Chapter 14

5.7K 183 15
                                    

Paggising ko kinabukasan ay naligo agad ako at naghanda para sa pagpasok.

Pagkatapos din naming kumain kagabi ay hinatid agad ako ni Keith. Ayoko din kasing lalo siyang malate umuwi.

"Goodmorning, Mom!" bati ko kay Mommy nang makita ko siya sa kusina.

"Oh, goodmorning, sweety. Ang kuya mo?" 

Kumunot ang noo ko. "Po? Hindi pa po ba siya umaalis?"

Umiling si Mommy.

Bumuntong hininga ako. "Baka po nasa nagbibihis pa. Akyatin ko lang po."

Iniwan ko ang bag ko sa upuan at umakyat sa kwarto ni Kuya. Dinikit ko muna ang tenga ko sa pinto para marinig kung naliligo pa ba siya o ano pero wala akong marinig kaya kumatok na lang ako.

Nakailang katok na ako pero hindi pa din nagbubukas. Kinalabog ko ang pinto niya matapos ang ilang katok.

"Kuya!"

Walang sumagot kaya minabuti kong pumasok na lang sa loob at halos mabato ko siya ng lampshade sa nakita ko.

Aba! Ang magaling na Bryle Klay Garcia ay ayun at natutulog pa!

Kinuha ko ang throw pillow na nasa mini sofa niya at binato sa mukha niya.

Dumaing siya pero tinakluban niya lang ang mukha niya ng kumot.

"Kuya! May pasok pa!" niyugyog ko pa siya.

Tinanggal niya ang kumoy at napatingin siya sakin.

"Anong oras na?" inaantok pa ang boses niya nang tanungin niya iyon sakin.

"Seven thirty na, senyorito!"

"Shit..." nasapo niya ang noo niya at pumikit. "Mauna kana,"

"Ano ba kasing ginagawa mo at hindi ka nagising? Naga-alarm ka naman!" sermon ko sakaniya.

"Napuyat ako sa paglalaro kagabi," tinuro niya ang computer niya.

Umiling ako at tumungo sa cabinet niya. Ayaw niyang magkaron ng walk in e. Choosy!

"Maligo kana, Kuya. Ilalabas ko na 'tong isusuot mo. Bilisan mo para hindi ka malate ng sobra!" sabi ko habang kinukuha ang uniform niya.

Sinampay ko iyon sa tabi ng salamin at tinignan siya.

"Bababa na ako. Sasabihin ko na lang kay Mommy na nalate ka ng gising,"

"Sinong maghahatid sayo?"

"Edi si Manong," sabi ko at lumabas na ng kwarto niya.

Pagbaba ko ay nagulat ako nang makita ko si Brozon na kausap si Mommy na nakita agad ako.

"Brina, pababa na ba Kuya mo? May pinapakuha daw pala si Darwin sakaniya. Si Brozon ang nautusan."

Ngumuso ako. "Nalate po ng gising. Pinapauna niya na po ako."

Tinignan ako ni Brozon. "Pwede ba kong umakyat?" walang emosyon niyang sabi.

Tumango ako. Nagpaalam siya kay Mommy at nilampasan ako para umakyat sa kwarto ni Kuya.

"Kumain kana muna, Brina," sabi ni Mommy at binigyan ako ng pinggan at kubyertos.

Sumandok ako ng kakainin ko habang si Mommy ay umuupo sa harap ko hawak ang kape niya.

"Nagpuyat nanaman 'yang Kuya mo sa kakalaro," umiiling na sabi ni Mommy.

"Nako, My! Pagalitan mo po!" sabi ko at umiling iling din na para bang dismayado kay Kuya.

"Nako din, Brina! Kung marinig ka lang ng Kuya mo ngayon panigurado lagot ka!"

My Other HalfWhere stories live. Discover now