Chapter 22

78.8K 3.2K 275
                                    

Chapter 22

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at nag-iwas ng tingin. Malakas pa rin ang tibok ng puso ko dahil sa pinaghalong kaba, inis sa sarili, at thrill na nandito si Sage sa loob ng aking kwarto.

Instead of answering his question, I dared to ask him instead. "Anong ginagawa mo dito?"

He clenched his jaw and storm towards my direction. Bahagya pa akong napaatras dahil sa sobrang kaba. Kaagad kong ni-lock ang pintuan at sumandal dahilan upang lapitan ako lalo ni Sage.

"Where have you been, Mal?" may diin ang bawat bigkas niya ng mga salita. He searched for my eyes and held my chin. "I've been waiting for you here since 9."

Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. "K-Kanina ka pa dito?"

"Yes, and it's frustrating because I don't have any idea where the hell are you. Inihatid ka ng isang kotse..." nagtiim-bagang ulit siya. "Sino yun? Was it a guy?"

I swallowed and nodded my head slightly. Sage cursed under his breath.

"Was it Leon again-"

"No." I squeaked. "Hindi ko siya kilala."

Nanlaki ang mga mata ni Sage sa akin na para bang hindi siya naniniwala sa aking sinabi. "Nagpahatid ka sa isang lalaki na hindi mo man lang kilala?" he exploded.

Hinawakan ko kaagad ang kaniyang braso at bahagyang pinisil. Pinandilatan ko siya. "Sage... nasa kabilang kwarto lang si Mama. Ano ka ba? Baka marinig niya tayo..." I hissed.

"The last thing I could care about right now, Mallory Rose, is the wrath of your mother. Tell me, sino yung lalaki? Bakit ka lasing? May ginawa ba siya sa iyo?" he said in a low and dangerous voice.

Sunod-sunod akong umiling. "Kasama ko si Sierra at mukhang nobyo niya ang lalaking naghatid sa akin. Nagpunta kami ng beach party kanina." Mahinahon kong paliwanag. "Calm down, okay? Wala namang nangyaring masama sa akin."

Mukhang nahimashimasan naman siya. His features softened but he scowled again. Pinasadahan niya ng tingin ang aking katawan.

"Why are you wearing something like this?" he asked with a hint of annoyance. "Alam mo ba kung ano ang pumapasok sa utak ng mga lalaki kapag nakita ka nilang ganito ang suot?"

Uminit ang aking pisngi sa kaniyang sinabi. Iniwas ko nalang ang tingin ko para bawasan ang pagka-ilang sa sinabi ni Sage.

"I-It was Sierra's idea..." I mumbled.

"Well, take that off." He commanded. Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Realizing what he said, he quickly added. "I'll turn around, of course. Ayaw kong nakikita kita sa ganiyan ka-iksing mga damit..."

Bahagya ko siyang itinulak at bumuntong-hininga. "Sige, magbibihis lang ako."

Sage gave me a single nod and strode towards my bed. Patalikod siyang umupo mula sa akin. Ipinatong niya ang kaniyang magkabilang braso sa kaniyang tuhod at tahimik na nakamasid sa dingding ng aking kwarto.

I took the opportunity to rummage through my closet and snatched the first pair of pajamas I saw. I tried to unzip the dress but I couldn't reach it. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at binalingan si Sage. Tahimik pa rin siyang nakaupo.

I took a deep breath and tried again. Naiinis na ako sa zipper na hindi makalas at kinakain nito ang aking oras. Binalingan ko ulit si Sage. Ramdam ko na naman ang pag-iinit ng pisngi ko.

"Sage..." I called out, embarrassed.

"What? Are you done?" tanong niya nang hindi pa rin lumilingon.

The Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon