Chapter 2

9.8K 227 37
                                    

Tumungo kami sa mall pagkatapos. The usual spot of teenagers like us.

"Brina, tignan mo," nginuso ni Kuya ang isang restaurant na ang nasa labas ay mascot. "Diba you like that? Gusto mong magpapicture?"

Agad kong hinablot ang braso niya at kinagat iyon. Namumuro na 'to sakin si Kuya!

"Aw! Aso kana pala ngayon? You want dog food?"

Grabeng inis ang naramdaman ko kay Kuya. Gusto ko siyang tadyakan pero naalala kong nasa mall nga pala kami.

"Bryle! Nasa mall tayo," saway ni Ate Jeremae kay Kuya.

Tumawa lang si Kuya at inakbayan ako bago halikan ang ulo ko.

"Joke lang."

Inirapan ko siya at nagpatuloy na kami sa paglakad.

Nilibot namin ang mall. Sila Keith ay inaasar si Brozon dahil monthsarry pala nila ni Via bukas.

"Hindi mo manlang is-surprise?" tanong ni Enzo sakaniya.

"Ilang months na ba kayo, Zon?" tanong ni Julia sakaniya.

"Turning three,"

"Oh? Edi pagka-bakasyon natin sinagot ka niya?" tanong ko sakaniya.

Tinignan niya ako at tumango. "March 21."

"Talaga? Two days bago mag birthday si Daddy!" natutuwa kong sabi.

"Oh? 'Di nga? Grabe!" sabay sabay nilang sabi sakin.

Sumimangot ako pero kalaunan ay tumawa din dahil tumawa sila. Inakbayan ako bigla ni Keith.

Tinignan ko siya. Nakita ko ang lungkot sa mata niya kahit nakatagilid siya saakin. Mabigat din ang pagka-akbay niya saakin na para bang tamlay na tamlay siya ngayon.

"Ano problema?" tanong ko sakaniya.

Tinignan niya ako at ngumiti ng malungkot. Doon ko natanto kung bakit. Hindi naman siya magiging malungkot ng ganyan kung hindi dahil kay Ianrie.

"I can't stop even she keeps on pushing me away," malungkot niyang tinig.

Tinignan ko si Ianrie na tumitingin ng mga damit habang tumatawa. Lumayo kami ng kaonti ni Keith sakanila kaya hindi nila naririnig ang pinaguusapan namin.

"I can't believe at fifteen, third year high school, you can fall inlove already."

Last year nagkaroon ng feelings si Keith kay Ianrie. Second year kami noon. Hindi ko alam kung paano niya napagtantong pagmamahal na iyon sa edad na ganun. Pero naalala kong si Mommy nga din pala ay ganung edad din ng mainlove.

"You can. Yung halos araw araw gusto mo siyang makita, gusto mong marinig ang boses niya lahat... siya lang ang nakakagawa..."

Ako yung kinikilig sa ginagawa ni Keith para kay Ianrie. Pero hindi ko lang maintindihan ng lubos kung bakit hindi magawang bigyan ng chance ni Ianrie si Keith.

I mean, oo, bukod sa pagiging gwapo e ma-effort naman si Keith. Mabait at higit sa lahat may respeto sa babae. Kaya nga pinagmamalaki siya ni Tita Kiara.

"Pero siguro, kahit anong mabait mo o page-effort ang gawin mo, kung ayaw niya sayo, ayaw niya."

Nakita kong napatingin siya saakin. Err, okay. Nahiya ako sa sinabi ko dahil hindi ko alam kung saan ko nahugot 'yun.

"Saan mo nakuha 'yan?" tumawa siya pero nahimigan ko pa din ang lungkot sa boses niya. "But I won't stop, Brina. I won't until I can make her mine. Thank you, anyway. For being there for me and helping me."

My Other HalfWhere stories live. Discover now