Chapter 13

70.8K 2.2K 401
                                    

Chapter 13

A soft knock on the door woke me up. Kahit pupungas-pungas ay bumangon ako mula sa aking kama at nagtungo sa sala. I glanced at the clock. It's still quarter to six. Bakit ang aga naman ata ngayon ni Sage?

Wearing a frown on my face, I throw the door open. "Sag—" napatigil ako nang makitang hindi si Sage ang nasa pintuan kundi si Leon. A tired-looking Leon with two suitcases behind him. I blinked. "Leon?"

"Hey," he said in a hoarse voice. "I'm sorry to wake you up, I've been calling you non-stop since I landed from my flight."

"Flight?" itinagilid ko ang aking ulo. I stepped backwards and let him inside the house, my eyes unconsciously traveling to the woods in front of our house. Sage is just a few yards away. And Leon is here with me.

"I booked a flight as soon as possible. Hindi mo sinabi sa akin ang rason kagabi kung bakit ka umiiyak. God, Mallory, I got so worried."

Hindi ako nakapagsalita sa kaniyang tinuran. Nakatitig lamang ako habang kaniyang hinuhubad ang suot na mamahaling jacket at itinapon ito sa sofa. He sat down and started removing his shoes as well.

"Y-You shouldn't have come." I said quietly after a lengthy moment of silence.

"Shouldn't have come?" itinaas ni Leon ang kaniyang isang kilay. "Mallory, you are alone and you are crying. How can I let you stay here without anyone? Kung sinama mo pa sana si Gideon ay mapapanatag ako. Ngunit mag-isa ka lamang at ayaw kong may mangyaring masama sa iyo."

I swallowed the lump in my throat. I don't know how to feel, knowing that Leon booked a flight and fled here just because I'm crying. Sobrang kinakain ako ng aking konsensiya.

"Gusto mo ba ng kape?" I mumbled. "Ipagtitimpla kita."

"Yes, please." he groaned out lout and closed his eyes. Pinagmasdan ko muna saglit ang kaniyang pagod na mukha bago ako nagpunta sa kusina. Matamlay akong nagtimpla ng kape at nagsimula na ding magluto ng agahan. By the time I was done, Leon is fast asleep on the sofa.

"Leon . . ." marahan kong tinapik ang kaniyang balikat. He fluttered his eyes open. I smiled at him. "Kumain ka muna bago ka matulog muli."

"Oh, okay, yeah, I'll do that." He grumbled and yawned. Leon pulled himself up and followed me inside the kitchen. "This house looks so old." Komento niya habang umuupo. The wooden chair groaned at his weight. "Are you sure you don't want to sell this?"

Umiling ako. I gave him a polite smile. "Panatag ako dito, Leon. At isa pa, isa ito sa mga naiwang alaala ni Mama sa akin. Ipapaayos ko din ang bahay na ito."

Napailing na lamang si Leon sa aking sinabi sabay kuha ng pandesal. Habang kumakain kaming dalawa ay hindi ko mapigilan ang pagsulyap-sulyap sa bintana. Sage may appear any moment, in his rugged pants and black horse. Ayaw kong magka-abot pa silang dalawa ni Leon.

"By the way, we're going to have dinner at our house tonight. My parents are excited to meet you again, as well as my grandfather." Pagbasag ni Leon sa katahimikan. "Makikilala mo rin ang iba kong pinsan doon."

"Oh, okay . . ." labas sa ilong kong sagot. Hindi ako mapalagay sa kinauupuan ko kaya mabilis kong tinapos ang aking agahan. "I'm sorry, I forgot to send the restoration project to my client." I lied. "Doon na muna ako sa loob ng kwarto. If you need anything, just knock at my door. You can go back to sleep. Don't bother doing the dishes. Ako na ang bahala diyan mamaya."

"Okay." He nodded.

Iniligpit ko ang aking pinagkainan at dali-daling pumasok sa aking kwarto. Ini-lock ko pa ang pintuan at mabilis na hinanap ang aking phone.

The Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon