curious peers. Naikuwento na niya ito sa akin kagabi nang makauwi ako ng bahay. Maging ako ay hindi ko nagustuhan ang inasta ng mayor.

"Of course I declined. That was sexual harassment, for God's sake! I just can't accept the money and pull out the case I filed against. Let the mayor fight with me." Matapang niyang wika.

I glanced at my mother once again. She is no longer the timid wife I used to remember when my father is still alive. She's grown into a strong woman who will do anything to protect her family. Maybe the fact that my father passed away forced her to grow her own fangs and ensure that I grow up well-protected even with my father's absence. I couldn't love her more for that.

"Sigurado akong hindi na siya iboboto ng mga tao sa susunod na election kapag nalaman nila ang eskandalo na ito..." umiling-iling pa si Prof. Cheng at nagpatuloy na sa pag-kain.

---

Laking pasasalamat ko at semestral break namin nang umandar na ang imbestigasyon para sa kaso. My science professor, Sage, and some of my classmates were interviewed. Sa totoo lang ay hindi ako komportable lalo na't pinagtitinginan ako ng mga fourth years noong kumalat ang balita. I also feel bad for Cassie. Alam kong damay siya ngayon sa kalokohan ng kaniyang kapatid.

"Mal..."

I blinked and snapped myself out of my thoughts. During the first few days of our break, I busied myself with the investigation. Ngayon lang ako nakahinga nang maluwag. Nakulong si Lysander nang mahigit isang linggo pero napiyansahan din naman siya ng kaniyang pamilya. Inilipat na din siya sa ibang paaralan pero ang balita'y wala pa ring tumatanggap sa kaniya hanggang ngayon.

I lifted my head and saw Sage drying his hair off with a small black towel. Si Aaric ay tahimik na lumalangoy sa falls habang ako nama'y nakaupo lang sa isang malaking bato kung saan namin inilagay ang aming mga gamit nang dumating kami dito kanina.

"Yeah?" I smiled at him. Kinuha ni Sage ang bag sa tabi ko and replaced it with himself. Gusto ko mang umusog ay mahuhulog na ako kaya hinayaan ko na lamang siya kahit na abot-abot na naman ang tahip ng puso ko. Isa talaga ito sa mga hindi ko maintindihan gayong ang tagal ko nang kilala si Sage. Why am I still acting like this around him?

"We're going back to Makati tomorrow," anunsiyo na.

My heart sank inside of my chest. Nawala na ang kilig na nararamdaman ko at mabilis na napalitan ng lungkot.

"Bukas?" pinilit kong huwag ipahalata ang disappointment at lungkot sa aking boses pero sa palagay ko'y hindi rin epektibo. My voice even broke a little, damn it.

"Yeah." He shrugged. "Don't worry, we're going to be back after a while. Siguro bago matapos ang semestral break..."

"Oh," I said, sounding more relieved than I should've be. Namula ang mukha ko sa aking inakto. Sana naman ay hindi niya mapansin ito.

"What do you want for a gift?" tanong niya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "A gift?"

"Yeah. You've never been to anywhere but this place and Davao, right?"

Tumango-tango ako.

"So... is there anything you want me to give you?"

Saglit akong nag-isip pero walang pumapasok sa aking isipan. "Wala eh," pag-amin ko. Sage looked rather shocked as if he was expecting me to demand anything from him. "Wala akong gusto."

The Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon