Chapter 11

73.6K 2.3K 92
                                    

Chapter 11

The moment I stepped into Davao's International Airport, I felt jittery on the inside. With my sling bag and suitcase rolling after me, I maneuvered around busy passengers and their families waiting for them.

Biglang kumirot ang aking puso. If only my mother is still alive, she will surely be one of the families waiting for me in this very airport.

"Taxi, Ma'am?" untag sa akin ni Manong.

I smiled at him. "Yes, please."

Kinontrata ko si Manong na hanggang sa Governor Generoso kaming dalawa dahil ayaw kong sumakay ng van. Hindi ko rin naman dala ang aking sasakyan kaya mas mabuti na sigurong ganito.

"Naku, Ma'am, ang ganda-ganda na ng Governor Generoso ngayon!" natutuwang sabi ni Manong habang pinapaandar ang sasakyan. "Taga-doon pala kayo? Tamang-tama at taga-roon din kami. Puwede ko pang mabisita saglit ang aking pamilya bago ako bumalik ng Davao."

Nakipagkuwentuhan ako kay Manong habang nagbabiyahe kami. We even shared a lunch together in Manikling before we proceeded traveling until we arrived at my old hometown.

"Taga dito pala kayo, ang dami na ding nagbago dito," wika ni Manong at sumulyap sa palayan ng mga Monterio. "Itong planta ng mga Monterio, palaki nang palaki sa bawat taong lumilipas."

I swallowed hard. The plant seems twice bigger since the last time I saw it. Tinulungan ako ni Manong na i-unload ang aking mga bagahe. I glanced at our old house. It looks lonely and dull. Pagtapak ko pa lamang sa aming balkonahe ay nakita ko na kaagad ang mga alikabok dahil sa ilang taong walang nakatira sa bahay na ito.

"Sige po Ma'am, mag-iingat po kayo!" masayang turan ni Manong.

"Kayo din po, Manong!" kumaway ako bago tuluyang pumasok sa aming bahay. I still have the key. Over the years, many have tried to buy the house from me. But I politely declined because I still want the house and it's the only remembrance I have of my late mother. I still wanted to fulfill my dreams for her.

Iginala ko ang aking paningin sa paligid at bumuntong-hininga sabay ngiti. "Hi, Ma . . ." I swallowed again. Just the mere mention of my mother brings tears to my eyes. "Here I am again. Pasensiya ka na at sobrang tagal bago ako nakabalik dito. Diba pinangako ko sa iyo na aayusin ko ang tumutulo nating bubong?" my lips started trembling.

Buti na lamang at ako lang mag-isa sa bahay nang tumulo ang mga luha ko. I collapsed on the floor and hugged my knees to my chest. "Gagawin ko na po yun, Ma. I'm going to fix our house and I'm going to fix my life. Patawarin niyo po ako at hindi ako nakinig sa inyo noon. I was young and naïve and stupid . . . and inlove. Pero pangako ko sa inyo, Mama, hindi nap o mauulit iyon."

I wipe my tears away and forced myself to stand up. I scanned the surroundings and shrugged. "Maybe I should get started by cleaning? Baka masermonan mo na naman ako," pagak akong humalakhak bago hinanap ang aming nakatagong walis at tambo.

---

Maputik pa rin ang daanan papunta sa talon. Ito lang yata ang walang pinagbago sa nakalipas na mga taon. Matapos kong linisin ang bahay ay napagdesisyunan kong magpunta dito habang naghihintay pa ako ng tawag ni Leon. I wore my favorite pair of boots and sundress. Dinig na dinig ko ang huni ng mga ibon mula sa di kalayuan.

Nang marinig ko na ang malakas na pagbagsak ng tubig mula sa talon ay tinakbo ko na ang natitirang distansiya sa sobrang galak. I almost slipped because of the muddy ground but when the falls finally came into view, my face broke into a huge grin.

I quickly removed my boots and placed my bag in a huge rock. Malamig na ang hangin sa paligid. Wala na ang balsang aming ginawa noon at napalitan na ito ng mas malaki at mas matibay na balsa.

The Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon