Chapter 30

94.2K 2.9K 485
                                    

  Chapter 30


Mainit ang panahon ngunit sa pagpupumilit ko ay napapayag ko si Sage na magpunta sa sementeryo ngayon.

"Maraming tao, Mal. Puwede naman nating ipagpabukas nalang?" he glanced at me worriedly. I smiled tightly at him.

"It can't wait, Sage."

He hesitated for a second before he sighed. Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko. Hinila niya ang dalawang kamay ko at marahang isinandal ang aking ulo sa kaniyang malaking balikat.

"I know you miss them already..." he murmured.

"I do."

"I'm sorry. Okay, let's go visit them." Malambing niyang wika sa akin at nagtanim ng halik sa aking noo. Sage's lips are warm and soft. Napapikit ako sa sensasyon at kumapit sa kaniyang shirt. Even with all these years, his manly scent didn't change. Minty and pleasant.

Tumayo si Sage at nilahad ang kaniyang kamay sa akin. I gratefully took it and pulled myself up. Dahan-dahan akong lumapit sa crib na nasa tabi lamang ng aming kama.

"Baby Leonard..." I said softly as I approached his tiny bed. Tulog na tulog siya at marahang nakakuyom ang dalawang kamao sa ibabaw ng kaniyang ulo. The grey cotton PJ's suited him well. his fluffy cheeks glowed when the sunlight entered our room without a warning and hit him gently on the face. "We're going to visit your sisters and grandmother today."

Marahan ko siyang kinuha mula sa kaniyang crib. Nakasunod si Sage sa akin. Maingat kong isinandal ang ulo ni Leonard sa aking balikat. Ramdam ko ang mainit na paghinga ni Sage sa aking likuran. Hinagod ko muna ang kaniyang likuran bago nagpalinga-linga upang hanapin ang kaniyang pacifier.

Sage planted a kiss on my son's cheeks as I heard the smack. I turned to him and glared playfully. Sage just grinned boyishly at me and stuck out his hands.

"Ako naman ang magdadala sa kaniya. Let me carry our son, Mal."

Ngumuso ako. "I have trust issues with men carrying little children."

Magaspang na tumawa si Sage. His deep chuckle made my mouth twitched, attempting to fight a smile. Pinilit kong manatiling nakasimangot ang aking mukha.

"I know how to carry a child, Mal. Trust me." he winked.

Wala na akong magawa kung hindi ang ibigay si Leonard kay Sage. I started missing my son the moment I let go of him. Selos ko siyang tiningnan sa bisig ng kaniyang ama na hanggang ngayo'y natutulog pa rin.

"Tara na..." sambit ko at kinuha ang nakatabing payong. I'm expecting a lot of crowd on the first day of November. Ganunpaman, gusto ko pa ring bisitahin ang mga anak ko at si mama.

Sinundan ko si Sage palabas ng bahay. Nang makita kami ni Tonyo ay kaagad siyang tumayo at nagkunwaring hindi nakikipag-usap kay Cynthia sa bakuran. Cynthia giggled and sauntered off. Mamula-mula pa ang pisngi ng aming driver habang nagkakamot ng ulo.

"S-Saan po tayo ngayon, Sir?" nauutal niyang tanong.

"Sa sementeryo," Sage answered. A hint of amusement danced in his eyes. "Kayo ha... nakita ko yun."

The poor driver blushed furiously. Tumawa ako at bahagyang itinulak si Sage. Nanatili ang payong sa itaas ng kaniyang ulo. I even have to raise a little on my toes because of Sage's towering height!

"Let's get inside, Sage. Naiinitan si Leon..."

Nanginig ang balikat ni Sage sa kaniyang pagtawa. Mahina ko siyang hinampas nang maalimpungatan ang bata. He slowly opened his eyes and looked around. His plump lips moved a little and he suddenly yawned. My heart melted. Leon is so adorable...

The Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon