Chapter 60

3.9K 156 35
                                    

Pagpasok ko ng lunes ay sumalubong sakin ang mga bati nilang lahat bilang pagco-congratulate dahil sa pagkapanalo ko. I smiled and said thanks before walking towards our room.

Namataan ko agad ang isang pares ng mga mata na matalim ang tingin sakin. May naglalarong ngisi sa labi ko bago higpitan ang hawak sa malamig na bagay na nasa bulsa ko.

"Nandito na pala si Ms. Intramurals!" rinig kong pagpaparinig ni Julia.

Ngumiti ako sakanila bago dumiretso kay Zoe na nakataas ngayon ang kilay sakin. Nakita ko ang pagtataka sa mata ni Kyle kung bakit ako lumapit pero hindi ko sila pinansin at yumuko sa harap ni Zoe.

"You've done a great job," bulong ko at ngumiti sakaniya.

"What are you saying?"

Hindi naalis ang ngiti sa labi ko kaya nilabas ko ang medal na hawak ko at sinabit iyon sa kanya.

"A medal for your effort on burning my tent, dear," ngisi ko at tinalikuran siya.

Narinig ko ang tunog ng mga upuang nagbanggaan at naramdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak niya sakin. Lalapit sana sila Kyle pero sumenyas ako na 'wag.

"Mayabang kana ngayon dahil nanalo ka? Bakit hindi mo ginawa 'yan nung talunan ka pa? Umaasta kang malakas pero ang totoo—"

"Tell me what you're trying to say because I can't see your point," sambit ko habang nakatingin ng mariin sa mata niya.

I can see how mad she is. Bago pa humigpit ang hawak niya sa braso ko ay tinanggal ko iyon.

"Ano bang pinuputok ng butchi mo dyan? Can't you see I appreciate your effort? Walang ibang may kayang gawin 'yon kundi ikaw lang kaya I gave something for your effort. Hindi ba pwedeng mag-thank you ka na lang?"

"Bitch!" sigaw niya at akmang sasampalin ako pero pinigilan ko ang kamay niya.

"Hurting someone while they're arguing with you means that you're that stupid. You can't fight using your words instead you're being violent?" napailing ako. "What kind of mindset is that?"

"Brina... Brina, come on." tawag sakin ni Kyle.

Nginisian ko si Zoe, "Playing dirty with me? Then, count me in." at tinapik ko ang balikat niya bago lingunin si Kyle at samahan.

Naglakad kami papunta sa school grounds. Nagtatakang nilingon ko siya nung tahimik pa din siya kahit na tumigil na kami.

"What's the problem?" tanong ko sakaniya at lumipat sa harapan niya.

That cold stare. It's back again. Hindi ko tuloy alam kung galit ba siya o ano dahil hindi ko mawari kung anong emosyon ba ang gusto niyang iparating.

"Why did you said that?"

"Said what?"

"All those things towards Zoe. Why?" wala pa ding emosyon ang mga mata niya.

"Wait, I don't understand. What do you want me to do? Pabayaan siya?"

Hindi ko siya maintindihan. Bakit parang galit pa siya dahil sa ginawa ko? Bakit parang ako pa yung may mali?

Hindi siya kumibo. Nagiwas din siya ng tingin at tinalikuran ako. Nakahawak ang dalawa niyang kamay sa bewang niya habang nakatalikod siya kaya kitang kita ko ang likod niya.

Ilang segundo lang at humarap siya sakin. He bit his lip that's why it became redder.

"No, no. I'm sorry. I was... I just wanted to protect you. Gusto ko ako yung tagapagtanggol mo. I'm so fond with the idea of that."

My Other HalfWhere stories live. Discover now