Chapter 27

71.5K 2.3K 109
                                    

Chapter 27

"Ma'am, hindi daw po muna makakauwi si Sir dahil nagkaproblema sa palayan..."

Hindi maipinta ang mukha ko sa balitang inihatid ni Tonyo sa akin kinaumagahan habang kumakain ako sa lamesa. Suki stole a glance from me, trying to see my reaction. Tumango ako sa aming driver.

"At gusto niya pong magpadala ng pamalit na damit," dugtong pa niya.

Nagtaas ako ng kilay sa kaniyang sinabi. "Bakit? Nasaan ba ang cellphone niya at parang ang hirap naman yatang tawagan ang asawa niya dito sa bahay?" pagtataray ko.

Tumikhim si Tonyo, marahil ay nakaramdam ng biglaan kong pagbabago sa mood. I bit my lower lips in guilt. Pagod kong iminuwestra ang kwarto namin.

"Ikaw na ang kumuha, Tonyo..."

Namilog ang mga mata niya sa aking sinabi. "P-Po? Pero-"

"Nee-san, I'll do it." Biglaang tumayo si Suki mula sa pagkakaupo at bahagya akong nginitian. She also offered a reassuring smile to our nervous driver. "I'll get the clothes for Kuya..."

I shrugged and continued playing with my food. Bigla akong nawalan ng gana sa narinig na balita. Kung tutuusin, puwede ko lang lakarin ang palayan upang makita kung totoo talaga ang sinasabi ni Sage. But going there would only mean that I don't trust him, right? But I still wanted to know what happened... bakit hindi siya nakauwi kagabi?

Lumabas sa kwarto namin kinalaunan si Suki, dala-dala ang pamalit na ipapabigay kay Sage. She handed the clothes to Tonyo. Balisang tumingin ang driver sa akin bago tahimik na nagpaalam. Nang makaalis na siya ay binalingan ako ni Suki.

"Did you had a fight with Kuya Sage?" tanong niya sa akin.

Umiling ako. "It's actually... nothing, Suki. Sige na, at baka mahuli ka pa sa klase mo."

Laking pasasalamat ko nang magpatuloy na lamang siya sa pag-kain at hindi na ako kinulit pa. I took a shower again and changed into a pair of black leggings and maroon longsleeves. Nagkulong ako sa kwarto. Sinubukan kong tawagan si Mayor para i-update ang mga purchaser o di kaya'y makapag-meeting na kami ng architect. I wanted to submerge myself in work now that Sage is ignoring me.

"Pasensiya na po, busy si Mayor ngayon. Nasalanta kasi ng bagyo ang Caraga kaya naroon siya at namimigay ng relief goods..." sagot ng sekretarya niya matapos masagot ang aking tawag.

My shoulders slumped in disappointment. Balak ko pa sanang magtrabaho nalang ngayong araw.

"Ganun ba? Salamat, ah..."

"Sige po, Ma'am. I'll just tell her to return the call."

Ibinaba ko na ang tawag at pagod na tiningnan ang kabuuan ng aming kwarto. This used to be my room. But Sage renovated it. Pinalaki niya ito at pinalagyan ng banyo. Walang pintura noon ang pader ng aking kwarto. Kaya naman maaliwalas sa pakiramdam ang pinaghalong asul at putting pintura sa bawat pader na nakapaligid sa akin.

I played games using my phone. I even tried watching K-Dramas but I couldn't bring myself to focus. Lumilipad ulit ang utak ko kay Sage at sa kung ano ang ginagawa niya sa rice field. Kasama niya na naman ba si Allana? Ano na naman ba ang suot ng empleyadong yun ngayon?

I groaned out loud. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at napagpasyahang pumunta sa rice field. Di bale nang maglakad ako. Puwede naman akong magpayong. Di bale nang magalit sa akin si Sage. At least I know what's going on.

Inaayos ko pa ang isang strap ng aking sandals nang biglang tumunog ang gate. Nag-angat ako ng tingin. Mula sa bintana ay tanaw ko na ang matangkad na anino ng aking asawa na bumababa mula sa kabayo. I stop tying my sandals and watched him enter the house. Suot niya na ngayon ang mga damit na ipinadala ni Suki kay Tonyo kanina.

The Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon