Rain.Boys Chapter: 7.1

Magsimula sa umpisa
                                    

        "Alam mo pasaway ka talaga Arwin kahit kailan, puro ka kalokohan, pero hindi ko maitatanggi na naging masaya ako ngayon, naging masaya ako dahil sayo at kay mommy mo na mommy ko na din, at mas lalo na hindi ko itatanggi na mahal kita Arwin, kaya oo Arwin pumapayag ako." ang sabi ko at masaya ako dahil sa wakas nasabi ko na din kay Arwin ang nararamdaman ko para sa kanya.

        "Talaga Luke? Yes! Yes! I LOVE YOU LUKE! Ang saya ko!" at tumayo siya at niyakap niya ako ng mahigpit at isang halik ang binigay niya sa akin pero ngayon hindi na sa noo kundi sa labi.

        "I love you Luke!" ang sabi muli ni Arwin habang nakatitig siya sa akin.

        "I love you too Arwin! Tulad mo ang saya ko talaga." ang sabi ko at muli niyakap namin ang isa't isa, walang pakialam kung may makakita man sa amin, at ng makabitawa na kami sa pagkakayakap ay bigla ko naalala ang sulat ni John, kaya kinuha ko ito sa bag ko at inabot kay Arwin.

        "Ano yan?" ang tanong niya.

        "Sulat 'to galing kay John, ang pakiusap niya sa akin ay iabot ko 'to sa'yo" ang sabi ko at kinuha ni Arwin ang sulat pero sa halip na basahin ito ay pinunitpunit niya ito.

        "Teka bakit mo pinunit, bakit di mo man lang binasa muna." ang tanong ko habang pinupunit niya pa din ang sulat sa maliit na piraso.

        "Hindi ko na kailangan pang basahin pa ito dahil may sagot na ako, kung nagso-sorry siya ang sagot ko ay pinapatawad ko na siya at nakapag-move on na din ako sa ginawa niya, kung nakikipagbalikan siya ang sagot ko hindi na kasi mahal kita at masmahal kita ng higit sa pagmamahal na meron ako dati para sa kanya, at tsaka nagpapasalamat ako sa kanya dahil may pagkakataon na ako na mahalin kita ulit." ang sagot niya.

        "Ulit? Paanong ulit Arwin, anong ibig mo sabihin?" ang tanong ko at isang malakas na ulan ang bumuhos bago pa man makasagot si Arwin.

        "Akina yung bag at cellphone mo." ang sabi ni Arwin at ibinigay ko naman ito sa kanya.

        "Ano naman ang gagawin mo diyan?" ang tanong ko.

        "Wala, ilalagay ko lang tong mga cellphone natin dito sa bag mo, water proof naman tong bag mo di ba? At ako na din ang magdadala nito." ang sabi niya, tumayo siya at hinawakan niya ang kamy ko at hinila niya ako sa ulanan.

        "Hoy Arwin ano ka ba magkakasakit tayo nito eh, tsaka ang daya mo hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." ang sabi ko habang parehas kaming basa na sa ulan.

        "Ano ka ba minsan na tayo nagbasa sa ulan di ba? Pero that time malungkot ako nun, ngayon gusto ko magbasa tayo sa ulan ng masaya, ng kasama ka ulit at hawak ang kamay mo at yakap ka." ang sagot niya sabay yakap sa akin. "Yung tanong mo mamaya ko sasagutin, sa ngayon sulitin muna natin ang oras na 'to." ang dagdag niya, niyakap ko siya ng pagkahigpithigpit at ganun din siya sa akin, at mas lumakas pa ang buhos ng ulan.

        "Simula ngayon Drip Drop na tawagan natin, ikaw si Drip ako si Drop." ang sabi ni Arwin habang magkayakap kami.

        "Bakit Drip Drop?" ang tanong ko.

        "Kasi napapansin ko sa tuwing magkasama tayo laging natityempo na umuulan, kaya ayun naisip ko, tsaka parang bine-bless tayo ni God ngayon with this rain." ang sabi niya at tumingin siya sa akin.

        "I love you Drip!" ang sinabi niya at hinalikan niya ako at niyakap muli.

        "I love you too Drop!" ang sagot ko ng maghiwalay ang labi namin. Masayang masaya ako sa mga oras na 'yon dahil pakiramdam ko nga din na masaya para sa amin ang langit.

        "Drip pwede ka ba kumanta? Pero wag muna yung I'll Be." ang sabi niya at kumanta naman ako at ang kinanta ko ay ang 'Iris' by Goo Goo Dolls, nang magsimula na akong kumanta ay nag-umpisa na din kaming gumalawa, isinayaw niya ako, at nagsilbing spotlight namin ang ilaw sa poste, it was so magical ng mga sandaling 'yon, it was like a fairytale and a dream come true dahil sa nakita ko na ang Prince ko at ngayon ay kasayaw ko.

        "Alam mo Drip, nagpapasalamat ako at dumating ka sa akin at naging tayo." ang sabi ni Arwin habang patuloy kaming sumasayaw at ako sa pagkanta.
 "Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka, Drip, pangako hindi kita sasaktan, at hinding hindi kita iiwan." ang dagdag niya.

        Huminto ako sa pagkanta ngunit patuloy pa din kami sa pagsayaw, "Alam mo Drop, until now pakiramdam ko na nananaginip  ako kasi hindi ko akalain na magiging tayo talaga, Drop panagko ko din sa'yo na hindi kita sasaktan, hindi kita lolokohin, at hindi kita iiwan." ang sabi ko at muling humigpit ang yakap namin sa isa't isa,

        "I love you!" sabt naming nasabi at natawa kami, "I love you too!"  sabay muli naming sagot at natawa muli kami.

        "We are meant to be, destined, and fated talaga." sabi niya.

        "Oo nga Drop." ang tanging sagot ko, bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at mula sa bulsa niya kinuha niya ang isang maliit na box.

        "Ano yan Drop?" ang tanong ko sa kanya.

        "Galing 'to kay mommy, ang sabi niya kasi sa akin ibigay ko daw ito sa tao na ipapakilala ko sa kanya at mamahalin ko." ang sabi ni Arwin, at binuksan ni Arwin ang box at kinuha dito ang isang silver necklace na may tatlong raindrop pendant yung nasa gitna ay medyo malaki dun sa dalawa.

        Pumunta sa likuran ko si Arwin para isuot ang kwintas. "Itong kwintas na 'to ang magsisilbing tanda ng pangako at pagmamahalan natin, kaya ingatan mo ito, huwag na huwag mo huhubarin." ang sabi niya, at nang maisuot na niya ay humarap ako sa kanya.

        "Bagay na bagay sa mahal ko oh, oh bakit ka umiiyak?" ang sabi niya.

        "Hindi ako umiiyak 'no, ulan lang yan." ang sabi ko.

        "Hindi ka diyan halata sa mukha, mata, at expression mo, de-deny ka pa." ang sabi niya kaya hindi din ako nakatanggi.

        "Oo na, naiyak lang ako sa tuwa, hindi mali, naiyak ako dahil sa sobrang tuwa, hindi ko talaga ine-expect ang ganitong pangyayari." ang sagot ko.

        "Ikaw talaga Drip masnai-inlove tuloy ako sa'yo." at hinalikan niya ako muli at niyakap.

        This was the perfect story for me siguro kung magiging fairytale story man at kung panaginip 'to please God 'wag mo na kong gisingin pa. ang tanging nasabi ko sa sarili ko sa mga oras na 'yon.

Rain.BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon