Chapter 59

3.9K 132 27
                                    

Tensyonado ako. Halos magdugo na nga ata ang labi ko kakakagat dito dahil sa sobrang kaba.

Last day na ng intrams. Finals na ng lahat ng sports at ngayon din gagawin ang Mr. and Ms. Intramurals. Unfortunately, ako ang lalaban para sa Ms. Intramurals.

"Nasan na yung magaayos sakaniya, Tita?" mas kabado pa ata sakin si Julia dahil hanggang ngayon wala pa ang magaayos sakin.

Mas nagmamadali ako dahil sa gusto kong makanood ng laro nila Keith. Ang kaso mukhang hindi pa ata ako makakanood dahil wala pa yung magaayos sakin.

"Can you please call her, Julia? Tell her it's cancelled already. Ako na lang ang magaayos sa anak ko," sambit ni Mommy at pumwesto sa harapan ko, "Okay, sweety, let's do this."

Mabilis lang naman akong naayusan dahil kanina pa tuyo ang buhok ko. Dadalhin na lang din namin ang mga isusuot ko para 'di ako mahassle at pagpawisan.

Sinulyapan ko ang cellphone ko habang inaayos nila ang mga gamit. Apat na araw na ang lumipas mula nung tumawag siya. Pagkatapos nun, wala na. Wala na ulit tawag o text manlang. Bumalik sa dati na aasa na lang ako at maghihintay kahit walang kasiguraduhan.

"Sweety?" napalingon ako kay Mommy nang tawagin niya ako. "Let's go?" tumango ako.

Kinuha ko ang mga gamit ko bago kami bumaba. Napako pa ang tingin ko sa isang pigura na nakatayo at hinihintay akong makababa.

"Oh, Kyle! Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nagreready kana din?" nagtatakang tanong ni Julia kay Kyle na nasa baba at naghihintay.

Nagmano at hinalikan ni Kyle si Mommy bago balingan si Julia.

"I was waiting for her and I'm done already. Ako na lang po maghahatid sainyo, Tita,"

"Ay naku! Good thing you came. Nagpapahintay si Blake sabay na lang daw kaming pumunta doon," tinignan ako ni Mommy. "Sweety, pauwi na din naman ang Daddy mo. Si Kyle na ang maghahatid sainyo. I'm sure hindi naman kami matatagalan."

Sinulyapan ko ang orasan. Kung hihintayin namin si Daddy baka mahuli na kami ni Kyle sa pageant dahil in thirty minutes, maguumpisa na iyon.

"Sige po,"

"Julia, go with them. Pakidala na lang din ng ibang gamit ni Brina. Magingat kayo, Kyle, okay?" paalala ni Mommy.

"She's safe with me, Tita. Ako na po magdadala ng mga gamit ni Brina."

Umubo si Julia, "Parang may dala din ako no, Tita Kylie? Parang ang bigat nga din ng dala ko diba?"

Natawa kami ni Mommy sa pagpaparinig ni Julia. Samantalang si Kyle naman ay dinaan lang ng tingin si Julia bago kunin ang mga gamit ko. Nagkatinginan kami ni Julia at kita ko ang pamimilog ng mata niya na tila ba nagulat dahil sa inasta ni Kyle.

"Nakita mo 'yon?!" sigaw ni Julia at tinuro si Kyle na naglalakad na palabas.

Tumawa na lang ako at tinulungan si Julia sa mga dala niya bago magpaalam kay Mommy at lumabas na.

"Nasa loob na mga gamit mo," sabi ni Kyle sakin habang hinihintay niya kami sa labas ng kotse niya.

Lumipad yung isang bag ni Julia papunta kay Kyle. Mabuti na lang at nasalo ni Kyle kundi baka nauntog na siya sa kotse niya dahil sa lakas ng hagis ni Julia.

"Baka pwedeng ilagay mo na din gamit ko kundi bubutasin ko 'yang gulong ng sasakyan mo," irap ni Julia. "Tabi! Sasakay ako!" sigaw niya dahil nakaharang si Kyle sa pintuan ng back seat.

Inasar pa siya lalo ni Kyle kaya ang ginawa niya ay tinanggal niya ang sapatos niya at pinukpok kay Kyle.

"Ako kanina mo pa ko iniinis ha!" tinulak niya na ng tuluyan si Kyle kaya tumawa na si Kyle at nilagay ang gamit ni Julia sa compartment.

My Other HalfWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu