Chapter 26

75.6K 2.2K 417
                                    

Chapter 26

"Maria Lucille and Maria Alicia Monterio..." I traced their cursive names on the tombstone. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. "Mahal na mahal kayo ni mommy... Hindi man ako nagkaroon ng pagkakataong makita kayo mga anak, pero sobrang mahal ko na kayo."

I swallowed hard. Naramdaman ko na lamang ang pagyakap sa akin ni Sage mula sa likod. We stayed in the hospital for a few days before I insisted to get discharged and give my girls a proper burial.

"I'm sure they're in good place now..." Sage murmured. Pero bakas pa rin ang lungkot sa kaniyang mga mata.

Pinalis ko ang mga luha at pinilit na ngumiti. Kanina pa tapos ang libing ngunit nanatili kaming dalawa dito ni Sage para sa mga anak namin. I cried so hard when I first saw them. They both have legs and arms and a face. They're both so tiny and they were hugging each other. Kakaibang lungkot ang naramdaman ko ngayong wala na sila sa aking tiyan.

"Huwag kayong mag-alala, aalagaan nang mabuti ni mommy ang kapatid niyo..." saad ko. "Christian Leon Monterio will grow and I will tell him beautiful tales of princesses like you..."

Pagod na isinandal ni Sage ang kaniyang baba sa aking balikat. Alam kong sobra din ang pagdadalamhati niya sa pagkawala ng mga anak namin. His parents have already visited me. Both of them are devastated with the news.

"I'm always looking forward for a granddaughter." Turan ni Don Monterio. "This is really a bad news..."

"I hope both angels are in heaven now..." turan ni Carolina Monterio.

Sage showed me his vulnerable side for the first time. Alam kong lihim siyang umiiyak sa gabi kapag tulog na ako. Hindi pa rin nagsi-sink in sa aking utak na dalawa sa mga anak ko ang nawala nang ganun-ganun nalang. And now my psychiatrist is so worried about me. Idagdag mo pa ang trauma na naranasan ko sa pagkamatay ni Leon... it would be really hard for me to move forward.

"Baby, let's go..." ani Sage nang makita ang paparating na sasakyang susundo sa amin. Gusto ko mang manatili ay pinagbawalan na ako ng doktor na gumawa ng kung anu-anong mabibigat na bahay. Kanina pa ako umaga dilat na dilat dahil sa libing ng mga anak ko. All of my friends, even old classmates, attended the burial, mourning for the loss of my girls. May iilan ding matatandang faculty members ang nagpakita. Sobrang nagulat sila nang makita akong muli dito sa Governor Generoso. At sa balitang nakunan ako ng dalawang bata...

Maingat akong inalalayan ni Sage patungo sa sasakyan. He's overprotective now. Madalas ding mainit ang kaniyang ulo kapag nagkakamali ang isa sa mga tauhan ng Dad niya. Pinadalhan kami ni Carolina Monterio ng tatlong kasambahay at isang driver para tumulong sa bahay. They also discourage me from accepting the project the mayor had been offering since I stepped back into my hometown.

"Sa bahay ka lang at magpahinga..." ani Sierra. "Kapag lumabas na si Baby Leon, at kapag nabawi muna ulit ang lakas mo, saka ka na magtrabaho..."

Suki also volunteered to help me speed up my recovery. We enrolled her in our community college as freshman. Pagkatapos ng kaniyang klase ay kaagad siyang tumutulong sa bahay at sinisiguradong ayos lang ang kalagayan ko.

"Huwag kang masyadong mag-alala, Mal, please..." naputol ang aking pag-iisip nang biglang hawakan ni Sage ang aking kamay. Nakaupo kaming dalawa sa backseat habang umaandar ang sasakyan palabas ng maliit na sementeryo. "There's a reason why we lost our children. And if it's God's will to allow us have a daughter again, it will happen soon."

Ihinilig ko ang aking ulo sa kaniya at kinapa ang aking tiyan. I could almost feel my son moving inside. Alam kong malakas siya at makakayanan niya ito. He will be born healthy and I will raise him properly. He may be even become an altar boy just like his father...

The Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon